Fourteen

446 20 12
                                    

“Wow! Parang ang sarap naman ng niluto ninyo, Tatay. Paborito ko!” nakangiting wika ng bunsong kapatid ni Fatima na si Bryan.

“Syempre naman. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Magsidulog na kayo rito at nang makakain na tayo,” anang may-edad na lalaki, t’saka siya sinulyapan. “Ikaw. . . maghugas ka na ng kamay mo at sumabay ka na sa amin dito,” alok nito sa kaniya.

Mabilis pa sa alas-kuatrong tumayo si Brando at walang imik na sinunod ang lalaki. Pagkuwa'y naupo siya sa bakanteng espasyo ng pahabang upuan sa tabi ni Fatima.

“Kumakain ka ba nito, Kuya Brando?” tanong sa kaniya ni Noah.

Napatingin siya sa nakahaying pagkain. Sinigang na kangkong na maraming sabaw, pritong tuyo, at scrambled egg na parang pizza na hinati-hati sa bilang ng myembro ng pamilya; na may palabis ngayon dahil naroon siya. May umuusok ding kanin sa gitna.

Nakangiting nilingon niya si Noah at tumango. Hindi pa niya napigilang guluhin ang buhok nito. Iba kasi ang sayang hatid ng ginawa nitong pagtawag sa kaniya. Feeling niya welcome na welcome na siya sa bahay na iyon nina Fatima.

“Magdasal muna tayo,” anang ina ni Fatima.

Nagsipikit naman ang mga kaharap niya, habang umuusal nang maikling pasasalamat ang may-edad na babae.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya.

Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa niya nagawang magdasal bago kumain. He didn’t really think about the true essence of the blessings he received before, until he was welcomed by this wonderful family. At alam niyang marami pa siyang matutunan sa mga ito na alam niyang ikatataas ng mga kilay ng kaniyang ama.

Pagkatapos magdasal ay isa-isang nagsikuha ang mga ito ng pagkain. Ang nanay pa mismo ni Fatima ang naglagay ng pagkain sa plato niya.

“Salamat ho. . .” mahinang usal niya at hindi napigilang pagmasdan ang plato. Pagkuwa'y unti-unting nanubig ang kaniyang mga mata.

“May problema ba?” tanong ng ina ni Fatima na sa kaniya nakatingin.

Napalingon naman sa kaniya ang lahat.

Kagyat siyang umiling kasabay ng pagsinghot. Huli na rin naman para itago pa iyon sa mga ito.

“Wala naman ho. I just remember my mother,” aniya at nakangiting sumubo ng pagkain.

Nagkatinginan ang mga magulang ni Fatima. Ang babae naman na katabi ay ramdam niyang hindi siya hinihiwalayan ng tingin.

“Laging bukas ang pintuan ng bahay namin para sa ’yo, Brando,” nakangiting wika ni Aling Hilda sa kaniya pamaya-maya.

“’Nay!” mabilis na pagpoprotesta ni Fatima.

Pinanlakihan lang naman ito ng mga mata ng nakatatandang babae.

Wala itong nagawa kundi ang yumuko at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain.

Siya man ay ganoon din ang ginawa. Sarap na sarap siya kahit pa nga napakasimple lang ng mga nakahayin sa lamesa. At mas lalo pang sumarap at naging memorable ang agahan niyang iyon, dahil sa pamilya ni Fatima na masayang nagkukwentuhan habang nagsasalo-salo. At syempre, dahil naroon ang babae sa tabi niya.

******
“Mang Lorenzo, Aling Hilda. . . tutuloy na ho ako. Salamat ho sa pagkupkop sa akin kagabi,” pamamaalam ni Brando pagkatapos kumain.

“Ha? Eh, hindi ka ba sasama sa aming magsimba?” tanong ng may-edad na babae. Bigla ay parang anak na rin ang naging turing nito sa kaniya.

“Baka ho ’Nay hanapin na siya sa kanila,” agad na salo ni Fatima na mabilis niyang pinabulaanan.

“Sige ho. Kukuha lang ho ako ng pamalit sa kotse. Kahapon ko pa ho suot itong damit ko, eh. Amoy inihaw na isda pa,” nakangiting sagot niya na kay Aling Hilda nakatingin.

Nakangiting tumango naman ito sa kaniya.

Agad niyang tinungo ang kinapaparadahan ng sasakyan sa labas ng lugar nina Fatima at kumuha ng pamalit na damit. Nakahanda na talaga ang mga iyon, dahil iyon ang bilin sa kaniya ni Mang Ambo noong nakaraan. Mabuti na lang pati at may kaibigan si Mang Ambo sa labasan. May napaghahabilinan siya ng kaniyang sasakyan, na alam niyang takaw pansin sa mga magnanakaw.

Pagbaling niya pabalik sa pinanggalingan ay nagulat pa siya nang makitang nakatayo roon si Fatima.

“Mag-usap nga tayo,” hindi ngumingiting wika nito.

Luminga siya sa paligid. Maraming tao roon dahil Linggo at walang pasok. At pansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga naroon.

“Alright. . . Dito mo na ba gustong mag-usap tayo? Or you want to get inside?” Ang tinutukoy niya ay sa loob ng kaniyang kotse.

Umiling ito. “Dito na lang. Maikli lang naman ang sasabihin ko,” anito.

Bigla naman siyang kinabahan. Parang hindi niya gusto ang itsurang iyon ng dalaga. At parang ayaw na niyang marinig pa ang susunod na sasabihin nito.

Lumunok siya. Sunod-sunod.

Oh f**k, Brando! Kailan pa naging bahag ang buntot mo? Kastigo ng kabilang bahagi ng isip niya.

He sighed. “Alright. . . Go on. . . Say what you wanted to say. I'm ready,” aniya.

“Pumapayag na ako.” Iyon lang at mabilis na siya nitong tinalikuran.

Napatulala siya sa narinig at hindi agad nakagalaw. Literal na parang ibinugsok siya sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang papalayong dalaga. Pilit pa rin niyang iniintindi sa isip ang sinabi nito.

Pagkuwa'y, “Oh, yes! Yahoo!” malakas niyang sigaw na parang tumama sa lotto.

Nagtawanan naman ang mga nagmamasid sa kanila ni Fatima kanina pa.

“Mukhang may nakabihag na kay Fatima, mga ‘Tol! Wala na tayong habol ngayon sa kaniya,” anang grupo ng mga kalalakihan sa tapat ng isang tindahan.

“Congrats, Pare!” ang sabi pa ng mga ito.

Nakangiting tumango siya. “Salamat mga pare.”

“Ang swerte mo naman. Sa tagal na naming nagpapalipad-hangin sa kaniya, hindi man lang kami napansin,” anang isa pa.

“Tyagaan lang mga ’pre. Sige at susundan ko pa ang aking mahal.” At malalaki ang mga hakbang na sinundan si Fatima.

“You’ll never regret this day. I promise,” aniya nang maabutan ito.

Tumigil ito at tiningnan siya sa mga mata. “Huwag ka munang magpakasaya dahil hindi pa naman kita sinasagot. Sa ngayon, kikilalanin muna natin ang isa’t isa gaya ng sabi mo. Kaya kung hindi ka makatatagal sa pag-uugali ko at ganoon din ako sa ’yo; lalo na sa mga kalokohan mo, alam mo na ang magiging kasagutan ko,” hindi pa rin ngumingiting turan nito.

Sunod-sunod siyang tumango na para bang pagsisisihan niya habangbuhay kung hindi niya gagawin iyon.

“Ipinapangako ko sa ’yo na hinding-hindi ako gagawa nang kahit na anong ikagagalit mo sa akin. I'll be the best that I can be from now on,” determinadong sagot niya.

“Huwag kang mangako kung hindi mo naman kayang gawin, dahil hindi rin naman ako aasang magagawa mo iyon.”

“No. I said what I've said. At tutuparin ko iyon para sa ’yo.”

Hindi naman mapigilan ni Fatima ang sarili na hindi kiligin. Sino nga bang hindi makadarama nang ganoon kung ganito kagwapo ang nagpapahayag ng pagmamahal sa iyo?

Wala. Walang sinuman ang makatatanggi pa. Kahit na nga siguro bato.

Humingi siya nang malalim. “Gawin mo na lang, huwag mo ng sabihin. Action speaks louder than words sabi nga nila.”

Tumango ito. Wala na yatang ginawa ang lalaki sa araw na iyon kundi ang tumango at ngumiti nang abot hanggang tainga.

“Much better if you just combine those two. Because what is action if you can’t speak what’s on your mind? Hindi nga ba kaya kadalasan ay nagkakaroon ng misundersatndings dahil sa ganoon? At kaya rin nagkakaroon nang maling akala,” dahilan nito.

“Oo na. . . oo na! Bahala ka na nga!” pagtataray-tarayan niya at nilagpasan ito.

Subalit mabilis siya nitong pinigilan sa braso.

Napatingin siya sa magkadikit nilang mga balat. May kakaibang init kasing nanulay mula sa mga kamay nito papunta sa kaniya, dahilan para mabilis niyang bawiin iyon.

Hinawakan niya ang braso, pagkuwa’y tiningnan ang lalaki na ngayon ay nagbago na ang anyo.

“You can’t hide the fact that there’s a spark between us,” seryosong wika nito na tiningnan ang sariling palad, pagkuwa’y siya.

Umingos siya. “Spark-spark mong mukha mo! Bilisan mo na at ayaw ni Nanay na nahuhuli sa misa. Isa pa, nangangamoy ka na sa suot mo.” At pagkasabi niyon ay walang lingong-likod na nilagpasan niya ito.

Dere-deretso siya sa kanila at nagpalit na rin ng damit. Paglabas niya ay nakahanda na ang lahat pati si Brando, na umaapaw ang kagwapuhan sa suot na asul na polo at pantalong maong. Hindi na nito suot ang sandals, kundi isang pares ng sneakers.

Langya! Fresh na fresh ang loko kahit hindi naman ito naligo.

At ayon na naman ang puso niyang walang tigil sa kalulundag sa dibdib niya.

“Tara na at anong oras na,” anang kaniyang ina at nagpatiuna kasabay ng ama at mga kapatid.

Isa pa uling sulyap ang ginawa niya kay Brando bago sumunod sa likuran ng pamilya. Sinundan naman siya ng lalaki na maya-maya ay kaagapay na niya.

Tahimik lang ito at hindi nagsasalita. At medyo naninibago siya sa ipinapakita nitong iyon.

Pasulyap-sulyap siya rito kaya hindi niya napansin ang paparating na motor.

“Watch out!” ani Brando na kaagad siyang hinapit sa bewang palapit dito.

Tulalang napatitig na lang siya sa lalaki sa tindi ng gulat na nadama. Ang kabog ng kaniyang dibdib ay halos naririnig na niya, ganoon din ang kay Brando na titig na titig sa kaniya.

Parang may mahikang biglang bumalot sa paligid. They became unaware of what was happening around them. Ang lalaking halos nakayakap na sa kaniya ay hindi siya hinihiwalayan ng tingin, habang ang natural nitong amoy na nasasamyo niya ay nais magpapikit ng kaniyang mga mata. Bukod pa roon, ang pagtama ng hininga nito sa mukha niya ay lalong nagpapawala sa kaniyang sarili.

“Fatima! Brando! Ano bang itinutunga-tunganga pa ninyo riyan?” malakas na tawag ng ama na nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan.

Agad niyang itinulak si Brando at nagpatiuna nang maglakad dito. She lowered her head trying to hide the redness of her face.

Pahiyang-pahiya siya sa nangyari.

Ano bang pumasok sa isip niya at sa halip na tumingin sa dinaraanan ay nasa lalaki ang buong atensyon niya? Muntikan pa tuloy siyang mapahamak dahil sa ginawa. At kung hindi dahil dito ay baka nga nasagasaan na siya.

Inis na kinurot-kurot niya ang tagiliran. Parusa niya iyon sa sariling kat******n.

Siguro kung hindi sila tinawag ng kaniyang ama kanina, baka kung saan na naman humantong ang eksenang iyon. At aminin man niya sa sarili o hindi, pinananabikan niyang muling matikman ang malambot nitong mga labi. Hindi kasi iyon mawaglit-waglit sa isip niya, mula nang ipatikim nito ang makapanginig tuhod na unang halik sa buong buhay niya.

And she may be inexperienced to that matter, but knowing it will come from Brando—kinilig siyang talaga.

Monte Bello Series: Brando - The Alvarez Brother's 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon