Ten

470 19 28
                                    

Laglag ang mga pangang napatulala na lang si Fatima sa lalaking kaharap. Kasabay niyon ay ang mabilis na pagririgodon ng kaniyang puso. At tila ba biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo.

The devil in front of her is none other than Brando Alvarez! He's devilishly looking gorgeous in his simple red shirt and khaki shorts. Labas na labas ang pagiging balahibuhin nito. Naka-sandals ito ng itim na labas ang mga daliri sa paa. Kaya’t kitang-kita niya ang napakalinis nitong mga kuko.

“Aba'y aanhin mo naman ang napakaraming isdang ito?” tanong ni Aling Tasing na bumasag sa mahikang bumabalot sa kaniya.

“Naku, Aling Tasing! Nang-go-good time lang ho iyan. Hindi ho talaga iyan bibili,” agad na awat niya nang akmang kikilohin na nito ang mga natitirang isda.

Tiningnan niya nang masama ang lalaki. “At ano namang masamang hangin ang nagpadpad sa ’yo rito?” pasupladang tanong niya.

Tinaasan lang siya nito ng kilay at si Aling Tasing ang hinarap. “Kailangan ho namin sa restaurant, kaya marami ang kailangan ko. Magkano ho ba itong lahat?” tanong nito sa matandang pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila.

“Magkakilala ba kayo?” nalilitong tanong ni Aling Tasing na sa kaniya nakatingin.

“Oho.”

“Hindi, ho.”

Panabay pa nilang sagot.

At ang g**o, itinanggi pa siya!

Tumaas ang mga kilay ni Aling Tasing. “Mukhang may nagawan ka na naman ng kasalanan, Fatima,” pambubuska nito sa kaniya.

Nagpupuyos ang kaloobang hindi siya sumagot. Binalingan niya ang isda na halos magkadurog-durog na sa pagkakapisil niya.

Kung itinatanggi siya ng lalaki, pwes hindi niya rin ito kilala! Madali naman siyang kausap.

“Hay, salamat naman. Makapagsasara tayo ngayon ng maaga,” ani Aling Tasing habang tinitimbang ang isdang binili ni Brando. “Papalinisan mo pa ba ang mga ito?” tanong pa rito ng matanda.

“Hindi na ho. Kami na lang ho sa restaurant,” magalang na tugon nito.

Mabilis na tumango si Aling Tasing at maingat na inilagay sa isang malaking plastic ang mga binili nito.

“O, heto.” Iniabot nito kay Brando ang plastic. Binayaran naman iyon ng lalaki.

Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang sinulyapan muna siya nito, bago tumalikod. At nang makalayo-layo ay napabuntonghininga na lamang siya.

“Kaylalim niyon, ah,” komento ni Aling Tasing na pinagmamasdan pala siya.

Nilingon niya ito.

Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang naglalarong ngiti sa mga labi nito, kaya’t napailing na lang siya.

“Ano bang naging kasalanan mo roon sa tao? Aba'y mantakin mong sinabi na hindi ka kilala?” pag-uusisa nito.

“Wala naman ho,” maikling tugon niya. Inilagay niya sa pastic ang huling piraso ng isda na natanggalan niya ng tinik.

“Wala? Eh, bakit ganoon kung umasta? Halata namang kilala ninyo ang isa’t isa, ah.”

“Naku! Pabayaan niyo na ho ang lalaking iyon. Talaga lang hong wala iyong magawa sa buhay. Wala naman ho pating kaso sa akin kung itanggi niyang magkakilala kami. Hindi rin naman siya importante,” sagot niya.

Napailing ito. “Parang hindi ganoon ang nakikita ko. Ngayon pa nga lang nanghahaba na ang nguso mo,” kantyaw nito sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Ayaw na kasi niyang humaba pa ang usapan na iyon.

Monte Bello Series: Brando - The Alvarez Brother's 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon