Twenty

421 17 25
                                    

“Good morning, sleepyhead. . .”

Nakangiting mukha ni Brando ang nabungaran niya pagbukas ng kaniyang mga mata. May hawak itong isang tasa ng umuusok na kape.

Napabalikwas siya ng bangon at agad na ibinalot ang kumot sa katawan. “A-Anong ginagawa mo rito?”

Amused na tiningnan siya nito. “Wala akong gagawing masama kung iyon ang iniisip mo. Kanina pa nga akong nakatayo rito at pinanonood ka sa pagtulog mo,” sagot nito at humigop ng kape sa tasa.

Lalo siyang natilihan sa narinig. “K-Kanina ka pa rito? Kanina mo pa ako pinagmamasdan?” kandautal na tanong niya.

“You heard me.” At dahan-dahan itong lumapit sa kaniya.

“Hanggang d’yan ka lang!” Mabilis siyang bumaba sa kabilang side ng kama.

Natawa ito. “Relax, Fatima. . . Gaya ng sabi ko, wala akong gagawing masama sa ’yo. Not unless. . .” pambibitin nito sa sinabi.

“Not unless ano, ha?” sikmat niya.

Nagkibit ito ng mga balikat. “Not unless you allowed me to.” Balewala itong naupo sa inalisan niya.

“In your dreams!” At nagmamadaling tinungo niya ang banyo.

Ngunit, bago pa niya maisara iyon ay muli itong nagsalita. “Wear something comfortable. I'll tour you around bago tayo mag-swimming.” Pagkuwa’y tumayo na ito at iniwan na siya roon.

Kakaba-kaba ang dibdib na isinira  niya ang pintuan ng banyo.

Ilang sandali rin ang pinalipas niya bago nakuhang maghilamos at mag-toothbrush. Pagkalabas doon ay naghanap siya ng damit na maisusuot. Pinili niya ang isang kulay abuhing sleeveless at pinatungan iyon nang manipis na long-sleeves, na ibinuhol niya sa may tapat ng  tiyan. Pagkatapos ay tenernuhan niya iyon ng pantalong maong. Itinali lang niya paitaas ang buhok bago bumaba.

Naabutan niya sa kumedor si Brando. “Let’s eat first,” yaya nito nang makita siya.

Noon niya lang napagmasdan ang itsura ng lalaki. Very cowboy ang dating nito sa suot na checkered long-sleeves, na bukas hanggang sa kalagitnaan ng dibdib, at pantalong maong. Naka-boots din ito na akmang-akma sa pangangabayo. Kulang na lang dito ay ang cowboy hat na lalong magpapatingkad sa angking kagwapuhan ng lalaki. Dinaig pa nito sa kakisigan ang napapanood niyang modelo ng sigarilyo sa TV.

“Tapos ka na ba?” pukaw nito sa pagmamasid niya.

Pagsulyap niya rito ay nakaplaster sa mga labi nito ang isang pilyong ngiti.

Inirapan niya ito. Pilit niyang nilalabanan ang pagkapahiya, kasabay nang marahang paghakbang.

Mabilis naman siyang ipinaghila nito ng upuan, bago naupo sa tabi niya.

Tiningnan niya ito. “Ang dami-daming upuan, diyan ka pa naupo,” paangil na sita niya rito.

“Dito ko gusto,” kibit-balikat na tugon nito.

Ito na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Siningag na maraming bawang, tocino, sunny side-up egg, danggit na may ka-partner na sawsawang sukang maanghang, at bistek na maraming sibuyas. Ipinagsalin din siya nito sa isang tasa nang umuusok na tsokolate.

Napatingin siya sa tumpok ng pagkaing nasa plato. “Ano bang palagay mo sa akin? Patay-gutom?” Pagkuwa’y nilingon niya ang lalaki. Abala na ito sa pagsubo.

“Kaya mo ’yan. Maniwala ka sa akin, kulang pa iyan lalo na kapag natikman mo itong bistek ni Manang Sideng,” anito at muling sumubo nang nasabing pagkain.

Nadala naman siya sa panghihimok nito. Ganado na rin siyang kumain kasabay ng lalaki. At hindi nga ito nagkamali ng sinabi, masarap nga ang bistek pati na ang danggit.

Monte Bello Series: Brando - The Alvarez Brother's 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon