Chapter 22

335 8 0
                                    

Averie's POV

Kinusot kusot ko ung mata ko habang dahan dahang bumabangon. Tiningnan ko yung paligid ko..

Teka.. Waah! Napatingin ako sa katabi ko at.. Ang himbing ng tulog niya.

Shocks! Nakatulog ako! >.< Aish. Hinipo ko yung noo niya. Tsk ang taas parin ng lagnat niya!

Tumayo ako at lumabas ng kwarto niya uhhh.. Saan nga ba yung kusina nila?

"Averie, do you need something?"

Napatingin ako sa likod ko at nakita si chris ang gwapo... Pero mas gwapo si sungit! ^//^

"Ah eh.. Kukuha ko sana ng makakain si su-- Nico. Hehe."
"Haha. Tara sasamahan kita sa kusina."

Tumango ako at sumunod sa kaniya.

Napakalaki talaga ng bahay nila kung ikukumpara sa bahay namin parang 2 o 3 times bigger yung sa kanila.

"Ano lulutuin mo para kay kuya?"

Lulutuin? Wala ba silang pagkain?

"Hindi nagluto yung maid dahil wala namang kakain."

"H-Hindi ako marunong magluto."

Nakatingin lang siya sakin tapos biglang tumawa. Hindi ako nasabihan na bully pala to!

"Hahaha. Ganun ba. Sige halika tuturuan kita. Ano ba iluluto mo para kay kuya?"

"Uhm.. Lugaw?"

"Hmm. Madali lang yan, halika simulan na natin."

**

"Sungit? Uyyy! Sungit gising na!"

Niyugyog yugyog ko pa siya kaso hindi talaga magising. Aish. Paano ba gisingin ang isang to?!

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito.

"Averie, aalis muna ako ah? Nandito naman si ken kaya katukin mo nalang siya sa kwarto niya pag may kailangan ka."

Yung ubod ng sungit at snob na kapatid ni sungit? Jusko wag na po.

"Hahaha. Wag ka mag alala napag sabihan ko naman na yun hindi ka nun kakausapin pero tutulungan ka niya. Sige bye!"

Nagpaalam narin ako sa kaniya tapos bumalik ako sa paggising kay sungit.

"Aish! SUNGIIT! YAAH! GUMISING KA NA!!!"

Waah! Bat ba ang hirap gisingin nitong masungit na to!! Lalamig na yung lugaw na ginawa ko.

"NICO MORALES ISA KAPAG HINDI KA PA GUMISING BREAK NA TAYO!!"

Kasing bilis ni flash ang pagbangon ni sungit at tiningnan niya ako ng masama. Sabi ko nga kasi mali ang sinabi ko na yun eh.

"J-joke lang yun."
"Do you think it's a funny joke?"

Mababa ang boses niya pero nakakatakot to. Naluluha narin ako kasi aminado ako na may mali ako tas idagdag mo pa yung nakakatakot na boses at itsura nito. Sabi sa inyo eh 2 or 3 times deadlier ito kapag may sakit eh.

"S-sorry."

Pinipigilan kong tumulo ang luha ko kaso hindi ko kaya.

Hindi siya nagsasalita at napatingin lang sa pagkain na ginawa ko tas tiningnan niya ko.

"Tss."

Kinuha niya yung lugaw tas mabilis na kinain pagkatapos ay ininom niya rin ang gamot tas humiga uli.

His Stolen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon