Chapter 27

280 3 0
                                    

A/N:

Papabilisin natin ng papabilisin panahon nila. Hahaha

---

Averie's POV

"Nico!! Gusto ko ng mais!! Gusto ko rin ng halo halo na may strawberry! Gusto ko rin ng mangga! Pati ng saging! Pati--"

Tinakpan niya ang bibig ko gamit kamay niya tapos lumapit sakin.

Huminga siya ng malalim.

"Isa isa lang okay? Ibibili kita ng gusto mo pero huminahon ka lang."

Hihi. Nakakatuwa! Ang kalmado na niya palagi! Hindi siya nagagalit kahit ang dami kong inuutos sa kaniya.

Tinanggal ko ang pagkakatakip niya sa bibig ko.

"Eehhh! Pero gusto ko na ng lahat ng yun!!! >3< now!! I want them now!!!"

Umupo siya sa sofa at sumandal tapos malakas na napabuga sa hangin.

Nagpout naman ako tapos umupo ako sa lap niya.

"Napapagod ka na ba? Okay lang kahit wag mo na ko ibili nun."

Pinalupotko ang kamay ko sa leeg niya tapos sumandal sa balikat niya.

"It's okay. You don't need to worry about me."

Hinawakan niya yung tyan ko tapos hinimas himas. Malaki laki narin ang tyan ko kaya bumibigat ako. Buti nga nakakaya pa ni nico na buhatin ako eh. Hehe.

"In less than 4 months manganganak na ko. Hindi ka na mapapagod."

"Ayos lang naman kahit mapagod ako. It's for the both of you so it's alright for me."

Ang bilis talaga ng panahon. Akalain mo yun. Araw araw napapagod si nico kaka asikaso samin ni baby. Hindi na siya halos pumapasok dahil mas inuuna niya kame.

Tumayo na ako kaso nabigla ata ako kay biglang kumirot tyan ko.

"Aww!! Ang sakit!"

Biglang tumayo si nico at inalalayan ako sa pag upo.

"Tsk! Dahan dahan lang kasi!"

"Hehe. Sorry na."

oo nga pala. Nakalimutan ko sabihin. Napaka strikto niya po! Hindi ako makalabas ng bahay dahil sa kaniya!

Pero naiintindihan ko naman siya kase last two months na disgrasiya kame ni baby. Muntik na siya mawala samin dahil nalaglag ako nun sa hagdan. Buti nalang talaga tatlong steps nalang yun pero di biro yung nangyari sakin nun!

"Dun na nga tayo sa kwarto. Baka mamaya mapano ka pa eh!"

Tinulungan niya ako tumayo at nagpunta na kame sa kwarto. Which is currently here at the first floor. Lumipat muna kame ng kwarto kase mamaya maulit nanaman yung nangyari. Alam niyo ba ang sinabi niya nung nagreklamo ako na bakit kame lumipat dito?

"Minsan kase kapag wala ako minsan tatanga tanga ka eh. Kita mo nga nangyari sainyo ni baby nung wala ako. Tsk. Kung hindi pa ko umuwi nun edi nalintikan na kayo! Averie naman. Itapon mo muna pagiging clumsy mo."

Hindi siya nakasigaw niyan ah. Kalmado lang ang boses niya niyan. Kaya mas lalong nakakainis.

"Magpahinga ka na muna dyan dadalhan nalang kita ng pagkain. Ano gusto mo?"

Agad naman ako nagisip ng masarap na kainin. Hmmm.

"Ah!! Mangga--"
"Kumain ka muna ng kanin. Ano gusto mong ulam?"

-3- Naman eh! Ayoko mag kanin!!

"Nico naman ehh. Mangga ang gusto ko! Mangga na isasaw saw sa patis na may asukal!"

*0* Waahh. Lalo ako natatakam sa kakaisip palang dun.

"Napaka weird talaga ng mga kinakain mo! Mag kanin ka muna!"
"Aish! Fine! Gusto ko ng beef steak!"

Lumabas na siya kaya bilang pampalipas oras kinausap ko nalang si baby.

"Baby. Ang sungit ng tatay mo no? Nakooo. Sana hindi yun ang mamana mong ugali sa kaniya kundi masasapak ko talaga ang tatay mo."

Hinimas himas ko pa ang tyan ko habang kinakausap ko siya. Baby boy nga pala siya. Dream come true na maging lalaki ang aming magiging panganay.

"Sino kaya magiging kamukha mo? Panigurado magiging kasing gwapo ka ng tatay mo."

Ang dami ko pang sinabi sa kaniya. Kinwentuhan ko siya ng talambuhay ng aming buhay ni nico nuong magkita kame.

Natigil lang nang dumating na si nico dala ang pagkain. Natakam talaga ako nang makita ko ang mangga kaya binilisan ang pag kain.

"Chapos na!"

Tiningnan ako nito ng masama dahil may tumalsik na kanin sa mukha niya. Napaka arte talaga ng masungit na to!

"Lunukin mo nga yan! Tsk."

Niligpit niya ang pinagkainan ko tapos binigay na sakin yung mangga tapos mangkok na may patis at asukal. Yehey!!

"Hmm! Ang saraaap!"

Humiga si nico sa sofa tapos pumikit. Have i mentioned na wala pa siyang tulog halos dahil sa kababantay sakin? ^^ Hihi. Lagi kasi sumasakit tyan ko eh kaya hindi siya makatulog.

"Nico! Tulog ka na muna!"

Hindi siya sumagot at nakapikot parin.

Don't tell me tulog na siya kaagad? Tumayo ako tapos kinumutan siya.

"Ang laki ng eyebags mo. Hahaha. Thank you sungit. Pahinga ka na muna."

Hinalikan ko siya sa pisngi tapos inayos ko yung pagkakahiga niya.

Ngayon palang pinapakita na ni nico ang pagiging ama niya kahit di pa sinisilang si baby kaya naman nakakatuwa siya tingnan.
Swerte namin ni baby dahil nandyan si nico para samin. Amd i hope hindi siya mapagod.

His Stolen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon