Kabanata 27

58 2 0
                                    






Ethan's P.O.V

BOOOOOOM!!!!

"WELCOME HOME!!!!!!"

"AHHHH! WHAT THE F*CK!" malakas na sigaw ni Davina at agad na kumapit sa braso ko. Baka naman dahil nagulat talaga siya, ako nga napaurong lang eh.

"Kuyaaaa!!!" Sigaw ni Aria at patakbong lumapit sa'kin, at agad na niyakap ako. Tinignan ko si Davina na ngayon ay medyo huminahon, hinawakan ni Aria ang kamay ni Davina para magsorry. Niyakap ko si Clark na ngayon ay lumapit narin, ganun din ang Nakangiting si Papa, grabe namiss ko talaga sila.

"Naku, pasensya na Davina excited lang talaga ak---" hindi natuloy ni Aria ang sasabihin dahil, naiilang na hinila pabalik ni Davina ang kamay nito.

"Aria, it's okay nabigla lang talaga siya haha" saad ko, nakangiting tumango na lamang si Aria. Kinuha ni Clark ang mga bagahe namin, what happened to her? Bakit parang nakasteady lang siya dun? Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang tenga niya at tila ba masakit ito.

"Okay ka lang?, Upo muna tayo dito" agaran kong lapit at agad na pinaupo siya. Nakatingin sa'kin si aria at mararamdaman itong nagsisisi sa ginawa.

"Oh tubig muna ka muna iha, naku pasensya kana sa anak ko masyadong excited" saad ni papa, kinuha ni Davina ang tubig at agad na ininom ito.

"Sorry, sumakit kasi bigla yung tenga ko, you know having a hypersensitive hearing the thing that I'm not used to, i just got these 2 years ago" paliwanag nito, minake sure ko na okay na siya.

"Kamusta yung trip niyo, this passed few days mas lalo kayong sumikat sa facebook" saad ni Aria at naglalagay ng Pansit at iba pang handa na hinanda nila para sa pagdating namin.

"Well the trip was fine" sagot ni Davina, binigay ni aria ang pagkain kay Davina, tinanggap naman niya ito at nagpasalamat.

"Papa nasa'n yung mga bata?"

"Ahhh tulog pa, nga pala may sasabihin ako sa'yo" sabi ni papa, umupo ito sa harap namin, habang yung dlaawang mag-asawa ay nasa kusina na. Si Davina naman ito kumakain na sa tabi ko.

"Ang ingay naman!" Nabigla kaming dalawa dahil may inis na nagsalita sa may hagdan namin. Nakita ko si lauren at nagkakamot pa ng ulo nito at bagot na nakatingin samin.

Sumama medyo ang timpla ko, bakit nandito pa siya? Nagtataka akong tumingin kay Papa, nakita ko naman ang masamang mukha ni Aria at Clark.

"Ahh pasensya na, hindi pa kasi ako nakakahanap ng murang boarding house malapit sa company" saad nito, sabay bumaba at lumapit samin.

"Naawa kasi ako anak pasensya na, alam mo naman yung Papa mo mabait" sagot ni Papa, napabuntong-hinga na lamang ako at tumingin kay Davina. Napakadark ng aura nito at nakatitig ng masama kay Lauren.

"Ay hala boss nakauwi na pala kayo?"

"Isn't it obvious?" Seryosong sagot ni Davina, habang lahat kami ay tahimik lang na nakatingin sa kanilang dalawa. Nakita kong nakikisilip ang mag-asawa mula sa kitchen, sumenyas akong lumapit sila dito kaso mamaya na lang daw.

"Ay i remember kasama pala sa Ethan sa trip" pahabol pa nito.

"Pick up your bags and get ready, you'll stay in my condo" nabigla kaming lahat at napatingin sa mga sinambit ni Davina, stay in her condo? Why?

"Po?" Takang tanong ni Lauren, kahit si papa at aria ay labis din na nagtaka. Paano kung nagseselos siya?! Hahaha kaso hindi ayoko mag-assume pero kinikilig ako!

"Didn't you hear me?, I said get ready I'll wait you outside" hindi kona siya napigilan dahil diretso itong tumayo at lumabas ng pinto.

"Ahm But Sir?!" Habol pa ni Lauren at nagtataka pang tumingin sa'kin.

Lost In Hatred And Revenge ( HITP Book 2 ) { ON-GOING }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon