Viorel Montezor
"Was that Luna?"
Nagulat ako sa boses ng kapatid ko na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala. Tumabi siya sa akin na basang-basa pa ang buhok at tumutulo habang nakataas sa ere ang isa niyang kamay. Hawak niya ang kaniyang cellphone at parang may kinukuhanan ng litrato. "What are you doing?" tanong ko.
"Kay Luna nga," sabi pa niya na at ipinakita sa akin screen ng phone at may kuhang likod ng isang sasakyan. I noticed that it had a customized licensed plate, bearing a SIMONE X3 letter-number combination. Napailing nalang ako sabay halik sa ulo niyang may tapis pa ng tuwalya. Kagagaling pa lang niya siguro sa banyo at amoy ko pa ang ginamit niyang shampoo. "Siya ang naghatid sa iyo?" Tumango ako na nagpakunot sa noo niya. "Bakit? Did I miss an entire chapter while taking a bath?"
"It's a long story," I replied. Inaya ko na siyang pumasok sa loob at baka may makakita pa sa kaniya na ganiyan ang suot. Ako na rin mismo ang nagbukas ng pintuan para makapasok na kaming dalawa sa manor. Bumungad sa akin ang napakaaliwalas na paligid, sinunod talaga niya ang sinabi ko na buksan ang lahat ng bintana rito sa receiving area para hindi na madilim. It's really dark in this part. "Where's our baby?" tukoy ko sa panganay na anak niyang si Demeter na pamangkin ko. "I've missed her. And excited na rin akong makilala ang bunso."
"Nasa school, mamayang hapon pa sila makakauwi."
Dadalhin ko pa sana ang bitbit kong bag pero inagaw ito sa akin ni Laide, ang isang kasama ni Selene rito sa manor, at siya na mismo ang nagpresenta na magdadala sa kuwarto ko. Medyo nahiya ako pero wala na ring nagawa nang mauna na siyang pumanhik sa ikalawang palapag at iniwan kaming dalawa ng kapatid ko. Sumunod nalang ako kay Selene na nakakapit sa akin.
"Oh, I can't wait."
"You'll surely love our Serene. Anyway, how are you, Ate?"
Napakibitbalikat ako sa tanong niya. "I'm fine, I guess." I even sighed heavily. Ang bilis ng araw na ito, ni hindi ko man lang nakausap ng matino si Lunaria Xenaki. Why did I even sleep in her car? "But, how about you? How are you?"
We walked along the hall of the manor, towards the left wing where we passed the life-sized portraits of our father and brother. They were both smiling in their Dior suits. It felt like they're still here with us. Kung saan man sila ngayon, sana ay mapayapa at masaya sila.
"I am always missing them," she answered while smiling, sadly. Ako rin naman, miss ko na silang dalawa at pati na rin ang Mama. I only have a few memories of them yet, those times were the best of my life. "How are you feeling now? Salamat naman at nahanap ka rin ni Tita Herro. They've been looking for you ever since the leadership dispute of the distilleria."
"It's the same dreadful feeling as I lost them." tukoy ko sa tatay namin at sa kapatid naming lalaki. I've already lost five important people in my life. And I can't lose another.
She hugged me from the side and rubbed my back. "I was devastated when I heard the news. I was in the Bahamas with the girls when Artemis told me over the phone, umuwi ako agad dahil silang dalawa lang ni Cyrene at that time na kasama si Mamita. Nag-iiyak si Demeter pati ang bunso namin."
Napayakap na rin ako sa kaniya, "I can't imagine how hurt they must have been." I was also young when Abuela died. Siguro kulang ang salitang shock at lungkot para ilarawan ang nararamdaman ko mula noon at hanggang ngayon. "Anyway, let's start moving forward. I'm sure Mamita doesn't want us to be sad forever. Mourn yes but not too much. I know, she wants us to be happy even if she won't be with us anymore."
"Yes, yes," sangayon naman niya bago kumalas sa akin. Pumanhik na kami sa second floor at hinayaan na akong magpahinga. "I'll wake you up when the girls are home."
BINABASA MO ANG
Between Love and Goodbye
General FictionWhat could be the outcome of two people bound only by debt as they navigate the world of marriage? Will they be able to survive the blues or will they be just another two souls passing by?