Si Crush ay Nagging BF ko 8

31 0 0
                                    

Simula nung nag-away kami ni Ate Veron hindi na ako masyadong makulit parang nawalan ako ng gana at hindi narin kami masyadong nag uusap ni BF :'< (pero ngayon bati na kami ni Ate Veron) parang wala na akong gana,hindi na ako masyadong kumakain,lagi nalang ako nagpupuyat at hindi na ako nag papacheck-up...Naiinis ako minsan sa sarili ko kung bakit naging ganto ako....Iniisip ko rin na Sana Wala nalang ako Dito... Pero mas ok na ngayon kasi nagkaroon ako ng BoyFriend na MagMamahal sa akin,Aalagaan ako,gagawin akong matino at alam niya ang nararapat sa Relasyon namin ... 

Fast Forward >>>>>

March 2,2013

May Matinding nangyari sa kaibigan ko,ng mga Bandang Tanghale Pumunta sila ng Ilog (pagkatapos ng Lunch)

Hindi alam ng iba naming ka-tropa na andun na siya sa may ilog,siya pala yung unang pumunta duon kesa sa mga kasama niya///

Naligo sila ng Ilog,tapos napagtripan daw yung tsinelas niya at hinagis sa may ilog sa malayo,hindi niya naabot yung Tsinelas niya na inihagis...sinubukan siyang sagipin ng mga ka-tropa namin,pero hindi na umabot :'( .............Tuluyan siyang nalunod,yung mga ka-tropa namin dali-daling umuwi para tawagin ang mama niya...(siya nga pala si Jerico Ayungon ang pangalan ng kaibigan ko).....Dali-dali namang pumunta yung mama niya (yung papa niya nasa Trabaho daw)....pagkadating ng mama ng kaibigan kong nalunod,wala na siyang malay at medyo gumagalaw pa daw ang pulso niya .... Agad-agad siyang dinala sa ospital,pero..........pagkadating duon,duon na sa ospital daw nawala ang kanyang pagtibok ng pulso.... at sabi daw ay patay na siya :'( Naawa ako sa kaibigan ko lalo na sa mga kapatid at magulang niya kasi ga-graduate na siya sa March 18,2013,sayang at hindi siya nakaabot ng High School :'( 

Gabi (March 2,2013)

Hindi Talaga ako Natulog para lang makita ang Kaibigan kong namatay :( Mga 3 hours akong Nagantay sa Kaibigan ko :( (After 3 hours,Dumating na ang kaibigan ko,pero nasa kabaong na siya :'( ) Nung nakita ko ang Kaibigan ko na nasa kabaong parang,nananaginip lang talaga ako,pero sadyang katotohanan talaga at parang ayaw ko pang maniwala sa katotohanan..ayaw ko pang mawala ang kaibigan ko nun....Habang Nakatingin ako sa Mukha ng Kaibigan ko,lumuluha ako parang hindi ko mapigil ang mga luha ko na hindi tumulo.... Sabado ito nangyari...pinapatahan ako ng Kuya ko (actually dati ko pa siyang best friend,tawagan lang namin Ate/Kuya) pero ayaw talaga tumigil ng mga luha ko.......

March 2, 2013 hanggang sa huling lamay (March 9,2013) 

Anduon ako lagi sa  kaibigan ko,pag pumupunta ako duon,laging nasa isip ko na hindi totoo ang nangyari.... :'( 

Noong March 8,2013 pumunta kami ng mga kaklase ko sa ali-mall para gumala,habang kumakain kami sa KFC iniisip ko lahat ng magagandang ala-ala ng kaibigan kong namatay,kaya minsan natutulala ako at kaya dumagdag din ito sa mga dahilan kung bakit tahimik na rin ako sa school,Naisipan ko ding Bilihan ng White Rose ang kaibigan ko,kahit mabawasan ang pera ko Ok lang sa akin mabilihan ko lang siya ng Rose... 

Pagkauwi ko sa Bahay *

Dumiretso ako sa Kaibigan ko para ibigay ang Rose na Binili ko (actually sa tapat lang ng bahay naka burol ang kaibigan ko) papunta ako sa kabaong kung saan tahimik na natutulog akong aking kaibigan,habang papalapit ako,ayan nanaman patulo na ang Luha ko kaya agad kong inilapag ang White Rose sa Kabaong ng Kaibigan ko,at dali-dali akong lumabas para hindi tuluyang lumuha ang aking mata...umuwi na ako sa bahay pagkadating ko nakita kong Inaayusan yung pinsan kong mag J-JS Prom mamayang (6:00 pm) Friday yung araw na yun .. 

March 9,2013

Wala parin akong Tulog simula nung (march 4,2013) sa mga ka-tropa namin,sa kanila ako natutong Humawak ng Baraha at tinuruan din nila akong Magsugal kaya yun magdamag kaming nagsugal ng mga kaibigan ko,pero sabi ko sa kanila Ngayon lang ito,sa susunod hindi na ako magsusugal ... 

------------------------------> 

Si Crush ay Nagging BF ko :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon