51

461 8 0
                                    

[Messenger]

Aamon, Levon +2

Today 10:01

Aamon
Hoy Lev umuwi na kami. Ayos ka lang diyan?

Nagluto si Rui ng sinigang. Init mo na
lang pag nagising ka.

Today 10:45

Levon
Hindi niyo ko ginising.

Isaac
Naghihilik ka pa e kahiya istorbohin


Rui
Ayos ka na?


Levon
Yeah. Fortunately,  hindi masakit ulo ko.


Isaac
Naol ako sobrang sakit pota



Aamon
Pano si levon broken-hearted tapos
ikaw nagpakalasing. Gago ka ba?



Levon
I'm not broken-hearted, fuckers.


Aamon
Lul

Naalala mo ba pinagsasabi mo
kagabi?

Kami ni Rui tandang-tanda namin



Rui
Ayon ba yong inamin niya na nasaktan
siya doon sa sinabi ni Ate Venice?


Levon
What the fuck are you talking about, Rui?



Aamon
HAHAHAHAHAHA MAY VIDEO AKO NON
GAGO



Isaac
Me can't relate


Aamon
Ganto kasi yon Isaac

Nung nakatulog ka si Lev naman yong
shot nang shot tapos nung nalasing
kinuha yong cellphone niya tapos pinabasa
samin last message nila ni Ate V. Tapos tinanong kami if tama raw ba pagkakaintindi namin edi sabi namin ni Rui, tama siya.

Tapos ang gago magddrunk call sana buti
napigilan namin at nakuha cellphone. Don na niya sinabi na masakit na

Ganto exact na sinabi mo Lev

“Ang gago lang. Okay na kami, e.
Hindi na ako iniiwasan. We're already friends and I'm contented with that pero puta ngayon
we're back to square one. Tangina, you hurt me
big time, Hera.”

Tapos binato cellphone.



Levon
Wag kayong babalik dito


Isaac
Aw kiss kita Lev

Okay lang yan. Marami namang iba diyan
Malay mo ako pala para sayo


Levon
Tangina. Kadiri ka.


Rui
Wag niyo na asarin si Lev. Mga kupal to

Punta ka na sa sabado

Aamon
Oo nga para naman mawala kahit
saglit sa isip mo si Ate V

Isaac
O kaya papilay ka ulit. Baka maulit
nangyari tapos siya ulit sumundo sayo


Aamon
Hoy gago ka Isaac wag mo bigyan idea





Levon
Lol. I'm not that desperate.

━━━━⊱⋆⊰━━━━

Ate Ganda

Today 11:16

hoy kapatid

dalan mo ba ako lunch?



No, Ate


bakit?

kala ko ba pagluto mo si venice ulam
dahil babawi ka sa kanya


Hindi na.




so expired na pagiging mabait
at masipag mong kapatid?


Haha yes


GoPagigingMasipagAtMabaitNiLev50



What the fuck is that ate?



expired na kamo

edi reregister ako ulit


Ewan ko sa'yo


sundo mo ko later feeling ko uulan
wala me dala car




I'm busy, Ate. Pa book ka na lang.



bwisit ka talaga

tumama sana hinliliit mo sa paa sa
lamesa
You reacted 😆

Today 19:23

lev lakas ulan hirap magpabook

sundo mo ko


Kay Venice ka na sumabay


hoy wala kang galang

mag-ate ka nga

tsaka wala rin siyang dala. dalawa
kaming sunduin mo

bilis na uwing uwi na kami
wala ring taxi

Fine. Saglit lang.

━━━━⊱⋆⊰━━━━

Venice Hera Lopez

Today 20:16

thank you, lev

Welcome
Delete

Unspoken DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon