Gamit ang natitirang lakas, iwinasiwas niya ang hawak na espada sa kaharap ngunit hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan bagkus, sya pa mismo ang humawak sa talim ng espada na naging sanhi ng kanyang malamin na sugat sa kamay.
Kitang kita sa mga mata ng ginang ang hinanakit. Matalim niya itong tinitigan sa mata.
" S-stop all of this now, kuya. Please stop this! " Punong puno ng hinanakit na sabi ng nakasalampak na ginang. Tuluyan nya nang nabitawan ang hawak na espada.
Lumuhod ang lalaking kanyang kaharap upang magpantay ang kanilang tingin.
Hinagod siya nito ng tingin. Hindi mababakasan ng awa ang kanyang mga matang kasing kulay ng kalmadong dagat.
" It's too late now, Aouria. Too late. "
Dahan dahang tumayo ang lalaki at itinaas ang sandata.
" Send regards to my brother-in-law, Aouria. Magkakasama na kayong... Pamilya. "
"AAAAAHHHH-"
Tanging pagsirit ng dugo nalang ang masasaksihan ng kung sino man ang pumasok sa kwartong iyon.
Ngumisi siya at pinunasan ang mukha na merong dugo na galing sa kanyang step-sister na si Aouria.
" Wala nang hahadlang pa sa mga plano ko. Nasa akin parin ang huling halakhak! WA HA HA HA! "
Sa kanyang pagsasaya ay lingid sa kaalaman niyang mayroong nagmamasid sa kanyang mga mata.
Mga matang sa murang edad ay namulat sa katotohan na hindi lahat ng iyong makakasalmuha ay totoo sayo... Kahit pa sarili mo itong kadugo.
" Wait until we get back. You stupid motherf*cker."
" Oh really? Let's see. "
" Mamà... "
" Where's mamà? Kuya, mamà? "
" Uwaaaahhh~"
" Allerick, you're gonna pay all of this. For killing mamà, papà and.. our princess. "
Takoaiterteen