Sigawan, kalampagan ng mga bote, sobrang lakas na music at kung ano ano pang klase ng pag iingay na masakit sa tenga ngunit it gives me excitement.
Inilibot ko ang tingin sa lugar na ito. Naningkit ang mga tingin ko.
Wala pa rin pinagbago. Mabaho pa din dito sa race track . Tangina nananapak.
Nakabalot na ang mukha ko pero yung ay grabe naman talaga.
Ramdam kong pinagtitinginan ako dito sa entrance. Panong hindi pagtitinginan eh balot na balot ang mukha ko. I smirked.
They really know me, huh?
"Are you ready?"
Itinaas ko ang salamin ng aking helmet na suot suot ko kanina pa. Kinindatan ko siya sign na ready'ng ready na ako.
" Sinong makakalaban ko? Was it eli? "
Tanong ko kay booch. Si booch ang secretary ko. He handles my schedule very well that's why I'm really thankful that I have booch.
" Oo, sya ulit. Alam mo namang ayaw niya magpatalo hindi ba? Lalo na't ikaw ang lalaban. " Buntong hininga nalang ang isinagot ko sakanya at sumampa na sa motor kong Ducati Supersport S in color white.
Pasimpleng akong lumingon sa isang container kung saan nandoon sa itaas ang mga pribadong bidders ng race na ito. Namataan ko don ang mga anak ng mga kilalang artista o anak ng mga politiko.
May namumukhaan akong mga personalidad na hindi mo aakalaing nandito ngayon.
It may look like it's a normal race but it's not.
It's illegal drag racing. Where in people do what ever they wanted just to win. But killing is prohibited. You may cheat to win but killing? Ah no. Anak kasi ng senador ang may hawak nitong racing kaya she always make sure na walang mamamatay at walang makakatuklas nito. Mas pinipili niyang gawing starting line itong abandonadong pagawaan ng feeds kaya sobrang baho dito tho ngayon bearable naman na yung amoy. Madalas lang nanapak yung amoy nung mga pumupunta at nakikibid.
" He bids again for you, Arch! "
Tamad ko syang nilingon.
" May bago ba don? Just be thankful to him. Kung hindi dahil sakanya wala kang sinasahod sakin. " Kibit balikat kong sabi.
" But it's you- "
" Booch, may konting pagbabago. "
"What is it Nate? Nag back out ba si eli?"
Naiiling na sabi ni booch." You know Eli. She really doesn't want to back out since it's archer. Pero nag iba yata ang ihip ng hangin. Isang kausap lang sakanya, pumayag na syang palitan sya nito. "
Napataas ng kilay ko dahil doon.
May pumalit? Akala ko ba sya ang kalaban ko eh bakit mukha lang syang manonood? Nakita ko kasi siyang prenteng nakaupo dun sa tabi ng lalaking saakin laging nagbibid. Ang laki ng tiwala niyang mananalo ako ah? Italo ko kaya tong laro, ano kayo magiging reaction niya?
Nakita ko ang pag lingon nito sa gawi namin. Ngumisi ito.
Bwiset!
Kinindatan lang naman ako ng loko. Tumingin na ako pabalik dito sa dalawa. Kumunot naman ang noo ko ulit.
As if he reads mind, lumingon sya sakin. Partida hindi niya nakikita ang buong mukha ko, tanging mga mata lang ang nakikita. I intend to do this na hindi ipakita ang buong mukha ko dahil... Masisilaw sila sa kagandahan kong tunay, kimi!