Archer's POV
" ARCHER SAHARAH! "
Eto na nga ba sinasabi ko eh. Magrarap nanaman si mommy niyan. Ayoko na. Ang sakit na ng tenga ko huhuhu.
" Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigil tigilan mo na pag raracing! May napapala ka ba dyan? "
" Meron po. "
" Ano?! "
" Pera. Hehehe "
Napapikit naman si mommy sa sagot ko. Napahawak pa sa bridge ng ilong nya.
" Anak naman. Hindi ka naman namin shinoshort sa baon mo, kung kailangan mo ng pera sabihin mo saamin ng daddy. Bibigyan ka naman namin eh. " Litanya ni mommy. Drama nanaman jusme. Alam ko namang nag aalala lang si mommy saken pero... Ako na to eh. Gustong gusto ko mag race. Pag kela kuya pwede sakin hindi? Hmmp.
" Hayaan mo na, my. Malaki na ang anak mo. Kaya nya na ang sarili niya. "
Napangiti ako ng hagkan ni daddy si mommy sa forehead niya. Mom become calm from rageness because of dad's presence.
Ang galing no. Kaya palang maging relax ng body kapag nasa tabi natin yung importante sa buhay natin. Hays buhay pag ibig nga naman.
"Sige, kunsintihin mo yang anak mo Luis Javier! Sa labas ka matutulog! " Saka sya umalis ng kusina.
Mahina naman akong natawa dahil nakabusangot na si daddy.
" Kasalanan mo toh, hmmp. Pag ako di pinatulog Ng mommy mo sa tabi niya mamaya... Wala kang motor 1 week! Understood?" Bago pa ako makaalma nakaalis na si dad.
Motor ko nanaman nadamay.
Kaya lang naman naglilitanya etong si mommy kasi nalaman niyang kung anong oras na ako nakauwi kanina. she didn't know that it is illegal. She just knows it's just some sort of racing na may taya taya. Even both of my brothers knows about it kasi nagraracing din sila hindi nga lang sa lugar namin. Akala ko hindi ko isusumbong ni kuya Lele, akala ko lang pala.
Sya kasi yung nakaabot sakin or should I say naghintay sakin kanina. Nakasandal pa nga sya sa hamba ng gate namin. Ilang metro bago ang bahay ay inihinto ko na ang magmamaneho dahil magigising at magigising sila mommy—para hindi rin ako mabuko. Tumakas nga lang ako tapos mabubuko? Edi wala rin. Mas lalong naging wala dahil si kuya Lele pa ang nakaabot sakin. Sungit pa naman non akala mo laging may mens, daig pa babae minsan.
Wala akong maayos na tulog kaya hindi muna ako magmomotor pagpasok, sasabay nalang ako sa dalawa kong kuya.
"Goodmorning kuyas! Pasabay ako hehehe." Sabay upo sa back seat ng range Rover mi kuya Lele.
"Wow. Good mood kahit napagalitan ni mommy ah. Magkano panalo mo?"
Isinukbit ko ang seatbelt saakin at inaayos ng upo. Ngumiti ako ng malaki sakanya at pinakita pera na nakuha ko at ang kwintas na nakuha ko kay bansot. It was worth million siguro no?
Kumunot ang noo niya at pinakatitigan ang kwintas na suot suot ko.
"Ang ganda no? Nakipag exchange ako sa kalaban ko. Kapag nanalo siya bibigay niya sakin yung motorbike kapalit ng position ko sa arena. Pero matindi, kasi hindi pumayag sa motorbike kaya yung kwintas nalang. Mas okay pala yung kwintas HAHAHAHAHHA. " Paliwanag ko habang hawak hawak ang kwintas samantalang si kuya nono nakatingin lang sa kwintas ko.
"Kuya okay lang?
Para naman siyang bumalik sa ulirat at tumingin na sa harapan namin. We're just waiting for kuya Lele at may kinuha saglit sa loob.