Kabanata V

13 0 0
                                    

Kabanata V

Birthday

"Gusto mo bang umalis next week, Gab?"

Napangiti ako sa alok ni Papa. Uminom ako ng tubig at tumango.

"Kakain po tayo sa labas?"

"Baka naman gusto maghanda ng anak mo para mapapunta rito sa bahay ang mga kaibigan niya," si Mama.

Tumingin sila sa akin at parang naghihintay ng sagot. Umiling ako.

"Labas na lang po tayo, ayos lang sa akin. Baka sa susunod na lang po ako maghanda,"

My parents are quite busy managing our small business. Tama lang naman ang kinikita nito para may pang-aral ako at hindi naman kinakapos. Madalas silang abala lalo na't hands-on sila sa pagluluto sa kusina at hindi maiwan sa mga trabahador.

Sinubukan naman nilang magtayo ng ganito noong sa Maynila pero hindi kasi makahanap ng maayos na tatao kaya bumalik dito.

Late akong nagising kaya hingal na hingal ako pagdating sa school. I'm still late kahit pa sa takbong ginawa ko. Napatuwid ako ng tayo kahit grabe ang hingal nang makita si Adrian na papalapit sa amin.

Kakatapos lang ng flag ceremony at pabalik na sa mga silid ang mga estudyante. Ang mga na-late naman ay nandito sa gate lang at hindi pinapalagpas dahil ililista ang mga pangalan namin.

Kinuha ko ang panyo at agad na pinunasan ang namumuong pawis sa noo. I slowly took my breaths trying to calm myself while looking at Adrian who's still walking towards us.

Napatingin siya sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin at nakaramdam ng hiya. Nakita niya akong nakatingin sa kanya! Pero agad akong sumulyap muli sa kanya nang maaninag na kinausap niya ang isa sa mga officers na nagbabantay sa amin.

Mukhang may tinanong siya rito at nadismaya sa narinig na sagot. Inayos niya ang bag na nakasukbit sa kanang balikat. At nagulat akong muli nang mapatingin siya sa akin!

My eyes immediately dropped on the floor. Nakakahiya! Pakiramdam ko pa naman ngayon ang pangit ko dahil sa pagmamadali. Madaliang pag-aayos ng uniporme ang ginawa ko kanina. Hindi ko na nga na-plantsa pa ang palda ko. Mabuti na lang at mukhang hindi naman masyadong halata iyon.

Nang maalala na hindi naplantsa ang palda, nakaramdam ako ng matinding hiya sa pag-iisip na baka napansin iyon ni Adrian! What if isipin niyang dugyot ako?

Napapikit ako ng mariin at inayos ang bag sa likod bago napatingin sa kanya. He's saying his goodbye to the officer when he glanced at me! Napasinghap ako. Agad din naman siyang tumalikod at naglakad paalis.

"Gabriela Huelva, diba?" tanong sa akin ng nagbabantay.

Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Adrian bago tumango sa nagtanong. Gusto kong ngumiti dahil sa nangyari. Nakakahiya mang nakita niya akong nakatingin sa kanya, nakita ko naman siyang tumingin sa akin!

Gusto kong magtatalon sa tuwa! Kung hindi lang nakakahiya ay gagawin ko iyon. Kaya naman yumuko ako at patagong napangiti na lang.

I thought my day won't be special as it should be, since it's my birthday! Pero kahit late ako ngayon, ang saya saya ko. Kahit pa may practice na naman kami ng cheerdance mamaya at sasakit ng todo ang katawan, bawing bawi na agad dahil sa umagang 'to!

Pero panandalian lang pala iyon dahil nagulat ako nang may tumusok na daliri sa may pisngi ko. Nangunot ang noo ko at nilingon kung sino iyon.

"Bakit ka nakangiti r'yan? Masaya ka kahit late ka?"

Nawala ang ngiti ko nang makita si Solomon. Humahalimuyak ang panlalaking pabango, ayos na ayos ang uniporme, at maging pati ang buhok nito. Wala ngang pawis na makikita sa mukha! Mukhang hindi nagmadali kahit late din gaya ko!

Our Untold Story (The End Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon