Kabanata XII

14 0 0
                                    

Kabanata XII

Secret

Nakapangalumbaba ako habang antok na antok na nakikinig sa teacher namin na nagtuturo sa harap. When I got really bored and sleepy, I roam my eyes to look at my classmates that are also too sleepy to listen.

My eyes landed on Solomon that's already looking at me. Our eyes met and I couldn't hold it for more than five seconds so I looked away from him.

Grabe ang kabog ng puso ko. Hindi naman na bago iyon dahil matagal na rin naman na kaming nagkakatinginan sa klase. Nag-aasaran pa nga kami gamit ang mga mukha lang. Pero pakiramdam ko iba na 'to ngayon para sa akin. May malisya na. O dati pa talaga, ngayon ko lang napagtanto?

Hindi lang iyon ang pagkakataon na nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Sa mga sumunod na subject gano'n ang nangyari sa amin.

Muli akong napatingin sa kanya sa hindi na mabilang na beses. I saw him busy looking at his book as his chin is resting on his right hand. Nagulat na lang ako nang magkatinginan kami nang umangat ang tingin niya.

Di naman nalalayo ang upuan namin at mas nakaabante lang siya ng kaunti sa linya ko. At medyo nakaharap sa pakaliwa ang katawan kaya makikita rin niya ako kahit mas nakaabante siya sa akin lalo na pag lumingon ng kaunti papalikod.

Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring nagsulat sa papel. Tumingin ako sa harap ng ilang sandali at muling napatingin sa kanya. Halos mahulog ang puso ko nang makitang titig na titig siya sa akin, hindi kumukurap.

Napasinghap ako bago muling umiwas ng tingin. Hindi iyon natapos doon. Sa mga sumunod na araw, ganon ang nangyari. We still have those small talks we always have but that stolen stares became a part of it.

Nakagat ko ang labi ko nang mahanap ko si Solomon na nasa kabilang dulo ng silid. May mga nagpeperform na sa harap para sa group activity namin, kakaumpisa lang kaya mamaya pa ito matatapos.

Inayos ko ang buhok at tiningnan ang script namin. Panghuli pa naman kami pero kinakabahan ako. The thought of Solomon's eyes looking at me while I'm performing makes me excited and nervous!

Muling hinanap ng mata ko si Solomon at nagulat ako na nakatingin ito sa akin! I don't know if what I saw was right, marami akong katabi at may nasa harap ko na mga nakatayo rin at nanonood kaya hindi ako masyadong sigurado.

Agad akong nag-iwas ng tingin at sinubukan na lang na magkabisado. I'm so distracted these past few days. Pakiramdam ko nababaliw ako. I kept thinking about the same person and kept looking for him! Hindi ako matahimik kapag hindi ko siya nakikita.

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla kong marinig ang boses ni Solomon malapit sa akin. Agad akong napalingon at nakita ko na kinakausap niya ang kaibigan niya hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Dalawang tao lang ang pagitan naming dalawa. Kumabog ang puso ko nang magkatinginan na naman kami, agad akong nagkunwari na napasulyap lang at ibinalik ang tingin sa papel ko.

I tried reading my lines pero hindi ko maintindihan dahil ang isip ko ay na kay Solomon na nakikita ko sa gilid ng mata ko. He's laughing with his friend as he suddenly tap its shoulder and then make his way towards me!

"Dito ka ba, Solomon?" tanong ni Fidel na katabi ko.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko narinig ang sagot ni Solomon pero naramdaman ko na lang na umusog si Fidel at pumalit siya.

Nagkunwari ako na hindi ko siya napapansin kahit pa nagwawala na ako sa loob loob ko. I think I'm going insane!

"Ginagawa mo?" I heard him asked.

Our Untold Story (The End Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon