"Kuya!!"tawag ng batang babae sa batang lalaki na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nitong mga batang lalaki.
Andito sila sa isang birthday party pero hindi malinaw kung kanino.
"Oy Alo--"
Hindi ko na narinig ang sabi ng batang lalaki sa batang babae ng nagkamalay ako sa--hospital??
"Dad,Mom,kuya,Addi anong ginagawa ko dito??"they all looked worried.
"Dad??,"tahimik parin sila.
"Anong nangyari??" I asked them again.
"Nawalan ka ng malay A." Sagot ni Kuya.
"Nanaginip ako kuya,parang totoo..,"nakinig lang sila sa akin.
"Isang batang babae at lalaki,parang napakaclose nila" Nagkatinginan sila.
"Bakit Mom? Dad? Kilala niyo ba sila??"
"Sweetie pwede ba tayong mag-usap sa labas?" Sumunod lang si Daddy kay Mom at nagpaalam na sila.
--
Third person point of view."Antonio sweetie sasabihin na ba natin kay Aelli ang lahat?? Mas mabuti na siguro na di na niya maalala ang nangyari sa kanya ayaw kung bumalik na naman siya sa dati." Nag-aalalang sabi ni Avery sa asawa.
"Dadating din ang panahon Avery na maalala niya ang nangyari at wala na tayong maggagawa dun kaya mabuti nang mas maaga ay malaman na niya." Sagot naman ni Antonio kay Avery.
"Pano kung hindi na pala?? Kaya wag na nating sabihin sweetie,please" Tumango nalang si Antonio.
Pagkatapos ng ilang araw ay nakalabas na si Aelli sa hospital.
--
Aelli point of view."Ugh!! Kuya!! Don't do that!! I don't like my head being patted!"inis na sabi ng batang babae.
"Then just let me do this instead,"the little boy was going to kiss her cheeks nang nakatingin sa gilid ang batang babae ngunit ng tumingin sa direksyon niya ang batang babae ay sa halip na sa pisngi ay sa labi niya ito nahalikan,halata ang pagkagulat sa mukha ng batang babae at dali-dali namang humiwalay ang batang lalaki at namumula ang magkabilang pisngi nito.
"Alohi I have a present for you,here open it!"bigay ng batang lalaki sa batang babae ng isang kahon.
"Wow!! Thanks kuya!!,"nagniningning ang mata ng batang babae sa galak pagkabukas sa kahon,isa itong half heart-shaped necklace na may nakaukit na letter at infinity sign na nakalagay.
"Do you like it??,"she nodded. She kissed his cheeks,hindi agad nakareact ang batang lalaki sa gulat. His cheeks were burning red pagkatapos.
"Let me wear it for you," isinuot ng batang lalaki sa batang babae ang kwentas.
Wait!! Alohi?? Bakit kapareha ko ng pangalan ang batang babae??
"Honey?? Honey," napamulat ako sa katok at tawag ni Mommy sa akin.
"Why Mom?!" Sagot ko kay Mommy.
"Bumaba ka may bisita tayo,"wala na akong nagawa kundi maghilamos at magbihis.
"Alohi I have a present for you,here open it!"
Sino ba talaga yung batang babae at lalaki sa panaginip ko at bakit kapareha ko ng pangalan ang batang babae. Posible kayang--ako yun?? At parte ng nawawala kong memorya yun?? Pero akala ko ba naikwento na ni Mom lahat ng kailangan kong malaman at naalala ko na lahat?? Ugh! Snap out of it Aell!!
YOU ARE READING
Is he or is he not?
Teen FictionWhat happens when a rich spoiled brat na lumaking nakukuha ang lahat ng gusto meets a mysterious guy na hindi niya makuha-kuha? Ano ang mangyayari kapag ang pinakasikat na babae at IT girl sa campus ay nafall sa lalaki that she bet on na papahulugin...