CHAPTER 4

13 1 0
                                    

"Love mabubusy muna ako ng ilang araw ha. Marami kasi akong gagawing school works eh. Pero no worries love, after nito magbaby time na tayo magdamag. Atsaka love, pahirapan din net don eh. Kailangan ko pang maghanap ng signal para makausap kita" saad ko sa kanya habang nakaupo kamj sa dalampasigan

"Sige love *sighed* hihintayin kita" sagot nito

"Salamat love at naiintindihan mo 'ko"

"Walang anuman love"

Ilang araw na ang nakalipas simula ng mabusy ako sa school. Gagawa pa kasi ako ng narrative sa OJT namin. Dami kong gagawin. Stress na ako kaya lumabas ako ng bahay para magpasignal at para na rin makausap si Kurt.

When I opened my messenger, hindi ko alam ba't napunta ako sa GC. GC naming magkakaibigan.

"Baby hahaha" chat ni Venus sa kanya sa GC

"yes baby?" sagot naman ng boyfriend ko.

Biglang sumikip ang dibdib ko habang binabasa ang convo nila. Naks! Baby pa tawagan haha. Kailan pa?

I chatted him. Nagkunwari ako na walang nabasa

"Hi love. Kumusta araw mo'po? Namiss na kita love" ilang minuto ang nakalipas bago nya ako replyan. Nang mapansin nyang nagchat ako, tumigil sya sa pag fast reply nya sa group chat namin

"ok lng" tipid na reply nito

"sige" saad ko rito at nag scroll scroll na sa newsfeed ko. Habang siya, di na nagreply sa group chat

"Love" chat nito

"po?"

"I miss you." hilaw akong ngumiti habang binabasa ang chat nya. Talaga bang miss niya ako?

"I miss you too love" saad ko pero yung puso ko parang biniyak into tiny pieces

Ilang beses pang naulit yon kaya di ko na natiis at sabihin sa kanyang nagseselos ako. Di ako makapagconcentrate sa ginagawa ko at nawawalan na ako ng gana mag online. Masaya pala sya na wala ako eh

"Love" I chatted. Ilang minuto ang lumipas bago sya nag reply

"Yes love?"

"Ano kasi. May sasabihin ako"

"ano yon"

Ilang minuto akong nag-isip kung sasabihin ko ba ito o hindi na. I sighed at napagpasyahan na lang na sabihin "Love nagchachat ba kayo ni Venus sa pm?"

"yes love"

"kailan pa?"

"No'ng wala ka"

"ahh"

"nagseselos ka ba? wait e block ko"

"wag mo na e block. Baka sabihin pa non na inutos ko eh. Hayaan mo na love"

"blinock ko na love" chat nito. Nakonsensya ako baka isipin ni Venus na utos ko eh. Ayoko pa naman makasakit ng ibang tao lalong lalo na kung ako yong dahilan. I chatted Venus directly into private message.

"Hi po. Sensya na kung blinock ka ni Kurt ah. Di'ko yon utos. Wait kausapin ko si Kurt about dito" chat ko kahit labag sa loob ko. Ayoko lang na maging masama ako sa paningin nya

"No need Yoreh. You deserve to be love"

"You deserve to be love too Venus. Kaya no worries at kakausapin ko si Kurt about dito okay" she reacted heart to my message

"Thank you Yoreh. Ang bait mo talaga" She replied. I reacted heart to her message at di na nagreply

Kinabukasan, while I'm waiting na mag online si Kurt. Dumaan ang profile picture ni Kurt sa newsfeed ko and don nakita ko na nagcomment si Venus sa profile pic ni Kurt. Sabi pa nito na "unblock mo na ako Kurt" comment nito na may kasama pang emoji na umiiyak. Limang umiiyak na emoji ang ginamit niya. Naawa ako sa kanya kaya no'ng nag online si Kurt, sinabihan ko siya about sa comment ni Venus. Nag-alinlangan pa sya na e unblock 'yon. Sabi pa nya na ayaw daw nya e unblock baka masira relasyon namin.

OUR ALMOST PERFECT LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon