CHAPTER 5

14 1 0
                                    


"YOREH ANO BA! MAG USAP NGA TAYO PWEDE"

sigaw ni Kurt ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad na mas binilisan ko pa para lang makalayo sa kanya ngunit nahablot nya ang kaliwang braso ko.

Napatigil ako sa paglalakad. Naiinis ako sa kanya. Lumingin ako at malamig syang tinititigan

"Mag usap tayo pwede" malumanay na saad nito pero di ko ito pinakinggan bagkos winakli ko ang kanyang kamay na nakahawak pa rin sa braso ko

"Wala tayong dapat pag usapan Kurt. Kaya pwede ba...pwede bang layuan mo ako at wag nang habulin pa...please lang, ako na mismo ang nakikiusap sa'yo. Wala tayong dapat pag-usapan Kurt. Tapos na tayo" Malamig na saad ko. Makikita sa mga mata nya na nasasaktan ito pero nawalan na ako ng paki. Bago pa tumulo ang mga luha ko, tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad palayo...palayo sa lalaking mahal ko.

Hinabol nya ulit ako at niyakap sa likod. Hindi ko na napigilan at tuluyan na ngang tumulo ang mga maiinit na likido na galing sa mga mata ko.

"Sorry.. sorry.. please bumalik kana sakin. Hindi ko kaya Yoreh.. Sorry. Balik kana sakin." saad nito habang humihikbi. Basa na ang likod ko dahil sa mga luha nya. Humahagulhol na ito ng iyak.

"P-promise magbabago na ako promi—" I cut him "Ilang beses mo na yang sinabi Kurt. Ilang beses na rin kitang binigyan ng chance para magbago! Pero anong ginawa mo? Paulit ulit nalang Kurt eh! Paulit..ulit nalang—Hindi na ako tanga Kurt. Ilang beses kang nagcheat ha! Pinatawad kita at binigyan ng chance kasi sabi mo magbabago ka! Kurt..hindi porket pinapatawad kita lagi ay saktan mo na ako ng ilang beses. Binigyan kita ng maraming chance para magbago pero anong ginawa mo! Inulit mo ulit yung pagkakamali mo. Napapagod din ako Kurt...Pagod na pagod na ako!!! Pagod na pagod na ako kakaisip kung ano bang kulang sakin?! Binigay ko naman lahat eh..Nag effort ako para lang maging masaya ka. Ginawa ko ang lahat pero di pa rin pala 'yon sapat para makuntento ka! Napapagod na akong patawarin ka Kurt..Paulit ulit nalang..." Saad ko sa gitna ng iyakan naming dalawa. Nanatili akong nakatalikod

"Promise give me another chance..magbabago na talaga ako..pangako. Mahal kita.. Mahal na mahal"

"Mahal moko? Pero bat moko sinaktan ng paulit ulit? Mahal moko pero bat di ka nakuntento? Ilang beses kang nagcheat...pinatawad kita. Ilang beses kong nakitang may kahalikan kang ibang babae...pinatawad..pa rin kita. Kasi mahal kita eh...mahal kita to the point na hindi ko na iniisip ang sarili ko. Nagpapakatanga ako at nagbubulagan dahil...m-mahal k-kita. Mahal na m-mahal" I sighed. Nag ipon muna ako ng lakas bago magsalita ulit. Sa pagkakataong ito, seryoso na ang boses ko.

"Hindi porket pinatawad kita lagi at binigyan ng chance ay kampante kanang di ka iiwan. Napapagod din ang puso ko Kurt. Nakakapagod kang mahalin"

Pinunasan ko ang aking luha at tinanggal ang kanyang mga braso na nakapulupot sa tyan ko. Hindi ko na siya nilingon pa at dahan dahang humakbang. Hakbang na papalayo sa kanya. Hakbang na kung saan...tatapusin na ang salitang "tayo" sa aming dalawa.

Bumuhos ang malakas na ulan na para bang dinadamayan niya ako. Tumingala ako sa langit at mapait na ngumiti.

Final na..di na ako magpakamartyr. Ayoko na magpakatanga at magbubulagbulagan. Mahal kita pero pagod na ang puso't isip kong intindihin ka.

Cheating is a choice not a mistake.

OUR ALMOST PERFECT LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon