Third person's POV
"Seng-seng gising na, alasyete na oh" sabi ng nanay niya, tawag niya sa Lola niya. Hindi siya naniniwala na alasyete na dahil alam niyang sinasabi lang yon ng nanay niya para bumangon na siya.
"10 minutes pa nay" at natulog ulit Siya.
Maya-maya lang ay...
"Seng 7:07 na oh, huling gising ko na sayo yan ah. Bahala ka diyan kung di ka pa bumabangon" galit na sabi ng kaniyang nanay.
Agad iminulat ni Zea ang kaniyang mata at nagsimulang umiyak.
"Bakit hindi niyo ako ginising, late na ako ah. Wala na, mamaya iabsent nako ni teacher namin." iyak ni Seng "Hindi na ako perfect attendance " patuloy niya pa.
"Kanina pa kita ginigising tapos 10 minutes ka ng 10 minutes, bahala ka diyan" ani ng nanay niya
"Edi sana niyugyog niyo ako o kaya kinurot niyo ako" atungal pa niya.
"Nu kiniddil ka nga talaga, madi ka agrungrungaab ah" (Kung kinurot talaga kita diyan, wag kang iiyak ah)
"Edi sana kinurot niyo nalang ako, atleast hindi ako malelate." sabi pa niya.
Siya si Mary Zea Nacional, anim na taong gulang. Maldita, lumaking marason, mataas ang pride at may pagkaspoiled brat ngunit kahit ganon ay sobrang mapagmahal sa pamilya at mga kaibigan. Di niya man ipahalata ay talagang palagi niyang iniisip ang kaniyang pamilya. Isa sa pinaka hanga ang pamilya niya sa kaniya ay ang pagiging mahilig niya magmano sa mga nakatatanda sa loob ng kanilang bahay bago matulog. Hahalikab muna niya ang kaniyang Lolo at Lola at sasabihan ng "Goodnight nay, goodnight tatay. I love you so much have a sweet dreams" sa mabilis na paraan kaya Minsan ay tinatawanan nila siya dahi ika nila ay para siyang nagrarap palagi.
Masipag rin siyang mag-aral kahit hindi ganun katalino. Honor student kahit papaano. Ginaganahan siyang mag-aral tuwing unang araw ng pasukan dahil sa kaniyang mga bagong gamit. At sa palagay niya ay kaya lang siya honors at dahil pine-perfect niya ang kaniyang nga quiz at activities para bayaran ng mama niya iyong pag-umuwi ito galing Maynila kasama ang kaniyang papa. Nagtatrabaho ang kaniyang mama sa canteen ng UST samantalang security guard naman ang kaniyang papa. Maayos naman ang kanilang pamumuhay at nabibigay rin ang mga gusto nilang mga laruan at gamit na magkapatid na si Cedrick.
Kikay si Zea dahil ang Lola niya ang nag-aayos sa kaniya mula ulo hanggang paa. Parehas ang kulay ng kaniyang mga damit pantaas at pambaba, maski ipit niya rin ay terno rito. At kung tutuusin ay pati panty niya ay kakulay rin ng suot niya. Hindi naman istrikto sa paaralan nila dahil public school ito.
Napakahilig niya sa mga laro tulad ng badminton, touch ball, bente-uno, tatsing lata, tagu-taguan, chinese garter, I love you Cinderella at marami lang iba. Napaka energetic niya palagi. Pagkarecess nila ay nakikipaglaro siya maski pag-uwian rin nila ay tinatawag niya ang kaniyang mga tita at tito na mas matanda lang sa kaniya ng ilang taon upang makipaglaro. Maaga kaseng nabuntis ang kaniyang mama, kaya halos kaedaran niya lang ang kaniyang mga tito at tita. Isa rin ito sa dahilan kaya palagi siyang pinagsasabihan na huwag magboboyfriend ng maaga kaya rinding-rindi na rin siya. Sa murang edad ay naitatak na sa kaniyang utak na hindi maaaring magboboyfriend hanggat di pa nakakapagtapos ng pag-aaral. Masyado rin siyang inosente sa mga makamundong bagay. Kapag nagtanong siya kapag may hindi siya naunawaan, ay lagi lang siyang tinatawanan at hindi sinasagot ng totoo. Hinahayaan nalang rin niya at iniisip na baka hindi niya pa dapat marinig ang mga ganoong bagay. Kaya hindi siya nakakasabay kapag ganoong mga usapan.