ISANG MAGANDANG Babae ang Nagpunta sa dalampasigan ang Nakaupo sa May Buhanginan At Pinagmamasdan ang araw na Papalubog, Ang Mga Alon na Patuloy sa Paghampas, Ang Pagsampal ng Mga Hangin sa Malambot na Dahon. Yun Ang Tinuturing ni Isabell na kapayaan. Sa wakas ay Natupad na Ang Pangarap Niyang Maging Abogado, Pero May kulang Parin siya kahit na Nakamit na Lahat ng Pinakaaasam niya
Kailan kaya siya Babalik ule? ayan ang Tanong Sa Kaniyang Isipan na Hanggang Ngayon Wala Pang Nakakapagbigay ng Kasagutan, Minsan na siyang Nahiwalay Dito. Hanggang Kailan Pa siya Maghihintay? Makapaghihintay paba Siya? O Katulad Nalang Siya ng Araw na Lulubog nalang,
Sa Madaling salita ay susuko na. Napabuntong hininga siya, Lubog naman na Ang Araw at Medyo Madilim na.
Kaya Naman Kinuha na niya ang Bag niya at akmang aalis na Ngunit Napahinto siya Nang Mapansing May Lalaking Nakatayo sa Di kalayuan, Magkaparehas sila ng Kinatatayuan At Magkatapat lang, Nakadistansiya Lang siya ng Kaunti. Singkit Ang Mga Mata nito at Maputi, Napangiti siya Dahil sa wakas ay Dumating Na Siya.
"Nagbalik na ako Isabell,"aniya, Matatanaw sa Kaniya ang Isang Ngiti na di Malilimutan ni Isabell, Maging ang Magagandang Boses, ang Labi nitong Mapula at Malambot.
"Kaytagal kitang Hinintay Xavier,"ani Isabell, Patakbong Lumapit dito si Isabell At Niyakap Niya nang Mahigpit.
BINABASA MO ANG
Tagpuan
RandomKaya mo bang Panindigan ang Pagmamahal mo sa Isang Tao Kahit na Ang Pumapagitan ay Ang Gulo ng Mundo? Tulad na Lamang Nila Isabell at Xavier, Handa Nilang Harapin ang Kapalaran Kahit Kamatayan. Si Xavier ay Mayaman na Tsinoy, Si Isabell naman Ay Mah...