Chapter Three: I Will Always Love You

3 0 0
                                    

NAKAHANDA na ang Gamit Para Pumunta na sa Airport Sila Jericho, Uuwi na sila Ule ng Pilipinas, Matapos ang Ilang Taong Pananatili sa China. Malalanghap Muli ni Jericho ang Masarap na Hangin don. Lalo na sa Dalampasigan.

"oh anak Ready Kana ba?"tanong ng kaniyang ina nang siya'y Lapitan.

"Opo ma,"sagot naman ni Jericho na nakangiti, Bakas sa Mga Ngiti nito ang Pagkasabik, Hindi niya.

isang Alaala ang Nagliwanag sa Kaniyang Isipan, Isang Batang babae na kalaro niya, Nakasandal ito sa Balikat niya Habang Pinagmamasdan ang Paglubog ng Araw, Ang Kalangitan ay Naglalabas ng kung ano anong Kulay na Pinta. Napangiti si Jericho sa Dumaang alaala na'yon, Umaasa siya na Makapiling Muli si Isabell.

Naghanda na sila sa Kanilang Pag alis. Nasa Kotse na si Jericho, Pinagmamasdan ang Lilisaning Tirahan, Ang Bansang kaniyang Pinagmulan, Sa China siya Ipinanganak ng Kaniyang Ina, Ngunit Ang Puso Niya ay Nasa Pilipinas Talaga. Hindi siya Magsisisi na Umalis don, Sapagkat Hindi Niya Kalooban na Manatili roon. Pero Nagpapasalamat parin siya.



PAGKAUWI ay pumuta si jericho sa Dalampasigan, Ninamnam niya ang Mga Masasaya't Malulungkot na alaala kasama ang Batang Babaeng 'yon, Hindi niya pa Sigurado kung sakaling Magkita pa sila Ay Magkakilala pa sila, Napangiti siya Dahil May naalala siya

Naalala Niya nasa Drawer Niya yung Dahon, Umuwi siya ng Bahay At Nagtungo sa Kwarto niya, Kinuha niya sa May Drawer yung isang dahon, May Nakasulat dito na 'Xavier, Thank You Kasi Lagi Kang Nandiyan Para sa Akin' Birthday Noon ni Xavier Pero wala siyang Nilagay na 'Happy Birthday' Manlang, Napatawa nalang si Jericho sa Naalala.



NASA Classroom sila ngayon, walang Teacher Pero Hindi Naman Nabobored si Bella Dahil Kausap niya ang Madaldal Niyang kaibigan, Nagtatawanan pa sila, Pero Nagseryoso ang Usapan nila nang Mapadako ang Usapan sa Class President nila.

"Pansin ko lang 'yang si Ara Palagi nalang Tahimik,"tinignan ni Bella si Ara, Tama nga ito na Tahimik lang siya. "Bukod pa doon ay Lagi nalang siyang Bagsak, May nagsasabi nga na May Nakakarinig sa Kaniya na Umiiyak siya sa Loob ng CR,"kwento ni Jessica.

"tingin mo anong Problema niya?"tanong ni Bella, nagkibit balikat nalang si Jessica dahil Maging siya rin ay walang ideya.

Recess na at Lumabas Lang si Ara, Wala siyang ganang Kumain ngayon, Nakaupo lang siya Habang Pinagmamasdan ang Mga Studyanteng Nagtatawanan, Nagkwekwentuhan, at Mga kumakain. Buntis siya At hindi niya alam kung Paano sasabihin sa kaniyang Mga Magulang, siguradong Hindi Niya Magugustuhan ang Magiging reaksiyon ng mga Magulang nito.

'Hindi ko Kayang Panagutan 'yang bata, Kung Gusto mo Ipalaglag mo'yun ang tumatak sa isip niya na sinabi ng Boyfriend niya, Ayaw Siyang Panagutan nito.

"Ara,"rinig niyang Pagtawag sa kaniya, Nilingon niya ito, si Simon pala Ang Nanliligaw sa Kaniya, Nilapitan siya nito nang nakangiti, Wala Siyang Kaalam alam sa Sitwasyon ngayon ni Ara. Nag aya sila na Maglakad Lakad muna, "Kumusta ka naman?"tanong ni Simon.

"Maayos naman ako,"pilit na ngiti niyang Sagot.

Nagkwekwento lang itong si Simon, Habang si Ara ay Nakikinig lang siya, Tumatawa tawa pa ito Sa Bawat Nakwekwento niya. Kumportable naman si Ara T'wing Kasama niya rin si simon.

"Ara,"napahinto sila, Napansin ni Ara ang Seryoso nitong Tinig nang Banggitin niya ang Pangalan nito, Nagtaka naman si Ara sa Inaasal nito ngayon, "May sasabihin lang ako sa'yo,"tinignan ni simon sa Mata si Ara, Si ara Ay Kinakabahan, Hindi niya rin Maintindihan Kung Bakit, "Stop nako Manligaw,"wika naman ni Simon na ikinagulat ni Ara. Hindi naka imik si Ara sa Isinaad nito. "May Gusto Lang sana Akong Hilingin sayo,"dagdag pa niya.

"K-kahit ano,"ang lumabas sa Bibig ni Ara.

"Pwede bang Magkaroon Tayo ng Masayang Memories."



GABI NA Pero nasa Dalampasigan parin si Bella, Hawak niya ang keypad na Cellphone, Nakaplay dito ang Music, pinatutugtog ang Musika ni Whitney Houston na I Will Always Love You. Gustong gusto niya ang kantang Ito, T'wing Pinatutugtog niya ito ay Naaalala niya ang Batang Kasama niya noon, Bata palang siya noon Kaya Hindi niya Maintindihan ang Nararamdaman niya, inlove na pala siya sa Batang 'yon.

Pero Umaasa Parin siya na Babalik Ito, yun parin ang Dalangin niya. Naeenjoy niya ang Pagtunog ng Music Nang Magring ang cellphone. Tumatawag si Jessica kaya naman Sinagot niya ang tawag.

"Hello Jessica,"panimula ni Bella, Tumingin siya sa Paligid, May naaaninag siyang Nakatayo sa May kalayuan, Pero hindi makita Ang Mukha dahil Madilim noon at Para siyang Anino.

"Hello beh, Hindi kapa Tulog,"wika ni jessica sa Kabilang Linya, Ibinaling niya ang tingin sa dagat. Kumukumpas Parin ang Mga alon at Hinahampas ang Buhanginan.

"Obvious ba?"pabiro niyang sambit.

"hai nako beh! Mukhang Nandiyan kapa sa Dalampasigan,"ani Jessica na tama ang Hula, Nakwento na niya minsan dito ang Nangyari noon sa Dalampasigan.

"Ano kaba, Siyempre ito ang Tambayan ko, Dito Talaga ang Pahinga ko,"sambit naman ni Bella, Narinig ni Bella ang Pagbuntong Hininga nito.

"Pero Mag iingat ka Baka May Malignong Umatake diyan,"biro ni Jessica na Ikinatawa din Bella, Mahaba haba pa ang Pinag usapan nila, Pinatutulog na ni jessica si Bella Dahil Baka nga Mapahamak pa si Bella Doon, Pero Ayaw Parin ni Bella dahil Gusto niya pang Mapag isa doon.

Nang Matapos ang Pag uusap ay Bumaling siya nang tingin kung saan Niya Nakita Yung Lalaki, Wala na siya roon, Pero Nakahinga nang Maluwag si Bella Dahil Mukhang Hindi nama siya Masamang tao. Maya maya ay Umuwi na siya ng Bahay, Mukhang Tulog na ang Lahat kaya Nagtungo na siya ng Kwarto. Pero Imbes na Matulog ay Inilabas niya ang isang Dahon na May nakalagay na 'Mag iingat ka, Lagi kang Bumalik dito, Hintayin moko, Dito kita Hahanapin Pag Umalis na ako'.

Kinabukasan ito nang Umalis na siya ay Nakita niya ito doon...



FLASHBACK

Naduwag si Isabell kahapon, Bumalik siya sa Dalampasigan sa Pag asang Nagbibiro lang siya Kahapon, Pero Hindi Walang Xavier na nandoon, Tumingin siya sa isang Puno. Doon sila lagi naglalaro ng Tagu taguan, Kung sino ang Taya Diyan Magbibilang. Napansin niya ang Isang Dahon na may Sulat doon. Pinuntahan niya yon at Pinulot, May sulat, Mukhang siya ang Nagsulat noon.

"Mag iingat ka, Lagi kang Bumalik dito, Hintayin moko, Dito kita Hahanapin Pag Umalis na ako."basa niya sa sulat ni Xavier, Napangiti siya, Mukhang Ito ang Gusto niya pang sabihin kahapon, Pero Pinangunahan ni Isabell kaya hindi niya Nasabi.

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon