Makalipas ang Anim na taon....
Si Isabell ay Labing limang taon na, Siya ay Kasalukuyang Nag-aaral 2nd Year High School, Yon ang First Day of School niya. Kakaenroll niya lang nung nakaraang Linggo. Nakatitig Siya sa Salamin dahil Inaayos Niya ang Sarili Bilang Paghahanda sa Pagpasok sa School, Bumuntong Hininga siya At Ngumiti sa salamin. Pulbos lang ang Inilagay sa Kaniyang Mukha, Ayaw Niya Sa Mga Kolorete, Dahil Nakakasagwa Daw Tignan, Excited na siyang Pumasok sa School Dahil Gusto niyang Maging Abogado Paglaki, At Gusto Niya rin na Maipagmalaki siya ng Kaniyang Ina na siyang Matagal na niyang Hinahangad.
"Pagbutihin Mo ang Pag-aaral mo ah,"Malamig na wika ng Kaniyang Ina. Pansin 'yon ni Isabell Pero Sanay naman na Siya, Inabutan siya nito ng Baon. Malugod niya 'yong tinanggap. Sapat narin na Marinig niya ang salitang 'pagbutihin mo Ang Pag-aaral mo'.
"Hayaan Mo Ma Pagbubutihin kopo ang Pag-aaral,"nakangiti niyang saad dito na puno ng Kumpiyansa sa Sarili, Pero Binaliwala lang ng kaniyang ina ang Sinabi nito, Bagkus ay Nagbalik na Ito sa Kusina Para Maipagpatuloy Ang Pagluluto, Dahil doon ay Nalungkot si Isabell Tsaka Parang Napahiya din siya.
Gumayak na siya Para Pumasok sa School, Maaga at Madilim pa Sa Labas, Kaya naman Dumiretso muna siya sa Dalampasigan. Masama Talaga ang Loob sa Kaniya ng ina, Hindi niya rin alam Kung Bakit Pero Ginagawa Niya ang Lahat Para Mawala Ang Sama ng Loob dito pero Parang Walang Nangyayari. Napabuntong Hininga siya, Naalala Niya nung elementary siya Graduated Niya yon, Marami siyang Awards At Medals kaya Lang Hindi Sumipot ang Kaniyang Ina, Tumulo ang Luha niya non pero Idinahilan niya sa Mga nakakita Na Dahil sa Tuwa 'yon.
Tanging Guro at Kaklase Lang ang Nagsabi ng 'I'm so Proud Of you' 'Congratulations!' Kahit pag uwi ng Bahay ay Wala siyang Natanggap sa Ina. Umaasa Siya noon na Yayakapin siya nito at Maiiyak sa Tuwa, At isisigaw 'Graduated kana Anak Proud Ako sayo' Pero Nalinlang lang siya ng Pakiramdam noon. Hindi niya Namalayan na Tumutulo na ang Luha habang Binabalikan ang Mga Nakaraang Araw na'yon, Luminga linga siya sa Paligid. Nakita niya sa May kalayuan ang Dalawang Lalaking Magkatabi. Medyo bata pa ang Isa, Ang isa nama'y Mga Nasa Labing Walong Taong Gulang Palang.
Tumayo na siya At Nag umpisa nang Maglakad Papuntang School...
NANATILI LANG si Jericho sa Rooftop ng kaniyang Bahay, Pinagmamasdan niya ang Araw na Muling Sisikat, Mag uumaga na, Ito na ang Unang Galaw sa Umaaga. Kagigising Lang niya at Naisipan Niya lang na Tumungo Muna sa Rooftop para Magpahangin, Malamig ang Hangin non. Nasa Bansang China Sila Sa Ngayon, At Miss na niyang Umuwi sa Pilipinas, Dahil Nandoon Ang Mga Masasayang alaala. Nawa'y Maisipan sana nilang Umuwi roon. Naalala niya ang Pagkabata Niya.
"Jericho Chen,"tinig ng isang Ginang Ang Tumawag Sa Kaniya Mula sa Likuran, Nilingon niya ito at Nginitian ang Ina.
"Good Morning Ma,"bati niya sa kaniyang Ina.
"Kumain kanaba?"tanong nito, umiling siya bilang Tugon.
"hhm.. Bumaba kana Don Nakahain na Ang Pagkain,"wika niya sa Kausap, Tumango nalang si Jericho, Bumaba na ang Kaniyang Ina Matapos Matanggap ang Sagot. Pinagmasdan niyang Muli Ang Araw na Unti unti nang Nagkakalat ng Liwanag, Isang Pahina ng alaala Ang Bumuklat sa Kaniyang Isipan.
'Kumusta na kaya siya?'tanong niya sa isipan, Bagama't Hindi pa Nililisan ng Isip Niya ang Lugar kung Saan Siya Sumaya. Maya maya ay bumaba na siya para kumain.
Nadatnan niya sa Mesa ang kaniyang Pamilya na Naghahain na ng Pagkain, Umupo na siya Para Magsimula nang Kumain, Habang Kumakain sila'y Masaya ang Kanilang Kwentuhan na lalong Nagpapasarap sa Pagkain, Minsan ay Ninanamnam pa ang Mga Matatamis na nakaraan. Nang Mapadako ang Usapan nila Ukol sa Pag uwi sa Pilipinas.
NAGKAROON agad ng Kaibigan si Isabell, Ang Pangalan niya ay Jessica, Medyo Madaldal ito Kaya hindi nabobored si Isabell, Niyayaya Pa nga niya itong umuwi sa Bahay, Kahit na Yun ang unang Beses ng kanilang Pagkikita ay Napalapit agad ang loob nila sa Isa't isa, Niyaya muna ni Isabell na Magpuntang Library. Recess na noon at nasa canteen sila nagkwekwentuhan habang Kumakain.
"Nagkaroon ka naba ng Boyfriend?"tanong ni Jessica, Nangunot ang noo ni
isabell.
"ha? ah eh Wala pa,"aniya.
"wow Nakayanan mo ang Buhay ng Walang Lovelife teh, eh Crush?"tanong niya.
"ahm Wala pa eh,"aniya, Naalala niya bigla nung Bata Pa siya, Yung Batang Lalaking Kasama niya noon sa Dalampasigan.
'Bakit ko siya Biglang Naalala?'takang tanong niya sa isipan, Marahil ay Hindi niya pa Maintindihan ang Nararamdaman niya noon dahil Bata Palang sila noon.
"well, Wala talaga?"nanlulumong tanong ni Jessica, Nakangiting Tumango si Isabell Bilang Tugon, Katahimikan ang Bumalot sa kanila, Maliban sa Mga Estudyanteng Maingay sa Paligid.
Maya maya ay Bumalik na sila sa Classroom, Nagsimula nang Magturo ang Next Subject Teacher nila, Maiging Nakikinig si Isabell sa Itinuturo ng Guro.
SABAY silang Naglalakad ni Jessica Papunta sa Kanilang Bahay, Kahit sa Daan ay Madaldal Talaga ang Kasama niya, Nakikinig lang siya dito, Malalim ang iniisip ni isabell Ukol sa Isang alaala na Pumukaw Muli sa Kaniya.
"Uyy Nakikinig kaba?"nabalik sa Reyalidad si Isabell Nang Siya'y Tawagin nito, tumango lang siya Bilang Tugon Pero Hindi Kumbinsido si Jessica. "Ayos Kalang ba Isabell?"
"H-ha? Oo naman Bakit?"
"Parang Ang Lalim ng Iniisip mo eh,"aniya.
"ano eh. Pasensiya kana,"tanging nasabi nalang niya,
Bumuntong Hininga nalang si Jessica at Patuloy sa Paglalakad, Nang Sila'y Makarating sila sa Bahay Nila ay Malugod Siyang Tinanggap ng Pamilya ni Jessica, Mayroon siyang Nakatatandang Kapatid na nasa Bente na ang Edad, Doon na siya pinakain, Tumanggi siya sa una pero Pinilit siya kaya Pinagbigyan nalang Niya ang Pag aya nila.
"Mabuti Jessica At Nagkaroon ka Kaagad ng Kaibigan sa Unang araw ng Pasok mo sa Eskwela,"wika ng kaniyang Ina habang Kumakain.
"Oo nga eh Madaldal lang 'yan si Jessica Pero Hindi siya Masyadong Palakaibigan,
Paglabas nga ng Bahay ay Hindi niya Ginagawa eh,"wika naman ng ate niya.
Kita niya na Ganito Kasaya ang Kanilang Pamilya, Lalo na Sa Hapag kainan, Hiling niya na Sana Ganito rin sila sa Bahay, Kaso Malabo pa sa Malabo ang Ninanais niya, Dahil narin Masama Parin Talaga Ang Loob sa Kaniya ng Kaniyang ina. Ngunit Natutuwa siya dahil Kahit Papano'y Naranasan niya ang saya ng Pamilya Kahit Hindi niya Kadugo.

BINABASA MO ANG
Tagpuan
DiversosKaya mo bang Panindigan ang Pagmamahal mo sa Isang Tao Kahit na Ang Pumapagitan ay Ang Gulo ng Mundo? Tulad na Lamang Nila Isabell at Xavier, Handa Nilang Harapin ang Kapalaran Kahit Kamatayan. Si Xavier ay Mayaman na Tsinoy, Si Isabell naman Ay Mah...