NASA DALAMPASIGAN si Xavier Habang Pinagmamasdan Ang Araw, Narerelax Siya Sa Ugong Ng Katahimikan, Paghampas ng Mga alon, At Pagsampal ng Hangin sa Mga Dahon, Isang Pirasong Dahon ang Nakakulong sa Kamay ni Xavier, Nang Ibuka niya ang Kamay Ay Nilipad ito Sa May Gawing kanan, Napansin niya sa Di Kalayuan Ang Isang Batang Babae, Parang Umiiyak Ito, Kaya Naman Nilapitan ito ni Xavier.
"Bata, Bat Ka Umiiyak?" tanong ni Xavier sa Batang Babae, nang Makita ang Mukha ay Basang Basa ito dahil sa Mga Luhang Lumabas sa Kaniyang Mata.
"Wag mokong Kausapen," supladang tugon ng bata, Sandaling Natahimik si Xavier Dahil sa Inasal nito, Umupo ito sa Tabi niya at Pinagmasdan ang Araw na Malapit ng Lumubog.
"Ang Ganda,"wika niya, Saglit na Napatingin si isabell dito, Basa pa ang Mukha nito Dahil sa Mga Luhang Umagos. "Ako pala Si Xavier,"pakilala niya, Sapat na siguro Para Magsalita Ang Batang Babae."Ako Naman si Isabell,"pagpapakilala rin nito, Napangiti si xavier dahil sa wakas ay Nakiayon siya.
"Bat ka Umiiyak pala?"tanong ule ni Xavier sa kaniya, sandaling Natahimik ang Paligid, Ang Hangin ay Patuloy sa Pagsampal sa Puno, May Dahong Nilipad sa Himpapawid.
"Kamamatay Lang Kasi ni Daddy, Tapos si Mommy Pinalo ako,"napukaw ni Xavier ang Damdamin nito, naawa siya sa kalagayan ng Batang Babae, Pinagmasdan ni Xavier Ang Kausap, Bumaling ang Tingin niya sa Araw na patuloy parin sa Paglubog, Malapit narin Magdilim.
"Parang Ang Sarap Magpahinga Rito,"pag iba niya sa usapan, habang Nakatitig sa Direksiyon ng Araw, Nakuha nila ang Loob ng Isa't isa. "Dito ako Araw Araw Pumupunta,"dagdag niya, "Pwede kang Magpunta dito Araw Araw Lalo na Pag Malungkot ka, sasamahan kita,"ani xavier at Binaling ang Tingin sa Kausap. Napangiti naman si Isabell, Mukhang Gumaan naman na Ang Pakiramdam nito, Yun ang Pinagpapasalamat ni Isabell.
"Nag Aaral kapaba?"tanong ni Isabell, Tumango si Xavier Bilang Tugon, "Ako naman Lagi akong Pinapalo ni mama Dahil Bagsak Ako Lagi,"
"Ahh Ganon ba,"ani xavier, Naiintindihan ni Xavier ang Nararamdaman nito. "Kung Ganon Turuan kita Para Pumasa ka."
Nagpasalamat naman si Isabell sa Pangako nito, Walang Kaibigan si Isabell Pero Heto Nabiyayaan siya ng Isang Mabait na Kaibigan.
ARAW ARAW silang Nagkikita sa Dalampasigan para Maglaro, Pag Malungkot naman si Isabell ay Pumupunta siya sa Dalampasigan at Siya ang sandalan nito, Nadadatnan naman niya si Xavier, Pag Uuwi naman sila Galing Eskwelahan ay Dumidiretso sila agad don, Gaya ng Pangako ni Xavier ay Tinuturuan niya ito para pumasa. Ngunit Para Naman sa Ina ni Isabell Ay Kulang Parin Ang Pagpapakitang Gilas nito. Nang tumagal ay Nahulog ang loob sa isa't isa, hindi nila Maintindihan ang Nararamdaman nila Dahil sila ay Bata, Ngunit Matatawag nabang Love?
Ang Batang si Xavier ay Mayaman, May Lahing chinese, At Mabait ang Mga Magulang Niya, Tumutulong sila Sa Mga Mahihirap at Nangangailangan, Marunong Din silang Tumapak sa Lupa, Ngunit hindi Maiiwasan na May Nag iisip na Pagpapakitang Tao Lamang ang Ginagawa nilang Pagtulong. Pero Hindi nila Iniintindi 'yon.
Samantalang si Isabell naman Ay Kabaligtaran, Katulad ng Kaniyang Ina ay pinagkakaitan siya ng Mundo, Maliban kay xavier ay Wala siyang Kaibigan, Lagi siyang Malungkot at Umiiyak. Ngunit Nang Dumating si Xavier ay Lagi na Niya itong Kasamang Maglaro, Ngunit sa Di inaasahan ay Nakatakda ng Umalis ang Pamilya ni xavier. Babalik na silang China. Nagkita sila sa Kanilang Tagpuan sa Dalampasigan bilang Huling Pagkikita at Paalam.
"Aalis ka?"tanong ni Isabell sa Batang Lalaki, Bakas sa Mukha niya ang Lungkot, Hindi Matanggap ng Isa't Isa na Magkakahiwalay sila.
"lilipat na kami, Sorry isabell,"maluha luha sambit ni Xavier.
"Pano nako? Pag Malungkot ako Sinong Sasandalan Ko? Sinong Kasama Ko Rito Sa Dalampasigan?"bagama't naging Sandalan narin ni Isabell si xavier sa T'wing Malungkot siya. Ganun din ang Iniisip ni Xavier, na Kung Paano na si Isabell?
"Sorry Talaga Isabell,"hindi na niya Mapigil ang Luha na Pumatak, Akmang Yayakapin niya si Isabel Pero Tinulak Siya Nito.
"Sige na! Umalis Kana!"sigaw niya rito, Tumalikod na si Xavier at Naglakad palayo, Pinagmamasdan naman ni Isabell Ang Pag Alis nito. Ayaw Lingunin ni Xavier Si Isabell Dahil Ayaw Niyang Ipakita Ang Luhang Umaagos sa Mga Mata nito. Maging siya ay Ayaw Ring Umalis Ngunit Kailangan. "Duwag Ka! Iiwan Moko!"sigaw niya sabay takbo.
Lumingon si Xavier Ngunit Huli na Ang Lahat Hindi na niya Nakita si Isabell At Hinding Hindi na niya itong Makikitang Muli.
Mula Noon ay Araw araw nang Nagpupunta si Isabell, Nilalasap niya Ang Mga Masasayang alaala na Kanilang Ginawa Nang Magkasama, Umaasa si Isabell na Babalik pa siya, Dito Niya Hihintayin si Xavier, Kahit Kamatayan pa Ang Pumagil. Pag Malungkot naman siya at Dito Pumupunta ay Inaalala Nalang niya si Xavier.
BINABASA MO ANG
Tagpuan
Ngẫu nhiênKaya mo bang Panindigan ang Pagmamahal mo sa Isang Tao Kahit na Ang Pumapagitan ay Ang Gulo ng Mundo? Tulad na Lamang Nila Isabell at Xavier, Handa Nilang Harapin ang Kapalaran Kahit Kamatayan. Si Xavier ay Mayaman na Tsinoy, Si Isabell naman Ay Mah...