III

738 17 0
                                    

Kc's POV

Kumuha ako ng dalawang binder, tapos dalawang ballpen. Kasya naman siguro to para sa isang taon ko sa paaralang yun. Di naman ako kagaya ng iba na binibili nila ang mga grades nila para lang makapasa porket mayaman sila. Nag aaral din ako no. Hindi lang halata -3-

Napadpad ako dito sa section ng art materials kaya napangiti ako. Bibili pala ako ng mga pinta para buhayin yung bahay ni Marco. Payag naman siya eh. Hmmm..

Sa tingin ko... kukunin ko lahat ng bright colors! Yahoo!

Pumunta ako sa counter at sakto naman na nakita ko si Marco doon na nagbabayad na ng mga gamit niya. Napatawa nga ako nung nakita ko yung reaksyon niya na nagulat sa dami ng pinta na bibilhin ko.

"10, 426.45 mam." binigay ko naman yung credit card ko. Pero bago niya I swipe, nagtanong pa siya, "Maam may back to school promo kami. Kung gusto niyo pong magdonate ng --"

"I will. I'll buy a hundred of it. Pero I have no time to write my name eh. Can you please write 'KC' on it?" kung hindi niyo lang alam, ito ang palagi kong ginagawa pag bakasyon na at pumupunta ako dito sa National Bookstore para lang makadonate ng notebooks with a pencil at iba pang supplies dun

"Thank you mam"

"You're always welcome " bubuhatin ko na sana pero inunahan ako ni Marco na buhatin yung pangalawang supot kung saan naglalaman dun yung mga pinta. Buhat ko naman yung mga binders at ballpen, "Thanks" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya sa akin

"Teka.. pansin ko lang,.." tinignan niya yung nasa loob ng pinamili ko, tapos sa buhat buhat niya

"Bakit walang paintbrush?"

Ngumisi naman ako bilang sagot sa tanong niya. Magiging masaya to.

Masayang masaya!!

____

"Kc! Bat di mo sinabi-- hoy tama na! Baka hindi to matanggal ah" sabi niya habang tinitignan yung mga pintang napunta sa mukha niyaat sa damit niya. Natatawa nalang ako sa itsura niya dahil sa mukha na siyang clown! Hahaha!

"Wag kang mag alala. Washable naman yan kaya, okay lang!" Tapos pinahiran ko ulit ng pink na pinta sa may pisngi niya..

"Ahh ganun ah"

"Wahhh! Hahahaha!" naghabulan kami dito sa loob ng bahay niya dala dala yung mga iba't ibang kulay ng mga pinta. Okay lang naman kasi ito naman talaga ang gusto ko. Yung parang paintballs na napunta dito sa ding ding. Ganun lang

Yun ang gagawin namin dito sa sala hanggang sa kusina. Tapos sa akin naman, iba yung kulay sa kwarto ko at sa kwarto niya. Napagdesisyunan namin na magtira ng pinta para sa ikatlong tao na maninirahan sa kwarto. Baka kasi kung pinatahan namin kung ano ang gusto namin, magreklamo pa at hindi na nila magustuhan yung kwarto.

"Magwowork to Kc?"

"Oo! Tignan mo pag natuyo to" sabi ko sa kanya. Ngumiti nalang siya tapos pinagpatuloy na ang pagpipinta sa kusina. Ako naman ang nakaassign dito sa sala.

Habang pinipintahan ko yung isang sulok, may nakita akong larawan na mukhang luma na. Pinunasan ko muna yung kamay ko bago kinuha at yun pinunasan rin.

Mukhang ito yung pamilya ni Marco. Masaya pala sila nun. Pero ano naman kaya ang dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang niya? Pera? Babae? Kabit? Problema--

"Akin na yan" nagulat nalang ako dahil sa pagtataas ng boses ni Marco tapos inagaw pa sa akin yung larawan na nakita ko kanina. Parang hindi siya yung Marco na nakilala ko kahapon at kanina lang

"Wag mo nang papakealaman mga gamit ko ha?" kahit na mahinahon na siya, nandun parin yung galit niya habang nakatingin pa sa larawan.

"Sorry.." nasabi ko nalang at tinuon nalang ang tingin ko sa ding ding.

I'm Obsessed with this Rich GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon