XIX

211 4 0
                                    

Sapphire's POV

Nakwento ko na ang lahat kay Marco. Itsura palang kasi niya habang nakatitig kay Kyla, madami nang tanong sa isip niya.

Pero akala niya, alam na niya ang lahat. Kahit kaibigan pa siya ni Kyla, dapat hindi niya malaman kung ano ang binabalak niya. Kahit na tutol ako dun, wala akong magagawa. Si Kyla na ang nagsabi sa akin. Hindi ako ang nagtulak pero gusto naman niya eh. Alam kong masama yun

At mukhang nakasama na nga talaga sa kanya. Sa huli talaga, pareho din silang masasaktan.

"Sapphire, two days nalang~" sabi ni Kyla sa akin habang tumataas baba ba yung kilay niya, "Two days nalang at pasukan na! Talagang gagawa na ako ng paraan para magkagusto sayo si Bryan. Pero wag muna ngayon kasi nag aaway kami." ngumiti siya tapos parang nag iisip, "Kaso.. mukhang mahihirapan yata ako kasi papaibigin ko rin siya eh. Hehe. Dalawa-- aha! Ganito nalang. Itutulak kita sa kanya, pero.. sa paraang hindi niya mahahalata. Hahaha. Oh diba. Nice yun"

Gusto kong sabihin na tama na. Kasi dahil sa akin, mahihirapan lang siya. Pero matatanggihan ko ba si Kyla? Kahit anong gusto niya, at kung ayaw mo, kukulitin ka talaga para pumayag ka.

"Yeah" simpleng sagot ko at ngumiti ng pilit

Kilala ko si Kyla. Alam kong gagawin niya talaga ang lahat para magawa niya ang gusto niya.

At matagal na ngang nagsimula. Sana malaman niya to agad.

____

*ring*

Kinuha ko yung phone ko at agad na sinagot nung nakita ko yung caller

"Nakauwi na ba siya apo?"

Tinanggal ko yung glasses ko at isinabit sa damit ko, "Opo. Pinahatid ko na sila kanina"

"Salamat Sapphire ha"

"No problem lolo"

Saglit kaming natahimik na dalawa. Tinitignan ko naman yung mga bituin sa langit, "I'm sorry lolo. Di ko siya--"

"Shh. Okay lang apo. Wag ka nang umiyak" pinunasan ko yung mga luha ko at nahawakan ko bigla ng mahigpit yung phone ko

"Yun po ang inuwi ko dito pero... *sniff* lolo hindi ko talaga siya matiis. Ramdam ko talaga na gusto niya yun eh. Gustong gusto niya"

"Okay lang apo. Salamat nalang sa pagsubok. *sigh*" tinakpan ko yung bibig ko at sinubukan na wag gumawa ng ingay para hindi niya sabihing umiiyak ako ng sobra, "Wag kang mag alala. Nabalaan ko rin naman siya. Hindi niya yun magagawa."

At dahil sa sinabi niya, nabuhayan ako ng loob, "Talaga lolo?"

"Yes apo. Sinusubukan na niya. Sana lang talaga..--"

"Matutulungan ko po siya. Handa ko pong ibigay ang lahat"

"Sige Sapphire. Ibababa ko na. Mag iingat ka."

"Kayo rin po"

Binaba niya na yung tawag at ngumiti naman ako.

Salamat.. alam niya ang nangyayari.

_____

Kc 's POV

Yey! Bukas na ang pasukan!

"Hoy Kc!" hindi ko siya pinansin kahit bawas points pa. Bahala na talaga siya sa buhay niya. Sumosobra na kasi pag kaarte niya

"Ayaw mo talaga ah. Yan" pinatong niya yung isang box sa harap ko kaya napatitig naman ako dun

"Ano yan?"

"Box malamang--"

"Alam kong box to. Pero anong laman?"

"Buksan mo na kasi"

"Arte mo" bulong ko bago binuksan itong "regalo" o "peace offering" na alam kong di ko mapapakinabangan.

At si Finn at Jake lang naman ang laman-- FINN AND JAKE??!!!

"Magkano? Babayaran ko" kunwari nagtatampo parin ako. Yahhh ! First time kong maka receive ng ganito! OMG!!

"Hindi ko yan-- argh! Bakit hindi mo man lang inisip na peace offering yan?! Nakakabadtrip ka na-- ompphhh"

Tinakpan ko yung bibig niya gamit yung stuff toy na binigay niya sa akin, "Oo na. Ang ingay mo" umupo ako ulit at tinago yung stuff toy ulit sa box

"Sorry. Hindi ka kasi pumansin eh. Akala ko, talagang galit na galit ka na sa akin. Gaya noon.." sabi ko sa kanya at napayuko nalang

"Sino ba may sabi na galit ako? Ikaw kasi hindi mo binigay yung camera." pag iinarte niya tapos ang sama pa ng tingin sa akin

"Ayan. Isaksak mo pa sa puso mo. Kainin mo pa kung gusto mo" binato ko sa kanya yung camera na ginamit ko noon para makuha yung picture kung saan nakakapit na parang tarsier si Gerald at Bryan kay Marco

Nasalo niya yung camera at agad na binuksan. Tapos.. siguro nadelete na niya yung picture nilang tatlo, "Bwahahahaha! Deleted!" sigaw niya at tinaas pa talaga yung camera

"Hoy! Anong nginingisi ngisi mo diyan?" tinignan ko yung paligid ko tapos tinuro ko yung sarili ko

"Ako?"

"Oo ikaw!"

"Bakit naman ako ngingisi? Tsk. Gutom ka lang. Kaya iba ang nakikita mo"

"Wag mong sabihin na may copy yung pic?"

"Gutom ka lang~ Kumain ka na Bryan para mainlove ka na sa akin~"

"KC!!!!!"

____

Umuulan. Baka bukas umulan rin. Sabagay. June na rin naman kaya tag ulan na. Hay. Sana wag lang kumidlat

"Oh. Bakit ka andyan? Kumain ka na nga lang"

"Sisiguraduhin ko munang nakakain ka na. Baka iba na naman nakikita mo" asar ko sa kanya. Binigay niya sa akin yung isang mangkok na may laman na sopas na niluto kanina ni Marco

"Ewan ko sayo" umupo siya sa tabi ko at talagang nakajacket na ah. Hindi ko alam na malamig na pala

"Sabihin mo Bryan.." paninimula ko at humigop konti sa mainit na sopas, "Kelan ka kaya maiinlove sa akin? Sabihin mo lang ha. Para yayain na kitang maging boyfriend"

Napatingin ako sa kanya at.. napansin ko nalang na tinatakpan niya yung mukha niya.

Kaya gustong gusto ko itong lalaking to eh.

Marco's POV

"Kelan ka kaya maiinlove sa akin? Sabihin mo lang ha. Para yayain na kitang maging boyfriend" sa sinabi ni Kc na yun.. gumuho na yung mundo ko

Paano ako magkakaroon ng pag asa kung iba na ang gusto niya? Aish. Ano nga bang mapapala ko? Hindi ako mayaman. Walang kotse, walang bahay na pagkalaki laki. Wala ding itsura

*ring*

Eh? Sino naman ang tatawag sa akin ng ganitong oras?

"Hello?"

"Marco.."

"Bakit po.."

"Pwedeng humingi ulit ng request? Kung magagawa mo to, wa--"

"Ano po ba yun?"

Hindi niya sinabi sa akin ang lahat. Dalawang pang-ungusap lang ang sinabi niya sa akin pero nabuhayan na ang loob ko.

Hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para mainlove din sa akin si Kc.

I'm Obsessed with this Rich GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon