XIV

311 5 0
                                    

Kc's POV

Hindi parin sinasabi ni Bryan kung ano ang ginawa ko nung nakaraang araw. Psh. Pasalamat talaga siya may gusto ako sa kanya. Dahil kung wala, tatanggalin ko talaga yung kagwapuhan niya.

"Pupunta dito si Gerald mamaya. Magdadala siya ng bike kasi gusto niya kayong makilala" napataas naman yung kilay ko sa sinabi ni Bryan.

"Tapos?" si Marco na nakatingin lang sa tv na parang walang pakealam sa sinasabi ni Bryan.

"Argh! Nakakainis ka na Marcos ah--"

"May maliit na park sa gitna ng dalawang kalye. Medyo malayo nga lang. Gagawa ako ng pagkain pag tinawag mo akong Marco" plain na sinabi niya pero nakatitig parin sa tv

"Sige! Gumawa ka na Marco. Bwahahaha! Sabi nang maasahan kita eh! Magpapalit na ako! Yahoo!" tapos patalon talon pa siyang pumasok sa kwarto niya

"Tulungan na kita" pagvovolunteer ko pero nilayo niya sa akin yung tinapay kaya napakunot yung noo ko..

"Hindi naman ako magluluto eh. Diba ilalagay lang naman yung cheese?" oo na. Sobrang sama ng lasa ng niluluto ko. Gaya nung carrot cake na ginawa ko noon para kay Bryan. Sinuka niya yung cake dahil hindi yun masarap. Pero pinilit niya parin na kainin yun

"Ako nalang. Magbihis ka na" why is he being cold to me lately?

"Marco may problema ka ba?" tanong ko sa kanya. Napansin kong tumigil siya saglit pero tinuloy niya parin ginagawa niya. "Sabihin mo lang. Makakatulong ako." sabi ko sa kanya pero di niya lang ako pinansin

"Ikaw na mismo yung nagsabi sa akin na ngitian at tawanan mo nalang ang mga problema mo. Pero... mukhang malala kasi yan kaya hahayaan muna kitang pag isipan yan. Basta.. tawagin mo lang ako--"

"Anong nangyari sa inyo ni Bryan nung nakaraan araw?"

"Huh?"

"Sagutin mo nalang.." sabi niya habang nakatingin sa mga tinapay.

Ahh. Siguro nag aalala lang siya sa akin kasi di kami nakauwi ni Bryan nung gabing yun. Hehe. Si Marco talaga. Mabait na, maaalahanin pa. Ang saya naman magkaroon ng kaibigan na katulad niya

"Yun ba? Umulan kasi eh. Naulanan kaming dalawa tapos si Bryan, dinala ako kay tanda. Tapos yung sinasabi naman ni tanda na 'may nangyari'" napaiwas ako ng tingin kasi ayokong pinag uusapan yung ugali kong yun, "Nagiging--"

"Nagiging wild siya. Yung wild na parang tigre kung magalit. Nagwawala," biglang sumulpot si Bryan tapos siya na ang nagtapos sa sagot ko kay Marco

Pinanlakihan ko siya nang mata na sinasabing, 'Bat ka nagsisinungaling?' with matching gritted teeth para sabihin niyang nagagalit ako dahil sa pagsisinungaling niya

Tapos yung sagot niya (gamit rin ang mata niya) 'Basta. Makisama ka nalang'

"Ahh.." sabi ni Marco at tumango tango pa. And with that.. nakita ko nang ngumiti siya, "Ngayon nakuha ko na yung sinasabi ni lolo Marvin. Dapat alagaan kita at wag magkasakit para hindi ka magwala dito. Hehe."

"Ha-ha. Y-yeah..."

Bryan's POV

Yung mga matang yun.. yung pag aalala niya kay Kc. Yung lungkot sa boses niya. Yung selos na nararamdaman niya.

May gusto nga siya kay Kc. Lalaki ako kaya alam ko yung mga galaw niya at yung mga ngiting pinapakita niya ngayon kay Kc.

Teka.. kailangan ko yata ng tubig. Parang naninikip yung dibdib ko.

Mali. Kailangan kong gawin yung dapat kung gawin. Gaya ng sinabi ni Gerald-

"Hola hola! Sabi ni Marco, pumasok nalang ako kaya pumasok ako-"

Nasa isip ko lang siya tapos... nandito na?

"Nakagat ko dila ko. May nakaalala sa akin!" sigaw niya at talagang kumikinang pa yung mga mata niya. Ahh oo. May nakaalala sa kanya! Yung mga ex niya =___= "Number please!"

"2!" sabi naman ni Kc kaya napatayo lahat ng balahibo sa buong katawan ko.

B.

Bryan. Wahhhh! Naisip ko lang siya! Hindi ko naalala! Promise! Totoo yun! T__T

Nagbilang si Gerald sa mga daliri niya tapos... ngumiti siya ng nakakaloko...

Sa akin

"Ulol. Asa kang maalala kita. Si Brenda! Naalala ka niya! Kailangan mo raw panagutan yung an-- antique na binasag mo. Tsk" leche. Yun pa talaga ang naisip kong palusot. Tapos.. muntik na akong madulas sa sinasabi ko kanina

Hindi siya ganung tao okay? Bata pa po siya =___= Pwede niyong maging nobyo si Gerald. Yun ay kung matatagalan niyo yung pagiging childish niya minsan

"Tapos na kami dito" sabi ni Marco habang bitbit yung basket. Teka ano to? Picnic?! Tapos si Kc lang ang babae?!

"Magbibihis na ako!" masayang banggit ni Kc tapos tumakbo na papunta sa kwarto niya. Binigay naman sa akin ni Marco yung basket na may kasamang masamang titig pero hindi ako nagpatinag sa titig niyang yun

"Wag mong sabihin na hindi mo kaya?" sabi ni Gerald bigla out of nowhere habang nakaupo sa isang sofa na nandito sa salas

"Sinabi ko ba?" seryosong sinabi ko sa kanya at umupo rin

"Yung mga titig na ganyan Bryan. Kilala kita. Ngayon ko kang nakita yan"

"Psh"

"Alam mo kung ano ang mangyayari kapag di mo ginawa ang sinasabi namin ni lolo Marvin sayo" natahimik nalang ako sa sinabi niya nat napapikit. Argh! Ano ba kasing ibig sabihin nitong lalaking to?!

Nagbibigay siya ng clue na parang naiintindihan ko pero hindi eh. Magulo. Hindi ako makapag isip ng maayos

"Yahhh! Tara na!"

O______O

Gerald's POV

Pagkalabas ni Kc sa kwarto niya, napanganga agad si Bryan sa nakita niya.

Gaya ng inasahan.

Sleeveless checkered violet polo ang suot niya. Tapos ripped pants ang binagay niya sa damit niya.

Mga Concepcion talaga. Kahit anong isuot, simple man o enggrande, maganda parin.

"Yoohhooo! Tara na! Excited na ako!" sigaw niya at nauna nang lumabas sa bahay at narinig nalang namin yung pagkuha niyang bike.

"Tara na.." pag aaya ko sa kanila at lumabas narin ng bahay.

Si Kc, nakasakay na sa yellow na bike. Kinuha ko yung blue, tapos red kay Marco at black naman kay Bryan. Pinadala ko itong mga bike na to para sa kanilang tatlo. Bukod sa gusto kong makilala si Kc at Marco, gusto ko ring maglakwatsa at hindi palaging nakakulong sa bahay. Pinagbawalan kasi ako dahil sa gabi gabi na akong umuuwi. Kaya na-grounded ako. Haha.

Buti nalang nakatakas ako ngayong araw sa tulong ni Bryan.

Simula pa mga bata kami, magkasama na kami. Hanggang sa paglaki, hanggang ngayon. Lahat ng mga oras na may ipapakilala sila sa aming mga babae, nasa isang tabi ako para suportahan siya. At kung ako naman ang may ganung sinaryo, nandun lang din siya.

Kabilang na yung kauna unahang pagpapakilala kay Bryan ng isang babae.

At si Kc ang unang babae na yun. Nakita ko lahat. Narinig ko lahat ng pag uusap nilang dalawa ni Bryan.

At eto ako ngayon sa tabi ni Bryan.. tinutulungan siya.-- Mali.

Ginagabayan siya.

Pero mukhang napupunta din siya sa ibang direksyon.

______

Gerald Velasco is Lee Taemin

Search niyo nalang yung pics ng bagong characters kasi ang ilalagay ko lang na pictures dito ay sina Kc, Bryan at Marco.

I'm Obsessed with this Rich GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon