1

1.5K 26 16
                                    

BEA

"Hindi naman ata pwede to, Sir" angal ko sa Manager ko dito sa pinagta trabahuan ko.

"Mas hindi pwede ang palaging late sa trabaho. De Leon, ilang beses na kitang sinabihan na wag na ma late pero inuulit mo pa din" sabi niya. "Ito na yung huling sahod mo dito. You can leave now. The door is waiting for you"

Wala na akong magawa kundi ang alisin nalang ang apron na suot ko. Ang hirap maging mahirap. Lumabas na ako doon sa coffee shop na pinagta trabahuan ko. I saw a perfect spot para makapag isip. Umupo ako sa tabi ng kalsada at huminga ng malalim.

"Badtrip naman oh. Kung kailan pa kailangan ko ng pera doon pa ako nawalan ng trabaho" maktol ko. Siguro kung may makakita sa akin, iisipin nila na baliw ako.

I get my phone sa pocket ng bulsa ko. I saw a lot of texts from my friend, Deanna.

From: Deanna

May raket mamaya. G ka ba?

Sent at 3:57 pm.

Oy, ate! Marunong ka naman mag drive diba? Sakto, naghahanap ng lady driver ang kakilala ko.

Sent at 4:16 pm.

Uso reply, de leon!

Sent at 4:21 pm.

And many more. Di ko na binasa ang iba pa. I replied "G ako" doon sa first text niya. Raket na yon, sayang din. I also replied don sa naghahanap ng lady driver. May license naman ako, rerenew nga lang.

I stood up and naglakad papuntang hide out namin nina Deanna. If you're wondering kung ano ang raket na sinasabi niya for sure pagtitinda na naman yon ng shabu. Charot haha. Magiging guard na naman kami doon sa Mansion ng kakilala niya. Siguro yun din yung naghahanap ng lady driver.

I just walked kasi nagtitipid ako ngayon. I spotted Deanna wearing all black clothes from top to bottom. Angas! Parang anak ng mafia boss pero mahirap version nga lang haha. I approached her.

"Buhay ka pa pala? Akala ko nilamon ka na ng mga kape don sa trabaho mo" she said. Napa "tsk" naman ako.

"Nasisante ako. Akala mo naman maganda pa sweldo nila don, nagtitiis lang naman ako para mabuhay" sabi ko, tinapik niya naman balikat ko.

"Sige na, palit kana don. Dadaanan daw tayo dito ni Tots. Nakahiram ng motor kaya di na tayo maglalakad papunta kina Sir" sabi niya. Pumasok naman ako agad sa lungga namin. I went to my closet and find some clothes na magmumukhang tao ako. Aba! Dapat may itsura pa din kahit mahirap.

No need mamahalin na paamoy, Baby Johnson Cologne and powder ay sapat na!

I heard a sound of a motorcycle sa labas. I guess Tot's is already here. I get my watch and dali daling lumabas. I spotted Tot's and all black talaga kami ngayon. Tumango naman ako sa kanya.

"Naks naman, Totskie! Ayos tong motor mo a!" sabi ko. Taas baba kilay naman siya.

"Ano ka ba, Bei. Ako lang to oy!" sabi niya, napailing nalang si Deanna sa amin.

Sumakay na kami sa nahiram na motor ni Tots. Nasa gitna si Deanna at ako ang panghuli. Nakakalahati na kami papunta sa mansion nila Sir pero biglang namatay yung makina ng motor.

"Mukhang magtutulak kayo ngayon" rinig naming sabi ni Tots.

"Ayos nga talaga, itutulak pa ba naman" sabi ni Deanna. Wala na kaming nagawa and tinulak nalang namin yon. Hindi naman tumagal umandar din ulit tapos dali dali kaming sumakay at nagpatuloy mag drive si Tots.

SunsetWhere stories live. Discover now