Ciandra's POV,
"ANG init naman oh, badtrip bakit dito pa naisipan na makipagkita," reklamo ng kasama ko. Kasalukuyang hinihintay namin ang isa sa mga classmate namin para sa group project namin. Naiintindihan ko naman kung bakit todo reklamo itong kasama ko kasi ang sinabi sa amin ay 'wag daw kaming mal-late but she end up doing what she told us kagabi. Kahit ako ay medyo naiinis na rin dahil hindi ako sanay na mag hintay lalo na sa ganito kainit na lugar.
Hindi ko alam kung bakit dito napili nang kasama namin na gumawa ng project at lalong hindi ko maintindihan kung bakit sa ganitong kainit na lugar pa. Pwede namang sa mall nalang or cafe at least doon may aircon unlike dito sa karenderya na bukod sa mainit na eh maingay pa dahil sa dami ng tao na andito.
Ilang minuto pa kaming nag hintay at dumating na siya, humahangos pa mukhang napagod kakatakbo. Salubong ang kilay na hinarap siya ni Fathima, 'yong reklamo ng reklamo kanina.
"Ano ba 'yan bat ngayon ka lang kanina pa kami nag hihintay dito ang init init pa naman," agad na kuda niya pagkarating ni Alliza. Hindi agad siya nakapag salita dahil nga hinahabol pa niya ang hininga niya pero ng makuntento na ito ay tinarayan niya pabalik si Fathima.
"Aba kasalanan ko bang traffic," aniya at umirap pa.
"May pasabi sabi ka pa na huwag kaming mal-late tapos ikaw pala ang late wow ha,"
"Okay, that's enough," singit ko dahil baka saan pa mapunta 'to.
"Saan ba tayo p-pwesto dito saka bakit dito mo naisipan?" dugtong ko pa dahil hindi ko na talaga kinakaya ang init.
"M-Mas mura kasi kapag dito tayo mag s-stay unlike sa cafe or restaurant," sagot ni Alliza at bahagyang yumuko na parang nahihiya pa.
Okay. I get it now kung bakit nandito kami, hindi niya afford sa ibang place. Napa-buntong hininga nalang ako, kung maaga niya sanang sinabi edi sana hindi na kami nag hintay dito hayst.
"Tara sa malapit na cafe, treat ko na. Hindi ko talaga kayang mag stay sa place na ganito," walang ganang sambit ko, tatanggi pa sana siya pero nag lakad na ako at pumara ng taxi.
I don't have time para makipagtalo pa kung saan kami mag stay. Wala na rin silang nagawa nang nasa harap na namin ang taxi at sumakay nalang din. Ilang minuto lang din at nakarating kami sa isang cafe na malapit lang sa pinanggalingan namin. Ako na rin ang nag bayad ng taxi, ayaw ko rin kasi mag tricycle. Humanap kami ng mauupuan at doon inilapag ang mga gamit namin.
"Order na kayo ng inyo, ako na bahala," sambit ko nang mapansin kong hindi pa rin sila kumikilos. Kahit nahihiya ay gumalaw na rin sila dahil na rin siguro sa facial expression ko ngayon na medyo naiinip na.
"Ganiyan ba talaga kapag mayaman?" fathima asked, may bahid ng hiya ang mukha nito.
"What do you mean by ganiyan?" kunot noong balik ko ng tanong. I don't understand why a lot of people asked that question.
"Ganiyan. Laging nanlilibre, nagwawaldas ng pera. At parang wala lang sakaniya kung magkano man magastos niya," she said at nag pilit ng ngiti. Nag kibit balikat na lamang ako at umorder na rin. Isang strawberry frappe at strawberry cake lang ang akin. Hindi ko nalang pinansin ang inorder nila at nag simula na kami. Ini explain ko lang ang mga kailangan naming gawin at binigyan ko na rin sila ng gagawin nila para mas mabilis naming matapos.
"Cian? Long time no see!" a weird guy approach me. Nagtatakang tinignan ko ito.
"Sorry, what? Who are you?" i said, trying to calm myself. Sino ba namang hindi magugulat at bigla nalang may stranger na lalapit sa'yo tapos kilala ka pa.
"Seriously? Hindi mo na ako kilala? It's me, Walter. Grabe ka na ha," sambit niya at nag pilit ng ngiti. Mababakas sa mukha niya na parang biglang hindi siya mapakali.
"I really don't," seryosong ani ko. This is getting weird.
"Can we talk?" pansin ko ang pilit na pagpapa kalma sa sarili niya. Tinignan ko ang mga ginagawa namin, tapos na ito at tanging mga binigay ko nalang sa mga kasama ko ang natitirang gawain. Kinuha ko ang wallet ko inabutan si Fathima ng 10k.
"Mauuna na ako, kayo na ang mag bayad dito kasya naman na siguro 'yan," kinuha ko ang mga gamit ko at akmang aalis na pero hinawakan ako ni Alliza sa braso.
"Ang dami ng binigay mo, ibabalik nalang namin sa'yo 'yong sukli sa monday-" pinutol ko ang sasabihin niya at binawi ang braso ko. "Sa inyo na, gawin niyo kung ano gusto niyong gawin. I have to go," tuluyan na akong nag lakad habang nakasunod naman sa akin si Walter.
"Dala ko kotse ko," sambit niya at nagpaumunang mag lakad.
"Huwag ka ng mag balak ng masama. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin," banta ko sakaniya at tumawa lang siya at pinag buksan ako ng pinto. I thanked him pagkasakay niya.
"So now, tell me bakit mo ako sinundan?" i asked with a serious tone. He looke a bit shocked. Dapat lang.
"Woah, bilib talaga ako sa'yo. How did you know that?" ngumisi ako at kinuha ang baril na nasa bag ko. Alam kong nabigla siya nang itutok ko ang baril sakaniya.
"Now tell me. Anong kailangan mo sa akin, Damien?" kita ko ang paglunok niya dahil sa sinabi ko.
"Hindi ako ang may kailangan sa'yo. Si Zuan," naka ngising ani niya, akmang kakalabitin ko na ang gatilyo ng baril na hawak ko ngunit bigla nalang may narinig kaming tunog ng baril. It was from outside. Tinignan ko ang posibleng pinanggalingan no'n at nakita ko ang ilang kalalakihan na may takip sa mukha at may mga hawak na baril.
"Shit! Mag drive ka!" utos ko sakaniya ngunit hindi niya ako sinunod.
'okay. I get it now. magkakasama sila, fuck!'
______
end of prologue
all rights reserved.
@wanie

YOU ARE READING
DANCING IN THE DARK
RomanceWARNING: This story might contain some vulgar words and scenes that are not suitable for teenagers. READ AT YOUR OWN RISK. (R18+) Description: A girl named Ciandra is a 17 years old and she thinks that being alive is like living in hell.