Kabanata II:
Maaga akong nagising dahil sa ingay nila Seb at ni Gorio. Ang titinis ng mga boses nila, parang yung babae kahapon. Tsk. Naalala ko na naman.
"Aba Gorilla, ako ang naghugas kagabi ng plato ikaw ang nka-schedule ngayon! Tingnan mo kaya!"
Halos isubo na ni Seb kay Gori yung kalendaryo kung saan nka-sulat yung schedule ng mga gawaing bahay.
"Hoy! Tangina pare. Pano ka makakapag-hugas ng plato eh hindi ka naman umuwi dito kahapon!"
Napatango ako, Oo nga, saka kahapon nakita ko nga na naghuhugas ng plato si Gori.
"Umuwi ako! Hindi mo lang napansin!"
Kumuha ako ng libro at umupo sa couch. Si Pip naman naka-headphones at naglalaro sa cellphone niya.
"Ako ang naghugas ng plato! Itanong mo kay Peter! Siya ang saksi!"
Tumingin sakin ang dalawang ungas. Tiningnan ko din sila.
"O?" Sagot ko.
"Naghugas ba to?" Tanong ni Seb.
Nagkibit balikat nalang ako at tumayo. Naglakad papunta sa banyo.
"Papatayin kita Pedro!"
Monday, 8:30 am
Tapos na ang unang exam ko. Mamayang 10:30 pa ang susunod kaya may vacant akong two hours.
Habang naglalakad ako papunta sa Uno nakasalubong ko si Riri kasama yung dalawa niyang kaibigan.
Si Riri Villanueva. 1st year palang. Nakilala ko sa acquaintance party. Mabait na bata. Chubby din siya. Cute.
"Oy kuya, musta? Start na ng hell week ah." Ngumiti siya.
"Oo nga eh. Ayos naman ako." Nginitian ko nalang din.
"Ay oo nga pala, mga kaibigan ko. Si Ate Jessica at si ate Maria Josefa." Pinalo naman nung babae na may mahabang buhok si Riri. Mga 3rd year pala tong kasama niya.
Kinamayan ko naman yung Jessica. Ang payat naman nitong babaeng 'to.
Nag-ring yung phone niya kaya agad niyang binitawan ang kamay ko. Humarap naman sakin yung isang babae.
"Mary nalang. Hehe." Nginitian ko si Maria Josefa. Ang pangit ng pangalan niya pero kabaligtaran noon ang nakikita ko.
"Peter." Inilahad ko ang kamay ko.
"Nice meeting you." Ngumiti siya. Ang ganda. Tangina.
"Ehem." Napatingin kami kay Jessica at Riri. Tangina, gutom na ako.
"Sige, I'll go ahead. Goodluck sa finals."
"Sayo din."
Pagdating ko sa Uno, naabutan ko si Pip na kumakain kasama si Gori at isang babaeng kasalukuyang natutulog.
Nathan Montero. BSAccountancy, 1st year palang. Lima silang magkakapatid, halos magkakamukha silang lahat kaya naman naisip ng nanay niya na tawagin sila sa Pers, Sekon, Terd, Port, at Pip. Dahil siya ang bunso, siya si Pip.
Weird? Yeah.
"Kuya, let's eat" Alok ni Pip. Si Gori naman, diretso lang sa pagkain pero tumingin sa akin at itinaas ang plato niya.
"Ge, order lang ako."
Pagbalik ko sa table namin tulog pa din yung babae.
"Gori, sino yan?" Turo ko doon sa babae.
"Ate Ko." Sagot ni Gori.
"Ha? May ate ka?" Sabay naming tanong ni Pip.
"Mga tanga. Siya si Ko."
"Siko? As in elbow? o siko as in yung prutas?" Sagot naman ng bagong dating na si Seb.
"Bobo, Chico yun." Sabat ko.
Sebastian Manarin. Engineering student. Third year din. Sa aming lahat siya ang pinaka-tamad at pinaka-engot. Ewan ko nga kung paano yan nakaka-survive sa course niya.
"Bobo. Edi sana sinabi ko 'Siya si siko'." Sagot naman ni Gori
"Bakit ano ba sinabi mo?" Nagtatakang tanong ni Seb.
"Sya si Ko."
"O? Ganun din naman ah! Bobo ka talaga."
"Mmm. Ingaaay."
Lahat kami napalingon. Hindi sa babae kundi kay Pip.
"Why did you cover your ears?" Tanong ko kay Pip.
"She moaned. I'm still young to hear that kind of crap."
I smiled. Masyadong inosente. Humagalpak naman ng tawa si Gori at Seb.
Dahil sa lakas ng tawa nila nagising yung babae.
"Anoo baaahh."
Nang napadako ang tingin niya sakin, unti-unting lumaki ang mga mata niya. May pasa siya sa kaliwang pisngi.
"Ikaw! Hampaslupaaaaaah!"
Takte, ang bango ng hininga.