ISANDAANG PUSO SA GARAPON

7 1 0
                                    

ISANDAANG PUSO SA GARAPON

Sa harap ng rebultong may dalawang sungay, parang mga baliw kaming sumasamba. Ginagawa namin ito para mabuhay. Sumali ako sa kultong ito para gumaling sa aking sakit.

Napakatahimik ng silid na may pulang ilaw. Lahat kami ay nakasuot ng berdeng toga na ibinigay sa amin kanina ng ilang tagapanalig habang itinataas ang mga kamay. Sa hinuha ko, mga dalawampu kami roon kasama na ang dating tagapanalig.

Sa totoo lang, hindi namin alam na mga baguhan kung bakit namin iyon ginagawa. Sumusunod lang naman kami sa utos ng lider.

Pangalawang pagkakataon ko na itong sumali sa kanila dahil gusto ko pang mabuhay nang matagal at makasama si mama.

Isang kaibigan ang nagyaya sa aking sumali sa kultong ito at kasama ko rin siya ngayon. Mukhang mga ordinaryong tao lamang kami sa labas, pero kapag nasa loob na kami, ang aming kaluluwa ay unti-unting iniaalay nang hindi namin napapansin kay Rasdos—ang rebultong may dalawang sungay na nasa harap.

Halos lahat ng naroroon sa silid ay may hinihinging kahilingan. Iba-iba at mabibigat.

Bawat araw ay kailangan naming sumamba kay Rasdos kasama ang kanyang mga dating tagapalig hanggang matapos ang aming panata sa loob ng isandaang araw.

Sa bawat paglabas namin sa silid na iyon, kailangan naming sundin ang mga utos ng nakatokang tagapanalig sa amin. Iba-iba ang utos sa amin depende sa hinihiling kay Rasdos.

———

Noong una kong gawin ang aking misyon, nangangatog pa ang buo kong katawan. Alam kong mali at kasalanan ito sa Diyos, ngunit kailangan kong sundin ang aking panata kay Rasdos. Dahil kung hindi ko iyon gagawin, ako naman ang mapapahamak.

Malakas ang ulan. Kanina ko pa sinusundan ang isang estudyante. Siya na ang panglabing-walo kong biktima. Hindi na ako takot. Sanay na akong pumatay ng mga inosenteng tao.

Sinundan ko siya hanggang humantong kami sa daanang may kakahuyan. Nilakihan ko ang aking mga hakbang at pasimpleng inakbayan ang nakapayong na estudyanteng babae.

Nagulat siya ngunit nakabawi rin agad, dahil nakilala niya ako. Magkaklase kasi kami.

“Oh , Romnick, ginulat mo naman ako.”

“Oo nga,” sabi ko sabay saksak ng kutsilyo sa kanyang tiyan. “Sorry, pero kailangan kitang patayin ngayong araw.”

Humalo sa ulan ang pulang likido. Unti-unting natumba sa lupa ang naghihingalong katawan ni Janice.

Hindi pa ako nakuntento, inundayan ko pa siya ng saksak. Paulit-ulit hanggang lagutan na ng hininga.

Dinala ko siya sa kakahuyan. Dahil crush ko siya noon pa man, gusto ko munang tikman ang lasa ng kanyang matimyas na katawan. Mamaya ko na dudukutin ang kanyang puso.

Ilang minuto lang akong dumagan sa kanyang kahubuan at nakaabot agad sa sukdulan.

Sa totoo lang, pang-sampu na si Janice sa mga pinagsamantalahan ko bago ko kinuha ang aking pakay sa kanilang mga katawan.

Mabilis tumakbo ang oras. Bawat araw may nabibiktima ako. Sari-saring puso na ang dumaan sa aking mga kamay. Iba’t ibang type ng dugo na ang nagmantsa sa akin mga palad.

“Isa na lang,” wika ko habang nakaharap sa rebulto ni Rasdos. Siyamnapu’t siyam na ang nalikom kong puso ng tao. Lahat ay nakalagay sa iba’t ibang garapon. Isang puso na lang ang kulang at matutupad na ang aking kahilingan at panata kay Rasdos. Sa wakas, gagaling na ako sa cancer.

Kinabukasan, dala ko na ang panghuling puso. Puso iyon ng kaibigan kong doctor na bumisita sa bahay kanina upang tingnan si mama. Siya rin ang nag-aalaga sa akin bilang cancer patient.

May ibinibigay siyang papel sa akin kanina pero hindi ko iyon pinansin. Kaagad ko siyang hinampas ng tubo sa ulo at kinuha ang kanyang puso. Sabik na sabik na akong matupad ang aking kahilingang gumaling sa pamamagitan ng pag-aalay ng isandaang puso ng tao sa dambana ni Rasdos.

Sa wakas, matutupad na rin iyon ngayon.

Ipinatong ko ang panghuling pusong nakalagay sa garapon doon sa dambana kasama ang 99.

Ako lang mag-isa roon sa silid na iyon. Dagli pa ay biglang humina ang pulang ilaw. Nabuhay ang rebulto ni Rasdos at hinigop ang isandaang pusong isa-isang lumalabas sa garapon. Nagulat ako kanina nang gumalaw ang rebulto pero tinatagan ko ang aking sarili.

Matapos niya iyong gawin, isang mahinang enerhiya ang ipinasa sa akin ni Rasdos. Naramdaman kong lumakas ang aking katawan, ngunit unti-unti dumilim ang aking paningin at bumagsak ako sa sahig. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Kung saan ako kanina matumba, doon din ako nagising. Wala pa ring tao sa silid habang nakabukas lang ang pulang ilaw. Lumabas na ako roon at dumiretso na sa bahay.

Alam kong magaling na ako. Pinagaling ako ni Rasdos. Maaalagaan ko na si mama ng maayos.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, napansin ko ang papel sa sahig. Sa pagkakatanda ko, ito ang ibinigay ng kaibagan kong doctor na huli kong pinatay. Pinulot ko ito at binasa. Nagulat ako sa aking nalaman.

Ayon sa nakasulat sa papel, mali raw ang resulta ng test sa akin. Wala raw akong cancer.

Humina ang aking tuhod at tahimik na tumulo ang aking luha. Pumatay ako ng isandaang tao para lang gumaling at maalagaan si mama. Pero ang totoo pala ay wala naman pala akong sakit.

Bakit kasi napakadesperado ko? Selfish!

Maya-maya pa’y may narinig akong mga katok sa labas ng pinto. “Tao po? Mga pulis po ito.”

Wakas.

TATAKBO!  SISIGAW! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon