Ika walong Kabanata

10 0 0
                                    

Ika walong kabanata : Ang mga pagsubok ni Haring Salerno

Leon : ... Sige na sasali na.

Maria Blanca : Magaling. Babalaan ko na kayo, May mga sumubok na ng pagsubok ng hari at-

Leon : Lahat ay nabigo at naging bato.

Maria Blanca : ... Papaanong...

Leon : ... Mahikero ako. Prinsesa, Isa pa pong paki-usap, Wag mo na akong isali sa-

Unang Pagsubok

Leon : ( At nandito pa din ako. )

Don Juan : Kailangan daw natin itanim to tas mamunga bukas... Suko na ko.

Leon : Di natin magagawa to eh.

Maria Blanca : Hmm... Magpahinga ka na muna.

Don Juan : Salamat. Ngunit papaano...

Maria Blanca : Ako nang bahala.

Leon : Sige, Salamat ah-

Maria Blanca : Di ka pupunta kahit saan Leon. Tutulungan mo ko sa pagtatanim.

Leon : ... Sabi ko nga eh...

> Umalis si Don Juan para magpahonga habang si Leon ay nag tatanim ng nagtatanim. Pagkatapos ay ginamit ni Maria Blanca ang kanyang mahika upang tumubo ito.

Leon : ... Mahika...

Maria Blanca : Eto ang totoong Mahika. Di mo to kaya alam ko dahil wala kang mahika.

Leon : ... Lugi, Madaya, May totoong mahika.

>Ipinaluto ni Maria ang mga ito sa intsik at kinaumagahan inihain ito.

Leon : ...

Haring Salerno : Para sainyong ikalawang pagsubok!

Dagat

Leon : Imposible to...

Maria Blanca : Tara na, Kunin na natin yung mga prasko.

Leon : ...

> At nagawa nga nila. Naiinis na ang Hari sapagkat di nya mapatay-patay si Don Juan ngunit... Tila'y wala syang pake-alam kay Leon. Sa sunod na pagsubok, Kailangan mailipat ang bundok kaya't nagtungo ang prinsesa at si Leon dito. Habang naglalakad...

Leon : Hoy Maria, Ba't ako lagi sumasama sayo eh halos wala man akong pakinabang?

Maria Blanca : Maka hoy ka ha, Prinsesa kausap mo.

Leon : Wala akong pake kung prinsesa ka o hindi, Tao ka din. So ano? Bat nga ba ako? Wag mong sabihing may gusto ka saken?

Maria Blanca : Sa panaginip mo lang yan.

Leon : Talaga lang ah.

Maria Blanca : Nakakainis ka na ah, Pasalamat ka nga't kaibigan ka ni Juan at di pa kita pinapapatay.

Leon : Punyeta para naman akong alipin pag ganito.

Maria Blanca : Bakit? Lalaban ka?

Leon : ... Ganun nga ang plano ko.

Maria Blanca : ...

Pagtatapos ng kabanata walo

Si Leon sa mundo ng Ibong AdarnaWhere stories live. Discover now