Love at 1880 Part 2

7 0 0
                                    


*Sampal* "Ah!" Sabay hawak sa pisngi. Inay: "Hindi kita pinalaki nang ganyan. Huwag mo akong pagsasalitaan ng ganiyan!" Carmela: "Ngunit totoo Hindi ba? Nagkaanak ka sa isang amerikano! Ang lahat ng sinasabi nilay totoo! Namatay si papa nang dahil sayo!!" Inay: "Ang kapal ng muka mo, Pagkatapos kitang iluwal at alagaan ganito ang ibabalik mo saakin? Hindi naman ako itinuring na asawa ng iyong magaling na ama pagkat siya'y nag kasala nung una!" Carmela: "Hindi totoo yan, Minahal ka ng Papa Hindi mo lang dinamdam!" *Sinampal ulit* Carmela: "Tatandaan ko tong araw na ito, Hinding hindi mo na ako makikita pa." Sabay umalis. Nasilayan kong umiiyak ang aking ina, alam kong hindi niya ginusto ang pananakit niya saakin.

Habang naglalakad at nalulunod sa aking pag iisip hindi ko alam kung saan ako tutungo. *Dahil sa ginawa niya nagkawasak wasak na kami, dahil sa kaniya nasira na ang pamilyang ito* *BOOGSH* Carmela: "a-aray" sabay hawak sa noo "Binibini ayos ka lang ba?"
*Ang tinig na iyon... Labis na pamilyar saakin.* Carmela: "Ano at hindi ka tumitingin sa iyong dinadaanan!" *Sabay tingin* nagulat ako nang nakita ko ang Ginoong umaakyat sakin ng ligaw. Si Crisanto.

Crisanto: "Carmela! Ayos ka lang ba? Paumahin at hindi kita nasilayan pagkat ako'y nagmamadali para sa pista."

Carmela: "Ayos lang." *Tinulungan niya akong tumayo*
Carmela:"Pistahan? Saan?"

Crisanto: "Malapit lang sa bahay nila Donya Valencia, Nais mo bang sumali?"

Carmela: "Nais kong makasama ngunit hindi ako handa.. Ako'y mukang dugyot pagkatapos ng lahat ng nangyari."

Crisanto: *tumawa* "Halika at ipapaayos kita."

Carmela: "May gana kapang tawanan ako, napaka sama mo."

Crisanto: "Paumanhin hahaha Nahanap ko lang nakakatawa ang iyong itsura ngayon."

Carmela: "Hmph!'

Tumungo kami sa kanilang bahay upang mag asikaso sa madungis kong damit.
Pina asikaso niya ako sa mga katulong niya sa bahay at ipinagamit saakin ang magagandang damit na galing sa malalumang lalagyan.

Carmela: "kanino ang mga kagamitan na iyan?"

:"Galing po ito sa nawalay na señorita, Ang namaalam na Ina ni Señor Crisanto."

Carmela: "Labis na napakaganda ang mga saya na ito, Ngunit ayos nga lang ba na masuot ko ang mga kagamitan niya?"

:"Utos po ito ni Señor, At wala napong ibang kagamitan ng mga pambabae ang makikita dito sa mansion."

:"Señor, Tapos na po ang binibini mag ayos."

Sa kaniyang pag baba ng hagdan nasilayan ko ang pinakamagandang binibini na nagbigay silaw saking mga mata. Bawat hakbang ng kaniyang mga paa, Sumasabay sa tibok ng aking dibdib. Sa ngiti niya'y binibigay, Na parang bitwing nagniningning. Oh carmela, iyong itsura'y napakaganda.

Carmela:" Ginoo!! "

Crisanto: "h-huh"

Carmela: "ayos ka lang ba? Ika'y namumula at maiinit din" *sabay dampi ng kamay sa leeg*

Crisanto: *lumayo* "uhh haha, tara na at tayo'y mahuhuli sa pista."

Sa aming pagsakay, mukang hindi pa maayos ang kalagayan ni crisanto.

Crisanto: "bagay sayo ang damit ni ina."

Carmela: "Nasabi rin ng iyong mga katulong, Sila'y mga mababait na binibini."

Crisanto: "ang ganda mo binibini."

Carmela: "S-Salamat. Salamat din sa iyong pag inbita saakin."

Crisanto: "Bakit ka nga pala umiiyak kanina?"

Carmela:"..Nagkaroon kami ng tampuhan ni inay. Ayoko nang pagusapan ang nangyari."

*Naglabas ng bulaklak si Crisanto*

Carmela: "Mga bulaklak, Napakaganda at napakabango nila."

*Napawi ang aking kalungkutan ng Kaniyang mga bulaklak, Sapagkat Ito'y tunay na napakaganda, Mga bulaklak na may halong Dilaw at pula. Ikaw ang unang ginoo na nagbigay kusa.*

Crisanto: "Para saiyo Carmela, Ito'y nagpapahiwatig ng aking pagmamahal. At nag papahiwatig din na ika'y kasing ganda ng mga bulaklak."

Carmela: "salamat Ginoo."

Napapamahal na ako kay Crisanto, nawa'y mawala ang bawat trahedyang magaganap sa pamamagitan naming dalawa. At magkaroon kami ng masasayang ala ala.

*Ingay na nadaanan nila*

"ANO! IPUPUTOK KOTO!"

Carmela: "Mukang merong kaguluhan sa pistahan"

Crisanto: "muka nga." *Bumaba*

Carmela: "Crisanto! Huwag baka ika'y madamay!"

Crisanto: "Ginoo, kumalma ka at ibaba mo ang iyong armas."

"LUMAYO KA! LAYO!"
*BAM*

Pagdilat ng aking mga mata, sa aking nginig dahil sa tunog ng armas. Wala akong ibang nakita kundi siya, Napaka ganda ng mga mata niya. Ang sarap nilang titigan, Isang tingin ay mahuhulog na ang lahat ng kababaihan sakanya. Hindi ko nagustohan ang aking kasarian Ngunit ikaw ang naging dahilan kung bakit napamahal nako ng tuluyan.

Crisanto: "CARMELA!!!"

Maligaya akong ika'y aking nakilala, Sana'y hindi mabigla ang aking ina. Nawa'y siya ay iyong alagaan pagkat ako'y mawawala na.

*Sabay bagsak ni Carmela sa sahig*

Crisanto: "Carmela..*binuhat ang ulo ni Carmela* Hintayin mo ako! Wag ka mawawala! Pangako, Magkikita tayo sa bawat Mundo. Sa bawat panahon, Tayo lang dalawa ang nakatali sa isat isa. Carmela...

*The scene slowly fades while Crisanto keeps on Shouting for her name*

From one to anotherWhere stories live. Discover now