Chapter 1

60 2 0
                                    

Reggie's POV



kakauwi ko lang galing pawnshop, binenta ko yung laptop na ninakaw ng kaibigan kong si George kahapon.



Teka nga pala, hindi pa ko nagpapakilala sainyo!


Ako pala si Reggie, babae ako ah! baka mapagkapalan nyo kong lalaki.

19 years na nabubuhay sa mundo at nag aaral ako sa isang murang paaralan.


gusto ko ngang mag aral sa PUP kaso hindi naman ako matalino gusto din namang magaral sa Ateneo at Lasalle kaso mamatay muna yata ako sa kahirapan namin.


wala kong kaibigan...


luuh! meron pala


si George, kababata ko sya, sya rin yung taong kasama ko lagi sa pagnanakaw.


Oo, magnanakaw ako, wala akong magagawa eh.. mahirap lang kami. Ayoko netong ginagawa ko pero hindi ako makahanap ng iba pang dahilan ng ikabubuhay namin. Dati may nag alok sakin, magtatrabaho daw sa bar. Tumanggi ako, isa na rin si George na nagsabing ayaw daw nya ko dun magtrabaho.


kami nalang ng lola ko magkasama sa bahay.


yung mga magulang ko?


hindi ko alam kung asan sila, basta alam ko iniwan na nila kami ng lola ko.



At ngayon may pera na kami galing sa sinanla kong laptop sa pawnshop. Hindi ko alam kung san nakuha ni George yung laptop basta sabi nya hati daw kami dito sa makukuhang pera.


ipangbibili ko nalang ng gamot sa lola kong may sakit sa puso at diabetes ang pera na nakuha ko.







Nakauwi na ko ng bahay ng nadatnan ko si George na nasa bahay hinihintay ako, nagmano narin ako kay lola at binigay ko na sakanya yung gamot na binili ko para sakanya.



iaabot ko na sana kay George yung hati ng pera kaso..


"sayo na yan." sabi nya with smiling face pa ang loko.


"huh?" pagtataka ko.


"mas kailangan mo yan, sa totoo lang para sayo talaga yan, mas kailangan mo bang pangbaon mo sa school. Staka sabi mo di ba mahal na yung mga gamot ng lola mo? gamitin mo na rin yan para sakanya" sabi nya na naka ngiti. nakakahiya man eh wala akong magagawa kundi tanggapin yun kasi kailangan ko naman talaga.


"s-salamat"


"Apo, kamusta naman trabaho mo?" napalingon kami ni George kay lola nang sabay. Hindi alam ni lola na magnanakaw ako, ang alam lang nya nagtatrabaho ako pero hindi nya alam kung anong trabaho kasi wala akong maisip na trabaho na idadahilan sakanya. Gets nyo? kung hindi nyo gets maglaklak nalang kayo ng pamintang buo! HAHA! pero sa totoo lang kinakabahan baka magtaka o mapansin ni lola yung perang binibigay ko kay George kanina kahit medyo mahina usapan namin.



Tumingin ako kay George sabay balik kay lola...


"Ah- okay lang po. Sabi daw po ng boss ko magaling daw ako magtrabaho." sagot ko. Nagsinungaling ako kahit ayoko. Hindi ako natutuwa sa sarili't situasyon ko dahil malaki na ang mga kasalanan kong nagagawa. Ayoko nito.


Nakita ko si George na nagpipigil ng tawa, ano kayang nakakatawa? mamaya mapapatay ko toh. joke lang! mawawalan ako ng kaibigan. Sya yung laging nagtatanggol sakin nung bata pa kami. Madami kasing umaaway na mga batang lalaki sakin nuon ayaw daw nila akong kalaro kasi daw babae ako, kahit mga batang babae ayaw din akong kalaro noon kasi daw tomboy daw ako. Ang gulo nila! Hindi naman ako tomboy! kaya si George lagi kalaro ko at dahil lalaki sya puro pang lalaking laro ang nilalaro namin noon.




"Ano ba kasi ang trabaho mo apo?" nanlaki ang mga mata ko nung narinig ko tanong ni lola. hindi ko alam isasagot ko.


"Ahh- alis na po ako lola, Reggie, may pupuntahan kasi ako eh. hehe!" biglang sabat ni George kaya't medyo napaling yung atensyon ni lola sakanya.


"Sige iho, ikaw ay magingat. Kelan mo ba papakasalan apo ko?" Sabi ni lola na ikinagulat ko.


"HAH!" nagulat talaga ako eh, yung mga tanong ni lola nakakakaba ah!


Tumingin si George sakin ng nakakaloko, may pangisi ngisi pa habang tinitingnan ko sya ng masama. may sapak toh sakin mamaya!


"pagkagrumaduate na po si Reggie, lola" aba tingnan nyo nga naman yung sagot nya!


"nako iho buti naman, gusto ko kasing may magbabantay at magaalaga sa apo ko kapag nawala na ko. mapapanag na ko kasi andyan ka." seryosong sagot ni lola. nalungkot ako sa sinabi nyang mawawala sya. hindi ko kakayanin yun.


Eto namang si George napatungo at ngumiti. Ano? kinikilig lang?


Walang nakakatuwa dun ah! abnormal talaga toh!



"Umalis ka na!" napatingin sya sa sinabi ko.


"ang sungit mo na naman." sabay nag pout pa sya habang tinitingnan ko sya ng masama. "Sige po lola, buh bye!"






Nakakakilabot yung mga pinagusapan nila kanina ah! Etong si George kaibigan lang naman talaga turing ko sakanya. Malaki din ang utang na loob ko sakanya. Pero minsan yung mga biro nyang ganyan parang nagiging totoo na sakanya. Haaay! hindi ko alam kung nagbibiro ba talaga sya o totoo na.





She's a thief (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon