Reggie's POV
Naglalakad lakad ako sa labas ng mall at nag hahanap ng mabibiktima, este mahahablutan ng cellphone, bag, wallet at kung ano pa. Kailangan kong lakasan ang loob ko para may pang bayad na ko sa eskwuelahan na pinapasukan ko.
Kinakabahan padin ako kahit ilang beses ko na tong nagawa. Natatakot ako, syempre kasalanan tong ginagawa ko. Titigil lang ako sa pagnanakaw sa oras na makahanap ako ng trabahong matino. Minsan sinisisi ko din mga magulang ko kung bakit kailangan kong magpakahirap ng ganto, pero ayos na rin na wag silang magpakita, baka hindi nalang ako maging magnanakaw kundi mamamatay tao nadin, JOKE! di ako sigurado kung anong magiging reaction ko pagnakita ko sila.
Ilang minutong nakalipas, may nakita akong lalaking matangkad, na nakasuot ng hoodie na jacket pati narin shades, Yung totoo? malamig ba o maaraw? sakto lang naman yung panahon ngayon ah? hindi naman maaraw, hindi rin umuulan.
Meron syang kausap sa cellphone na hawak nya, at halata sa kanya na galit na galit sya base sa mga buka ng bibig nya.
Pumwesto ako ng medyo malayo sa likod ng lalaking toh, para makabwelo ako sa pagtakbo.
Nang makahanap ako ng magandang tyempo...
*Pak! (sound effect yan, wag kayong mangengealam kase kahit sino man kayo walang makakapigil saken!HAHA!)
Nakuha ko na yung cellphone nya, habang dire-diretso parin ako sa pag takbo, napalingon ako sa kanya nakita ko syang nakatingin sakin at halatang nagulat pero ngumiti sya ng sarkastiko. Baliw! Pero maling mali na nilingon ko sya kase baka makilala nya ako, Very Wrong! pagnakilala nya ko at natandaan yung mukha ko paniguradong ipapakulong nya ko!
Lalo kong binilisan yung takbo ko para makalayo agad ako sakanya.
narinig ko pa na may sinabi sya na pasigaw, hindi ko lang naintindihan dahil malayo na ko sakanya, basta nakuha ko na cellphone nya.
Sky's POV
nakakainis tong araw na toh!
bakit kase pinapunta pa ko ng manager ko sa isang cheap na mall. Pinaghintay pa ko ng 37 minutes, alam naman nya kung gano kahalaga yung oras sakin tapos hindi pala makakapunta. Kailangan ko pang magtago ng mukha.
Kilala nyo na ba ko? magpapakilala muna ako sainyo.
*ehem *ehem
Ako nga pala si Sky Lee, 21 years old, half human, half god, este immortal, este half Pilipino and half Japanese may lahi din akong French. mayaman, matanggkad, matalino, gwapo, macho, gwapo, matalino, macho, mayaman at matanggkad. Meron talaga ako nyan, at kung wala ka nyan, wag kang mayabang kase iilan lang kaming mga lalaki sa mundo na meron nyan.
At kung hindi nyo alam isa ako sa sikat na model at pinagaawan ako ng maraming company sa buong mundo. kung hindi mo alam yun, ihahampas ko mukha ko sa mukha mo, gustong gusto mo naman?
Sa France talaga ako nakatira at nandito ako sa pilipinas ngayon para magbakasyon ng 1 year pero kasabay din nun ay yung konting photoshoot ko dito. 2 weeks na kong nandito.
Tinawagan ko yung manager ko na si Tyrian at inaway away ko! sabi nya babawi nalang daw sya sakin sa susunod dahil may kailangan daw syang asikasuhin.
Nung tinatagawan ko na driver ko para sunduin ako..
Biglang may umagaw ng cellphone ko na ikinagulat ko.
Isang babae ang kumuha ng cellphone ko at sa sobrang bilis nyang tumakbo, hindi na ko nagtangka pang habulin sya. Bibili nalang ulit ako ng bago.
Kung hindi lang ako naka shades at naka hoodie ngayon, baka hindi sya maka takbo sa sobrang sikat at sobrang gwapo ko. Nakita at natandaan ko mukha nya.
Sana magkita ulit kami... KAHIT NINAKAWAN NYA KO!
Dahil hindi ko natawagan yung driver ko, magtataxi nalang ako pauwi.
Pagkauwi ko sa mansyon agad akong pumunta sa kwarto ko, nagpalit ng damit at binagsak ang katawan ko sa higaan. Pinikit ko mga mata ko nang sandali pero nakita ko yung mukha nung babaeng kumuha ng cellphone ko kanina.
BINABASA MO ANG
She's a thief (On Going)
RomanceIsang babae na buwis buhay matupad lang ang pangarap. Pano kapag maraming tao na ang nakaalam tungkol sa mga ginagawa nya? matutupad pa kaya pangarap nya? mananakaw rin kaya nya ang puso ng taong mahal nya?