~Public 5

461 27 7
                                    

Sophia's POV

Sinundan ko ng tingin ang porsche ko na papalayo. Unti unting bumibigat ang dibdib ko habang pinagmamasdan na papalayo ang baby porsche ko.

 

Hinding hindi kita makakalimutan, babalikan kita, I love you forever.


Sabi ko sa isip ko habang nakatanaw parin.

Napabalikwas ako ng hawakan ni Jared ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kiliti at parang excitement at parang nagsitaasan ang balahibo ko.

Really? What's happening to me? Tinitigan ko lang ang mga kamay namin na magka hawak.


Napa angat ang tingin ko sa kanya ng hilain niya na ako papasok.

Sa labas pa lang rinig ko na ang inggay.

Pero ang pinagtaka ko sa back door kami dumaan. Nabasa niya ata ang isip ko kaya nagsalita siya.

"Ang pangit tingnan kung magpapakita tayo galing sa labas ng bahay hindi ba?"

Napaisip ako. Tama nga naman. Gusto ko ng grand entrance.

Kusina ang bumungad sa amin pagpasok. Hila lang siya ng hila sa akin. Umakyat kami sa isang hagdan.

Wala tao sa parte na 'to

"This is my secret stair." Sabi niya.

Kumakalabog talaga ng malakas ang puso ko tuwing nalalanghap ko ang hininga niya.

Mint na mint! Bukod pa dun ang boses niyang nakaka pang hina ng tuhod.

Kaboses niya si Jamie Dornan ng FSOG!! Nag init na naman ako ng maalala kung pinanuod namin iyon ng mga Classic Bitch.

Oh,I forgot! Classic Bitch ang pangalan ng grupo namin.

Pagkatapos naming umakyat ng hagdan. Nakita ko ang buong ground floor. Napaka daming tao, sino ba sila? Napaka ingay. May nag videoke na ang pangit naman ng boses, may mga nag iinom, seriously ganito kaaga? May nga sumasayaw ng hindi ko alam kung anong type of dance ang sinasayaw, nag sisigawan, may nagkakalat at may mga pangit.

Pero napahinto ang lahat ng magsalita si Jared.

"ATTENTION!! Gusto kung ipakilala sa inyo ang napangasawa ko. Sophia Colleen Ae Lee- Smith. My wife" Sabay tingin nito ng makahulugan sa akin.

Hinawakan niya ang bewang ko at para naman akong nakuryente dahil doon. Inalalayan niya ako sa pagbaba. Feeling na naman nito baldado ako.

"Ang ganda naman ng napagawa ni Tantan"

"Mukhang mayaman"

"Kutis artista"

"Ang swerte nilang dalawa sa isa't isa"

"Tingnan mo oh, parang mahal na mahal talaga nila ang isa't isa, nakakakilig"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Princess in Public [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon