2nd Rain

11 1 1
                                    

Rooftop

Ito pinakapaborito ko kaso nga lang ito yung tagong rooftop kasi minsan ka lang makakakita dito ng estudyante parang ako nga lang eh kasi 3 building ang school namin ang isa ay para sa College Students at ang isa ay para sa Highschool and yung huli ay para sa mga Elementary ang pinupuntahan ko ay yung samin

Pinagbawalan kasi ang pagpunta sa rooftop kasi maraming ginagawa lamang itong tulugan at tambayan buti na nga lang nakahanap ako ng daan para makapasok dito

Umupo na lang ako at pinahaba ko yung leggings ko kasi ang ikli lang ng palda namin kaya talagang kahit bawal eh nagsusuot parin ako tsaka hindi ako ganoon ka sexy no may so called baby fats ako no!!

" Grabe kakagutom makakain na nga " binuksan ko na yung piatos tsaka sprite at nagsimulang kumain

Kaso nga lang nakaka2 pa lang akong piraso eh umatake na agad ang UTI ko pero kaya ko pa naman eh kaya ininom ko yung sprite

" SH!T Takte naman! " bigla kasing sumakit na ng sobra parang iniipit na ng sobra kaya wala na akong nagawa kundi umiyak kasi bakit pa ako nagkaroon neto eh

Maya maya pa ay may naramdaman akong tumutulong tubig kaya napaangat ako

" Oh inumin mo yan " nakita ko ang isang lalaking may dala siyang isang tubig at isang juice buko ata yun eh pero di ko parin siya iniimikan

" Kung gusto mong mawala yang sakit mo inumin mo na to...kesa umiyak ka pa diyan sa sakit " kung hindi lang talaga kailangan eh hindi ko yan tatangapin

" Salamat " umupo siya sa tabi ko at ininom ko naman yung juice

" Akala ko ako lang nakakaalam ng daan dito meron pa pala " so ibig sabihin umaakyat din siya dito

" Sorry " yun nalang nasabi ko kasi nga naabala ko siya

" Bakit ka magsosorry sakin...okay lang naman buti nga may dala ako niya eh kundi siguro nasa clinic ka na ngayon " nakangiti pa niyang sabi sakin nakakailang naman kasi parang medyo nakakailang kasi eh di ko maexplain yung feeling tsaka ang amo amo ng mukha niya at kalma pasiyang magsalita

" Ahm may dumi ba ako sa mukha ko? " nakatitig na ba ako sa kanya?

" Ah..wala medyo nakakailang ka kasi eh parang ang gaan gaan mong makipagusap sakin eh hindi pa din natin kilala ang isat isa eh " pagkasabi ko nun eh bigla siyang tumawa as in yung mauutas na talaga kaya tinignan ko siya na parang nalilito sa reaksiyon niya

" Ganun na ba ako katahimik ako si Chase Park yung nasa likudan mo " huh? Nasa likudan ko so kung nasa likudan ko siya ibig sabihin nun

" KAKLASE KITA! "gulat kong sabi sa kanya eh sa hindi ko talaga siya napapansin ng ganun eh medyo tutok talaga ako sa pag aaral eh

" Hahaha grabe ka naman...sabagay hindi mo naman talaga ako mapapansin kasi sobrang tahimik ko lang sa room eh " pero parang pilit yung tawa niya may mali ata sa naging reaksiyon ko

" Hay naku.! Hindi ka naman kasi umiimik eh pano kita makikilala niyan...sige ganito nalang " bigla akong
Tumayo sa harapan niya at hinila siya para tumayo dahilan para magulat siya at inilahad ko yung kamay ko at ganun din ang ginawa niya

" Friends? " sabi ko at ngumiti ako sa kanya

" Friends " sagot niya ng nakangiti

Nagulat ako ng biglang may unti unting pumapatak

" Umuulan " yan na lang ang nasabi ko

" Taya! " biglang sabi ni Chase dahilan para magulat ako at tumakbo siya at siyempre nasa mood ako naghabulan kami sa ulan hanggang sa di na namin namalayan amg oras ng nagbell bigla

" *huff* Lunch *huff* na pala " sabi ko ng pa putol putol dahil talagang nakakahingal pero infairness masarap palang maglaro pag umuulan

" Hahaha...tara na may pampalit ka ba? " ay oo nga pala buti na lang may dala ako sa bag ko

" Oo meron eh ikaw meron ka ba? "
Tumango naman siya nagsimula na akong bumaba ng magsalita siya

" Wait lang " tatakbo siya naiwan pala niya ang coat ng uniform niya tapos bigla niyang nilagay sakin

" Thank you talaga Chase " tamang tama kasi medyo nilalamig na nga ako

" Always Welcome ^_^ " pumunta na kami sa baba kaso nga lang nung nasa tapat na kami ng room may nakakita saming teacher

" Mr. Park and Miss Kim bakit basang basa kayo ng ulan " magpapaliwanag na sana ako ng biglang magsalita si Chase

" Sorry po Mam pagpunta po kasi namin ng garden para hanapin yung
Nawawala kong wallet eh tinulungan po ako ni Sierra tapos sa paghahanap po namin eh bigla pong umulan...Sorry po talaga Mam " sabi ni niya at kalmadong kalmado pa siya sa lagay na yun

" Oh I see...Magpalit na kayo and stay in the room after that hindi pa kami tapos sa pagmemeeting " sabi ni Mam at umalis na siya nagkatinginan na lang kami ni Chase at tumawa

" BESTFRIEEND!! " bigla kong rinig na sigaw sakin ni Akire at aakma pa siyang yayakap

" Hep.! Basa ako Best pwedeng pakuha nung bag ko tapos yung nasa likod na bag Pleaseee! " napangiti na lang siya at kinuha na yung bag namin

" Magpapalit lang ako hah " sabi ko sa kanya at bumalik na siya sa upuan niya

" Nga pala kanina ka pa hinahanap ni Hux eh " pagpapaliwanag niya

" Ah ganun ba sige hahanapin ko na lang after kong magpalit sige bye :) " nagbabye din siya sakin

" Tara na Chase baka mamaya magkasakit pa tayo pag hindi tayo nagpalit eh " sabi ko kay Chase habang may kinukuha siya sa Bag niya

" Pwede bang mauna ka na dadaan lang ako ng locker may kukunin lang ako " tanong niya

" Okay..^_^ Una na ko " sabi ko at dumiretso na ako sa C.R. Nagpalit ako kaso nagulat ako pag labas ko may naghagis sakin ng isang Bath Towel pagtingin ko si Chase lang pala

" Gamitin mo na yan may isa pa ako eh " sabi niya akalain mo yun kakakilala palang namin pero sobrang bait niya sakin tapos pinahiram pa niya ako ng towel niya

" Hay sobrang bait mo ata sakin...hinay hinay lang ha " sabi ko na medyo tumatawa pa

" Okay lang naman yan eh tsaka kasi baka magkasakit ka pa eh " sabi niya

" Thank you talaga huh " naglakad na kami kaso naalala ko yung bag ko nakalimutan ko kaso sobrang lapit na ng room

" Chase una ka na nakalimutan ko yung bag ko "sabi ko sa kanya

" Samahan na kita? " alok pa niya

" Hindi na ako nalang " at tumakbo na ako at kinuha ko yung bag ko kaso napalingon ako paglabas ko sa kanan ko napansin ko yung bag ni Hux kilala ko yung bag niya eh

Dinampot ko yun tapos ewan ko ba at napadiretso ako sa Garden naglibot libot ako dun hanggang sa may napansin akong tao sa bench

" Hux? "

========================================================

Yeoreubun! Gomawo~yo
< Thanks Everyone >
Kasi may nagbabasa nito kahit papaano ^_^.
Stay Tune

7 Rains Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon