" Sierra!? " narinig kong sigaw kaya unti unti kong minulat ang mga mata ko" Hux? " bumungad agad sakin yung muka niya tapos yung expression niya sobra talagang nag aalala siya ang ipinagtataka ko lang ay bakit niya ako salo salo?
" Tsk..Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Sumagot ka naman " sunod sunod niyang tanong samantalang ako naman nakatulala lang ako at napatango na lang
" Salamat naman at okay ka lang " napatingin ako at si Chase pala yun at nakita kong nakatingin na pala silang lahat pero ang ipinagtataka ko sinong pumigil sa shelf? Hindi kaya si Chase kasi parang may iniinda siya
" Salamat Hux pati na rin sayo Chase Sorry kung nag alala pa kayo ng dahil sakin hehehe...Balik na ulit kayo malapit na nating matapos eh " at napatawa nalang sila sakin at umalis na sila pati narin ang bestfriend kong naghysterical daw kanina kaya ngayon inaalo ni Joshua
" Sa susunod kapag hindi mo na kaya ang isang bagay tawagin mo lang ako " napatulala na lang ako sa kanya habang lumabas siya at napaisip sa sinabi niya
" So okay ka na tara na " napalingon ako kay Chase na ngiting ngiti sakin
" May mali talaga " yun na lang ang nasabi ko habang papalabas kami
" Sus! Muntik ka lang maaksidente sari sari na ang naiisip mo " natatawa niyang sabi habang tinatap ang ulo ko
" Pero hindi ako baliw no ! " depensa ko sa kanya na siya namang nakapagpatawa sa kanya
" Oo na mamaya mabaliw ka pa ng tuluyan eh " nakangisi niya sabi sa kin
" Heh!! ewan ko sayo " at nagpatuloy na kami sa paglilinis pero sa kalagitnaan ng paglilinis napapansin ko talagang parang may iba kay Chase yung kaliwang kamay niya kasi laging nakalagay sa bulsa niya pero hindi ko na masyadong pinansin yun baka napapraning lang ako hanggang sa mag uwian na kami
" Sierra una na ako ha may pinapapabili pa si Mama eh bukas nalang ulit. Bye " pagkatapos niyang magpaalam ay tumakbo na siya palabas tapos biglang sumulpot si Joshua
" Asaan na si Akire? " tinuro ko si Akire at dali dali namang tumakbo papasunod hayss to talagang dalawang to diko alam kung sila na ba o ewan.
" Umuwi ka ng maaga para makapagpahinga ka na. Una na ako " Ewan ko ba ku g malulungkot kasi hanggang ngayon di parin kami ayos o matutuwa kasi kahit papaano ay concern parin siya sakin
" Thank you, Ingat " pagkasabi ko nun ay umalis na siya at umuwi narin ako hindi ko na nga napansin si Chase eh kung nasaan baka naman nauna na siya kaya eto uuwi nalang din ako
==============================================================================================================================================================================================
The picture does not belong to me crdts. to the rightful owner 😁