Unexpected Reaction

5 1 0
                                    

" A-aray ano ba..=___= wala lang talaga yung kahapon tsaka okay na ako " grabe lang pagkarating ko agad agad naman akong tinadtad ng tanong ni Akire kulang na lang nasa hotseat na ako eh

" Sure? Di nga? " OA magtanong nitong bruhang to

" Swear! Walang problema! " sabi ko nalang hahaba pa usapan namin eh

" Sabi mo eh...pero kasi nung umalis ka pauwi, di na din namin nakita ni Joshua si Hux" hayy naalala ko na naman yung kahapon " Magkaaway kayo? " dagdag pa niya

" Hindi! OA mo magisip " mas pinili ko nalang na magsinungaling ayoko kasing mag alala pa siya sakin

" Okay sabi mo eh ^_^ " at ayun ang luka kinaladkad ako papuntang upuan pero kumalas ako

" Ahm pwedeng sandali lang..pupunta lang ako ng C.R " sabi ko sa kanya at si bruha naman naniwala naman ang hindi niya alam gusto ko muna mapag isa

Kaso ang ipagtataka ko kusa akong dinala ng mga paa ko sa garden kung saan kami nag away kahapon at hindi ko napigilang umupo at umiyak

" Tsk. Ang hina mo talaga sobrang hina mo at napahikbi ako Pero di naman masamang umiyak diba? Napapagod din kasi ako" napahagulgol ako kasi di ko akalain na iiyak ako ulit ng ganito matapos akong iwan nina mama at papa para lang magtrabaho and they even gives more attention on it ni phone calls, text messages tuwing birthday ko wala pero sanay na ako

" Crying is not being weak it just shows that you are strong kasi nakaya mong harapin mag isa ang problema mo " napatingin ako sa biglang nagsalita

" Cha~Chase " tumingin ako sa kanya kasi kahapon ang saya saya ko kasi nakakilala ako ng bagong kaibigan na katulad niya tapos makikita niya ako sa ganitong sitwasyon

" Its FREE to Cry " sabi niya habang umupo sa tabi ko at tinap ang balikat niya at awtomatiko akong napaiyak habang niyakap niya ako

" Sobrang sakit " i said between my sobs

" Ssshh..hindi ko man alam kung anong dahilan kung bakit ka umiiyak pero ito lang ang masasabi ko....Try to be calm and alalahanin mo kung anong magandang gawin mo para malagpasan yan " napaisip naman ako sa sinabi ni Chase siguro nga kailangan kong maging malakas ngayon kahit na ayaw na niya sakin kaya tumayo na ako at pinunasan yung mga luha ko at tumayo na din si Chase...

" Sie~Sierra " yan na lang ang nasabi ni Chase kasi bigla ko siyang niyakap

" Thank you talaga kahit na kahapon lang kita nakilala sobrang bait mo sakin tsaka naabala pa kita " sabi ko sa kanyaat hinawakan ang kamay niya

" Tara... Baka malate pa tayo " at lalakad na sana ako ng pigilan niya ako at pinunasn ang mukha ko

" Baka mamaya isipin nila ako ang nagpaiyak sayo eh " tapos sabay pa kaming natawa at tuloy na kami sa room

*ClassRoom*

" Wow! Ibig sabihin may bago na ulit tayong bestfriend " sabi ni Akire pinakilala ko kasi sa kanila si Chase at mukhang nagkasundo agad sila

" Pano ba yan may bago na tayong tropa Hux ayos diba? " sabi ni Joshua kay Hux pagdating kasi naman namin ni Chase sa room nandyan na siya

" Oo naman okay lang " sabi niya ng natatawa pero alam kong pinepeke niya lang yun

" Okay lang din naman sayo Akire diba? " nagulat ako sa biglang pagtanong ni Hux sakin buti nakontrol ko yung sarili ko

" O-Oo naman maganda nga yon eh madami mas masaya " nginitian ko lang siya nakakalungkot isipin na nagagawa din niyang magpanggap na okay lang ang lahat pero mas mabuti na to kesa hindi kami nagpapansinan mamaya mag alala pa sina Akire at Joshua eh pati narin si Chase

Maya maya pa ay dumating na si Sir yung Adviser namin

" GoodMorning Sir "sabay sabay naming bati

" GoodMorning take your seats " pagkaupo namin ay may sinulat si Sir sa board na dahilan para magsaya ang mga kaklase ko

" Sports Festival? " takang sabi ko

" Uwaaa magi-Sports Festival na " excited na sabi ni Akire kaya natawa na lang si Joshua dahilan para matameme si Akire sa hiya..Asus naman pag-ibig nga naman

" Sana magkagrupo tayo Sierra ^_^ "
Nakangiting sabi sakin ni
Chase ang Cute niya talaga isama mo pa yung mala fairy na tenga niya tapos yung cute niyang pagsasalita

" Sana nga kasi paiingayin kita ang tahi tahimik mo eh hehehe ^_^" yun ang balak para naman di na siya maging distant sa iba naming classmates

" Tsk. " napalingon ako at nakita kong si Hux yun kasi siya kasi ang katabi ko bali by two lang ang kada upuan....Siguro naingayan siya samin

" Ah-Um Sorry " nahihiya kong sabi sa kanya at tumungo nalang ako at nagsulat sulat ng kung ano ano

========================================================

Leave your comment about my story okay lang kahit random or anything :*. Lovelots

7 Rains Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon