Chapter 5: Surprises

16.8K 850 290
                                    

#DS6Unwavering #CirCoal #SharkFamily #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS6Unwavering #CirCoal #SharkFamily #DaggerSeries

A/N: Ples. Huwag niyo ng paisa-isahin sa akin ang edad ng mga chikiting ng Dagger dahil sasabog na ang brain ko sa dami nila. Isipin niyo na lang na lahat sila babies pa rin XD

CHAPTER FIVE: SURPRISES

COAL'S POV

Katulad ng inaasahan kapag magkakasama kami na buong pamilya ay maingay at magulo ang paligid. Kasalukuyang nag-aagawan ang mga kapatid ko sa mga nakahandang pagkain sa lamesa. Lia, my second oldest brother Gun's wife, invited us for a family dinner.

We're used to having dinner at their house, but it's rare that all of us are available. Minsan kasi ay nagkakataon na abala sa kaniya-kaniyang trabaho ang iba. But as much as possible sinusubukan namin na makompleto kami paminsan-minsan. We all love Lia's cooking.

"Ang daya mo! Ako ang nauna eh!" angal ng panlima sa amin na magkakapatid na si Kuya Trace. Hawak niya ang leg part ng manok na nakatusok sa tinidor ni Lucienne, ang asawa ng panganay na kapatid namin na si Kuya Thorn.

"Akin na 'to! Sa'yo na lang 'yung wings."

"Ayoko nga. Baka lumipad palayo sa akin si Ember," nakangusong sabi ni Kuya Trace na ang tinutukoy ay ang asawa niya.

"Anong connect?" Umismid si Lucienne. "Kapag kinain mo 'tong leg part, tatakbo palayo si Ember. Kaya kung ako sa'yo huwag ka na lang kumain."

Sumandok ng vegetarian curry ang bunso sa aming mga lalaki na si Domino at inilagay iyon sa plato ng kapatid namin na ayaw pa rin pakawalan ang manok. "Gulay ka na lang Kuya para happy."

"Sinong happy?"

Ngumisi si Domino. "Kami."

This is our normal. Most of the time ay nakikipag-agawan din ako sa kanila ng pagkain. But tonight, I couldn't join their banter. Hindi ko nga alam kung makakakain ako ng maayos.

Fuck. Why am I this nervous? I'm about to turn thirty-five. Hindi na ako teenager.

Sandaling tinapunan ko ng tingin ang mga kuya ko. Kuya Trace will back me up no matter what but the other four will grill me to death. But like I've said, I'm not a teenage boy anymore. I can handle myself.

"Bakit ang tahimik mo ata?"

Scratch that. I can't.

A memory of Circe hugging and showering our daughter with kisses flashed in my mind. Damn it. "May importante—"

"—akong sasabihin."

Gulat na napatingin ako sa bunso at nag-iisang babaeng kapatid namin na si Luna na nakaupo sa tabi ko.

Dagger Series #6: UnwaveringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon