Simula

1.2K 61 28
                                    

Ramdam ko ang patuloy na pagvibrate ng phone ko sa sunod na sunod na tawag ng pamilya ko. Si ate, si mama. I ignored their calls and continued dancing to a sensual beat after drowning myself to a couple of shots of tequila.

I came from an old rich family originated in Romblon, where we used to manage the peak of exporting marble and granite as our family business.

When my father died due to terminal illness, our family lost it's influence in Romblon. Bumagsak ang business at nabaon kami sa utang. For years, we are only depending on lolo's funds. Pero hindi namin makukuha iyon ng kambal ko ng buo, kung wala pa kami sa edad na dalampu't isa o hindi pa kami nag aasawa.

Mommy tried to contest the will but lolo's wish was absolute. Wala ding magagawa ang attorney kung hindi bigyan kami ng maliit na porsyento at nangakong makukuha lang namin ang mana namin magkapatid, kung masusunod ang nasa last will and testament.

Wala naman akong pakialam sa mana sa totoo lang. Dahil lumaki din naman akong hindi maluho, kaibahan kay ate Emma na nasusunod ang lahat ng gusto. Kaya ganun nalang ang pagkalugmok niya ng magsimula kaming maghirap.

We moved to San Vicente a month ago to strengthen our connections to the wealthiest family residing in this province. The Montecarlo's.

Mommy aims to wed ate Emma to the firstborn of the second son of the late Don Ramon, who is a hot bachelor as they say. If they get married, makakaahon kami sa hirap at makukuha namin ng buo ang mana.

Sikat na sikat sa San Vicente ang pamilyang iyon pero hindi ko sila kailanman nakilala. At wala din akong interes na hanapin sila sa internet. Kabaliktaran ng kambal ko na halos maglupasay ng makita sa unang pagkakataon ang larawan ng nasabing lalaki na dapat ay mapaibig niya.

Isang taon ang lumipas at bigo si mommy na ipakasal si ate sa lalaking anak ng mga kilalang pamilya. Minsan kaming nanirahan sa Maynila at bigo din kami. Kung hindi nagwowork ang relasyon nila dahil ayaw ni ate, ay hindi rin ganoon kaganda ang paguugali ng napipiling lalaki.

This is our last resort, hindi ko maintindihan si mommy dahil sa susunod na taon ay parehas naman na kaming twenty one ni ate, na siyang nakasaad din sa last will. Bakit ba hindi nalang namin hintayin ang panahon na iyon kung gusto niyang makuha ang pera.

"Sabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin, Mela pero dito tayo titira. At magtatrabaho ka sa MECS para makakuha ka ng impormasyon!" Naalala kong sabi ni mommy ng minsan kaming magtalo dahil ipinasok niya akong part-time admin assistant sa kompanya ng pamilyang iyon.

I felt someone behind me asking me to dance, which I refused. Another approached for a shot which I declined either. Gusto ko lang sumayaw.. at lumayo sa stress na dinadanas ko sa pamilya.

Mommy and I argued earlier dahil gusto niya na ako din ay ipagkasundo sa ibang lalaki. Hindi kasing yaman ng naunang pamilya pero mas maigi na daw iyon para magtulong kaming makuha ang mana

"Sinuportahan kita sa pagiging trans mo Mela! Sinasayang mo lang ang iniinom mo kung hindi mo naman din mapapakinabangan!"

"Kaya kong magdesisyon para sa sarili ko mommy! Hindi mo ako mapipilit na ipakasal sa lalaking gusto mo para sa sarili mong interes-"

Kasabay ng pagdaan ng malutong na sampal ni mommy sa ala-ala ko ay ang siyang paghimas ng isang lalaki sa pwet ko.

"Sama ka sakin. Mage-enjoy ka." Agad kong hinawi ang kamay niya at naglakad palayo

Muli akong pumikit at dinama ang hilo habang malaswang sumasayaw. I am wearing a blue button down body hugging dress na bukas ang likod at labas ang cleavage ko na humulma sa ilang taong paghohormones.

It's always been you (Montecarlo Heir #3)Where stories live. Discover now