Chapter 12

7.3K 124 1
                                    

Chapter 12

After our mini-drama earlier, nakatanggap si Van ng tawag sa mga magulang niya. Wala daw silang dinatnan sa apartment ni Alli. Akala ko matataranta si Van o magugulat, pero parang alam na naman niya ang balita. In front of us is Aira Monteverde - Alli's best friend. Masamang masama ang titig niya kay Van at kulang na lang matunaw ito. Van's looking at his laptop habang ako naman ay pinapanood lang sila.


"Kuya! Busy akong tao. Kailangan ko ng umalis! Ano ba kasing ginagawa ko dito?!" Van smirked at tinaas ang ulo niya. Walang bakas ng takot sa mukha ni Aira. Matapang pa din ang mga mata nito at kita ko ang pagkainis niya.


"She's at Cebu. Tama ba?" Kumunot ang noo ni Aira. "I've told you before na hindi mo dapat sinabi sa kanyang papunta sila Mom doon, but you did. Alam mong oras na, we gave her time and that's enough. She's prolonging her agony." Nagtagis ang bagang ni Aira at dinuro si Van.


"You! Fuck you ka! Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon! Kung hindi ka naman kasi nakielam sa buhay niya, edi sana walang ganito!" Bumaling siya sa akin. "Ate! Wag ka dito sa lalaking ito! Punyeta yan! Leche!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya. Tumayo si Van at lumapit sa kanya.


"She's at Cebu and we'll fly there later. Wala kang sasabihin sa kanya. It's already time. Mahabang panahon na ang limang taon." Huminahon si Aira at nag walk out. Van sighed and pinched his nose. Lumakad ako papunta sa kanya at niyakap siya.


"Kalma lang." He chuckled. Hinila niya ako paupo sa sofa. "Naguguluhan ako." Inakbayan niya ako.


"Noon pa man, alam ko na ang tungkol sa anak ni Allison. I kept quiet at pinabayaan ko siya sa gusto niya. I gave her the time she needed. But five years had passed pero hindi padin siya nagpapakita." Ngumisi siya. " and then Aira knew that we're planning to go there, sinabi niya kay Alli, kaya ayun - tumakas."


"Alam ni Aira na alam mo even before today?" He shook his head.


"No. Sinabi ko lang sa kanya noong narinig niya kami na nagbabalak pumunta doon. She kept her mouth shut pero sinabi pa din niya ang plano." Tumango tango ako. Sa itsura nga naman kasi ni Aira, mukhang maingay talaga. He held my hand.


"Let's go." Tumayo na kami and he makes his calls again. Talk about connections. Pinabayaan ko siya sa gagawin niya - may tiwala naman akong hindi niya ako pababayaan.


We got inside the airplane. Pinagmamasdan ko lang siya habang busy siyang gumagawa ng mga tawag at kung ano-ano sa laptop niya. Mukhang inaayos talaga niya ang plano niyang pagpapakita sa kapatid niya. Allison is lucky to have a brother like him but minus the manipulator attitude. Medyo off iyon. Nakarating kami sa terminal. Hawak-hawak niya ang mga kamay ko habang hindi naman sumusunod sa amin ang mga men-in-black.


"What's happening? Bakit sila umaalis?" I asked. Iba-iba kasi ang ruta nila. He started making calls again at hindi ako sinagot. Minutes later napansin kong may sinusundan pala kami at para kaming nagtatago.


I was in shock when I noticed that infront of us is Allison De Vara with her child. Lumabas ito ng terminal at pumasok na sila sa isang taxi. Sinundan lang naman siya ng titig ni Van.


"We better sleep now," he said. Pumasok na kami sa isang kotse and I fell asleep. I just woke up na iba na ang damit ko at nakahiga na ako sa kama. Van's beside me and he's now sleeping peacefully. Ngayon lang pumasok sa utak ko kung gaano niya inaayos ang buhay ni Alli na sinira niya - according to him.


Napaisip tuloy ako kung ano nga ba ang dahilan niya sa pangengeelam sa buhay ng iba. Bakit siya ganito? Anong parte pa niya ang kailangan kong makita? I once again - fell asleep having those questions in my mind.

Pure SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon