Chapter 13

6.7K 129 9
                                    

We're not yet in the middle, dadahan-dahin ko ang story. But I can assure you one thing, ipupush ko ang plano kong gawin itong HEAVY DRAMA. Chos! Hahaha.

* *

Chapter 13

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. My whole body is trembling. Kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko at ang pag wasak ng puso ko. Noon palagi niyang sinasabi sa akin na wala dapat akong paniwalaang ibang tao maliban na lang sa kanya. Ganoon daw umiikot ang buhay niya. Sinulyapan kong muli ang picture.


"Zara! Sino that?" I heard Uriel said. Hindi pa rin ako gumagalaw. Tinititigan ko ang picture ni Van at ng malanding babaeng nakakandong sa kanya. Walang pang isang linggo mula nang sinabi niya sa aking mahal niya ako pero heto siya at nagmamaniobra ng ibang puke!


"Huy, ano ba meron-- Holy mother of all shits!" Marahas na inabot sa akin ni Ashley ang picture. Dumapo naman sa mga mata ko ang envelope. May nakasulat doong address, ito siguro iyong bar kung nasaan nakikipag-karera si Van.


"O-okay ka lang?" Hindi ko sila pinansin at agad akong tumakbo sa loob para kunin ang pouch ko. Kung mahal niya ako, dapat ako lang, hindi pwedeng may isa pa! Tuloy-tuloy ako sa paglakad at hindi ko na nagawang pansinin pa sila Uriel.


Nakarating ako sa terminal ng mga TAXI. Agad kong ibinigay ang address sa driver at laking gulat ko ng ngumisi ito sa akin habang tumatango-tango. Tumayo ang mga balahibo ko. He looked different because he's actually good looking at mukhang pa-bad boy pa dahil may piercings ito.


"Ma'am, dito po tayo sa address na ito?" He asked politely. Napaka-galang niya magsalita pero kita ko ang mga naglalarong ngisi sa kanyang labi. Tumango na lang ako at hindi siya pinansin. Minutes later, I'm infront of a bar na nasa pinaka-dulo ng isang street. Bakit dito niya ako dinala? Ito ba ang nakalagay sa envelope? Bumaba ako ng TAXI at pinaka-titigan iyon. It looks like a normal bar, wala namang kakaiba dito pero bakit ako kinikilabutan?


Hindi ko na napansing umalis na pala ang TAXI sa likod ko. Naglakad ako palapit dito at nang bubuksan ko na ang pinto, siya namang labas ng dalawang naglalakihang lalaki na mukhang mga bouncer ata. They both look at each other and smirk.


"Pasok po kayo, Ma'am." Aniya. Gumala ang mga mata ko. There were people dancing on the dance floor pero kaunti lang sila, may mga nagiinuman din at nagkakatuwaan. Ganito pala sa Cebu, kahit hindi pa mag-gagabi, mayroon na talagang bars na nagbubukas. I walked around. Inisa-isa ko ang mga table pero wala akong nakitang Van. Napukaw ang atensyon ko sa mga tao. They kept looking at me at katulad lang ng driver at dalawang bouncer kanina, nakangisi sila.


"Ma'am, would you like to order some drink?" Nilingon ko ang bartender at tumango. All I want is just to find Van and see for myself kung talaga bang nangangabayo na siya ng iba. But it seems like naiuwi na niya ito.


"Pilsen for my gorgeous customer," the bartender said. Napangiwi ako. Pilsen? Ano ako, bata na nasa restaurant lang? Mukha namang napansin niya iyon at tumawa siya. "Sorry ma'am, hindi pa po kami nagsserve ng hard drinks not until 8pm. 4 pa lang po ng hapon." Tumango na lang ako at kinuha na ang drink. Gumala muli ang paningin ko kasabay nag pag-tunong ng cellphone ko.


It was Ashley. I answered the phone.


"Huy! Kanina ka pa namin tinatawagan! Nasaan ka ba? Andito na jowa mo! Nakita niya iyong picture at galit na galit siya, hinahanap ka nga niya eh. Ang sinabi namin may nakita kang address at sa tingin namin ay pinuntahan mo iyon." Tinungga ko ang baso bago mag salita.


"Sana hindi niyo na sinabi." Natawa ako ng mapakla. Nasa suite na pala siya, siguro quickie lang iyong ginawa nila. "Asan siya?" I asked at sumenyas sa bartender na bigyan pa ako ng isa. He eyed me warily at may sinabi sa kanyang walkie talkie ata o kung ano man iyon bago gawin ang order ko.


Pure SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon