Freen Sarocha as:
YUKI NATSUKAWA
and
Rebecca Armstrong as:
SCARLETT MARGAUX MEDIAVILLO
.
.
.
.
.CHAPTER 6
"Allyson's Point Of View (POV)"
"Red, ano ba'ng nangyari sa'yo?" Narinig kong tanong ni Vada. "Bakit, kasama mo na si Yuki?"
"Kasi tinulungan n'ya akong makalayo kanina." Mahinang sagot ni Red na ikinasinghap ng dalawang kaibigan ni Yuki at pasimple pang nagbubulungan.
Magkatabi kaming nakaupo ni Red sa mahabang sofa habang kaharap ang dalawa na sina Blossom at Bubbles na nakaupo din sa kinauupuan kanina nina Kambal ko at Vada. Samantalang, sina Vada at Kambal ko ay pareho namang nakatayo malapit sa kinauupuan kanina ni Emerald at sa kanang bahagi ni Red.
Agad kong kinuha ang bote ng tequila at dahan-dahang sinalinan ang shot glass na nakapatong sa ibabaw ng mesa bago saglit na lumingon kay Red. "Hindi ka ba sinabihan ni Kambal ko na pumunta ka dito sa bar kaninang umaga?" Seryosong tanong ko rito, sabay lapag ng bote sa mesa at kinuha ang shot glass. "Naghihintay sa'yo si Vada sa labas nitong bar."
Napatingin naman ito sa akin at bahagyang tumango. "Sinabihan ako ni Grace. Pero nakita kasi ako ng isa sa mga bodyguard nina Mommy at Daddy. Kaya tumakbo ako papunta sa dagat."
"Tsk! Kaya naman pala, bigla na lang umalis kaninang umaga ang Nyebe babe ko!" Narinig naming biglang singit ni Bubbles na ikinalingon naming magkakaibigan sa kanya.
"Ano?!" Sabay at pasigaw na tanong nina Vada at Kambal ko na nagpakislot sa akin nang bahagya dahil sa gulat. Samantalang, tahimik at napapangiting pasulyap-sulyap naman si Red kina Bubbles at Blossom.
"Hoy!" Nakangiting saway ni Blossom sa kanyang kaibigan at tinapik pa ito sa kanang braso. "Bubbles, nasa plano na talaga ni Adik na aalis s'ya kaninang umaga. Sinabi n'ya sa akin kagabi."
"Bakit kasi sa'yo lang s'ya nagpaalam? Tsk! Siguro, alam mong may kasamang chicken ang Nyebe babe ko?" - (BUBBLES)
"Eh, sa lasing ka na kagabi. Sumasayaw ka pa nga habang kumakanta ng chorus ng Careless Whisper." Napapangiting sagot ni Blossom bago humagalpak nang tawa na sinabayan naman nina Vada, Red at Kambal ko. "Wala akong alam na may kasama palang chicken si Adik."
"Ano'ng chicken?" Nagtataka at natatawang tanong ni Red sa dalawa.
Dahan-dahang lumingon si Bubbles kay Red at bigla na lang tumawa. "Manok!" Pasigaw at natatawang sagot niya bago seryosong bumaling nang tingin kay Blossom. "Eh, b-bakit may kasama ng chicken ang Nyebe babe ko, Adik?" Muli itong napalingon kay Red at nakasimangot pang itinuro ang kaibigan namin bago muling tumawa. "Wrong! Wrong! Wrong! S'ya pala? In fairness, chicken! Chicken na chicken ang... h-hitsura! Adik, ibugaw n-natin... s'ya sa... N-Nyebe babe ko." Paputol-putol na wika niya, sabay tabig sa kaliwang braso ni Blossom. "'Di ba, Adik? M-Mas maganda pa...s'ya kung kay... E-Emerald Jane S-Sandejas na 'yon! C-Chararat... ang b-babaeng 'yon! Chararat!" Pasigaw ang ginawa niya sa kanyang huling sinabi na nagpatawa naman sa aming apat na magkakaibigan.
"Ewan ko nga sa'yo kung ano-ano na naman ang mga sinasabi mo. Bakit ako ang tinatanong mo? Dapat ang tanungin mo, si Adik o si Red. Gan'on lang 'yon kasimple. Hindi naman ako kasama nila."
BINABASA MO ANG
SHOOTING STAR
RomanceSHOOTING STAR (FreenBecky) Nang dahil lamang sa nangyaring pagtakas ko sa aking mga magulang ay iyon pala ang magiging simula ng lahat sa mga maaaring mangyari sa buhay ko. Simula nang dumating at makilala ang isang estrangherong nilalang na s'ya pa...