Freen Sarocha as:
YUKI NATSUKAWA
and
Rebecca Armstrong as:
SCARLETT MARGAUX MEDIAVILLO
.
.
.
.
.CHAPTER 7
"Red or Sky's Point Of View (POV)"
"Ano ba?! Saan mo ba ako dadalhin?!" Pasigaw kong tanong kay Yuki habang pilit na nagpupumiglas mula sa kanya nang bigla akong kinaladkad papunta sa medyo may kadiliman na lugar at marahang isinandal sa matigas na bagay na hindi ko mawari kung ano iyon.
Agad at mabilis niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko bago itinaas ang mga iyon sa magkabilang gilid ng aking ulo at hinawakan nang mahigpit gamit ang kanyang kanang kamay. "Gusto kitang matikman, Pilosopong panget." Pabulong niyang saad sa kaliwang tainga ko, sabay haplos sa gilid ng aking leeg gamit ang kaliwang kamay na nagpatindig naman sa mga balahibo ko sa katawan.
"A-Ano?! L-Lasing ka pa-"
Napasinghap at napakislot na lang ako dahil sa pagkagulat nang bigla itong yumuko at dahan-dahang hinalikan ang mga labi ko na naging dahilan para mapapikit ako nang mariin. Ni hindi ko magawang tumugon o gumanti ng halik sa kanya habang masuyo, magaan at marahan ang ginagawang paghalik niya sa akin. Wala sa sariling napaungol ako bago napadilat ng mga mata nang mapunta ang kanyang kaliwang kamay sa balikat ko pababa sa aking baywang at bahagya pang pinisil iyon.
Saglit itong napahinto at matamang nakatingin sa akin habang padampi-dampi ang kanyang mga labi sa mga labi ko. "Talaga bang? Wala kang planong gantihan man lang ako ng halik?" Namamaos at mahinang tanong niya na muling ikinasinghap ko nang halikan ulit ako. "Please, kisu o kaeshite." - "(Kiss Me Back)"
Patuloy lamang ito sa ginagawa hanggang sa maramdaman ko na lang na paunti-unting tumataas ang suot kong T-shirt at marahang humahaplos ang kanyang kamay sa aking tagiliran paitaas sa likod ko. Muli akong nagpupumiglas nang tanggalin niya mula sa pagkakakabit ang suot kong bra. "W-What are you d-doing? L-Lasing ka pa ba? Ang sabi mo kasi kapag nalalasing ka, hindi mo makontrol ang sarili mo. Lalo na, kapag may-"
"Ayoko nang paulit-ulit. Sinabi ko na kanina n'ong nasa isla pa tayo. Pagmamay-ari na kita simula ngayong araw o kahit na ngayong gabi. Ang ibig sabihin lang, sa akin ka na. Simula nang halikan kita. Sa akin ka na, Scarlett Margaux Mediavillo!"
"Bakit gusto mong mapa-sa'yo ako? Dahil ba kay Emerald na ex mo o dahil sa alam mong kaibigan n'ya ako? Kaya gumaganti ka lang sa kanya nang dahil sa akin!"
"Maybe both. But I want you to know that maybe someday." Mahinang wika niya bago bumulong sa kaliwang tainga ko. "Tsk! Maybe someday, pwede mo naman akong mahalin at mamahalin din kita nang buong-buo. Basta 'wag ka lang maiinip sa paghihintay sa akin."
"Napakasigurista mo naman yata sa lagay na 'yan! Na darating ang sinasabi mong maybe someday na mamahalin kita." Mariin ang pagkakabigkas ko, sabay tawa nang mapansin kong nanigas ang kanyang katawan na para bang natauhan o nakabalik na sa sariling pag-iisip mula sa kanyang pagpapantasya.
Napapailing itong napatingin ulit sa akin habang nakasimangot. "Tsk! 'Wag kang magsalita nang tapos, baka kainin mo lang din naman 'yang sinabi mo sa pagdating ng panahon. Lalo pa ngayon na akin ka na."
"Hinding-hindi mangyayari 'yon!" Pasigaw kong tugon sa kanya at muling nagpupumiglas. "Bitawan mo na ako!"
"Let's see." Napapangiting saad niya bago ako muling hinalikan.
BINABASA MO ANG
SHOOTING STAR
RomanceSHOOTING STAR (FreenBecky) Nang dahil lamang sa nangyaring pagtakas ko sa aking mga magulang ay iyon pala ang magiging simula ng lahat sa mga maaaring mangyari sa buhay ko. Simula nang dumating at makilala ang isang estrangherong nilalang na s'ya pa...