KABANATA XIII

6 2 0
                                    

Play "Huling Sandali" by December Avenue while reading this chapter.



Third Person POV

Ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan ng dalawang taong nagmamahalan, ating tutuklasin sa kabanatang ito kung ano nga ba ang buong detalye sa kanilang paghihiwalay.
Dito malalaman ang buong kwento na pinasadahan lamang sa unang parte ng akda na ito.

Pauwi pa lamang ang dalaga mula sa pagdalo sa kanyang klase, nang maisipan niyang tawagan ang nobyo upang magpasundo rito. Ngunit, ilang beses na niya itong tinawagan pero hindi sumasagot. Kaya napagpasyahan niyang puntahan ang binata kung saan man ito pumunta, sa kasamaang palad ay may nakita siyang dalagita na halos nasa edad niya lang din na pareho ang kanilang lokasyon na pupuntahan.

Maya-maya ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon, naunang pumasok ang dalagitang may umbok ang tiyan. Halatang buntis ito, subalit hindi matukoy kung sino ang ama.

"Klien, mag-usap tayo. May kailangan akong sabihin sa iyo." Saad ng dalaga

"Ano iyon, Raizell? Baka naman hindi importante iyan." Sagot ng binata

"Gusto kang kausapin ng Lolo at lola mo ngayon, tungkol sa magiging kasal natin." Saad ng dalaga

"Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang iyan pag-usapan? May trabaho pa ako mamaya, mahal." Sagot ng binata

"Hindi eh, gusto na nilang madaliin ang kasal sa lalong madaling panahon. Para maipamana na sa iyo ang kumpanya ng pamilya ninyo." Saad ng dalaga

Pinigilan ng dalaga ang mapaluha sa kanyang narinig, gustuhin niya mang tumalikod pero hindi maaari. Dahil ngayon niya gustong pakawalan ang lalaki, sa ayaw at gusto man nito ay wala itong magagawa ito ang kanyang naging desisyon.

Napagtanto niya na tama ang sinasabi ng kanyang pamilya, na dapat piliin niya ang kanyang kababata at ang unang lalaki na minahal niya.

"Hays, sige na nga. Mauna ka na muna umuwi, susunod na lang ako. May tatapusin lang ako, mag-iingat ka." Saad ng binata

"Sige, Klien. Mauna na ako, see you later." Sagot ng dalaga

Lumabas na ang dalaga na nagdeklarang fiancé ng kanyang nobyo at nilisan ang lugar na iyon, nilisan niya rin ang lugar na iyon saka umuwi para sa ibang lugar na lamang kakausapin ang kanyang nobyo.

Kararating lang ng binata galing sa trabaho, nadatnan nito ang kanyang nobya na masama ang loob sa kanya.

Nagtataka ang binata kung bakit ito galit sa kanya, gayong wala naman siyang ginawa na magiging sanhi ng galit nito.

"Sabihin mo sa akin, ano ba talagang mayroon sa atin? Panandaliang saya mo lang ba ako, ha Klien?" Saad ng dalaga

"Just stop, Dulcinea. Wala ng patutunguhan 'tong away natin, stop overthinking, okay?" Sagot ng binata

"You're telling me to stop, really Klien? Wala ng patutunguhan 'tong away? Tell me why do I have to f*cking stop overthinking?! TELL ME!" Galit na saad ng dalaga

"KASI WALA AKONG TINATAGO SA'YO, DULCINEA ARABELLE! D*mn it! Ano pa ba ang gusto mong malaman?" Napapagod na saad ng binata

"Walang tinatago, really? I saw your conversation with your ex. You want to get back with her, am I right? Ano pa ba yung gusto kong malaman!? Ano ba 'ko sa'yo, Klien? Laruan?" Umiiyak na saad ng dalaga

Sinubukan siyang hawakan ng binata ngunit siya'y lumalayo na para bang ito'y nandidiri, hindi matigil ang luhang umaagos sa kanyang pisngi na nagmumula sa kanyang mga mata.

"Now, I get it. I was just your f*cking temporary happiness, hindi pala sapat lahat ng ginawa ko para lang makalimutan mo siya." Muling saad ng dalaga

Mahal kita, ngunit hindi pa rin pala sapat iyon para tuluyan mo siyang kalimutan.

Upang ako naman yung mahalin mo pabalik gaya ng pagmamahal ko sa iyo.

Sana hindi na lang kita minahal kung alam ko lang na ito yung mararamdaman ko.

"I'm tired fighting for this relationship. I'm setting you free, Klien. Ito na ang huling pagkikita nating dalawa, hinihiling kong hindi na muling magtagpo ang ating mga landas. Paalam." Huling saad ng dalaga

Tumalikod ang dalaga at iniwang nakatulala ang binata sa kanyang pag-alis, sa pagsakay sa loob ng sasakyan siya'y luhaan habang hindi na maisip kung ano ang maaaring gawin upang makalimutan ang binata.

Sinubukan ng binata na habulin ang sinasakyan ng dalaga ngunit hindi na niya ito naabutan, dahil sa bilis ng paglisan nito sa kanyang harapan.

Minahal niya rin naman ang dalaga ngunit hindi niya maisaisip kung ano nga ba ang kulang, at bakit hinahanap niya pa rin sa iba ang tunay na saya na hindi niya matamasa.

Sa pag-uwi ng dalaga, doon nito ibinuhos ang kanyang sama ng loob habang umiiyak. Ni hindi na niya namalayan na nababasa na siya ng ulan.


Author's note:

Pasensya na sa delayed update, may ginagawa lang ako these past few weeks. And, I attended my personal matters kaya nakaligtaan ko na rin ang update. Don't worry dahil babawi naman ako, sana maintindihan ninyo. At bago ko makalimutan, hindi ito kasalukuyan kasi ito ang naging pangyayari sa nakaraan ni Dulcinea. Salamat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Temporary Happiness (Trial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon