Chapter 07

2K 70 0
                                    

Gumulong ako palayo sa kaniya at nagtalukbong ng kumot. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. I feel so embarrassed. He caught me staring at him while he's asleep! I hope hindi niya isipin na minamanyak ko siya. Huhu.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Bakit ka lumayo, binibini? Hindi ba't nais mong magkatabi tayong matulog?" aniya, dahilan para lalo pang mamula ang mukha ko. Is he teasing me?

"Wala na. Ayaw ko na. Nahihiya na ako," tugon ko na lalo niya pang ikinatawa.

Halos lumuwa na ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paggalaw ng higaan. Umusog siya papalapit sa akin. I can literally feel his skin against mine. OMG. Why is he doing this to me? I think my chest is going to explode anytime soon.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na nakatakip sa mukha ko para silipin siya. Tumambad sa akin ang napakagwapo niyang mukha. He's staring at me with a smirk. Dahil sa labis na pagkagulat ay nahulog ako mula sa higaan.

"Aww," mahinang daing ko at napahawak sa aking pwetan. Mababa lang naman ang higaan, pero ang sakit parin ng impact.

"Ayos ka lamang ba, binibini?" tanong ni Guren at dali-daling bumangon para tulungan akong tumayo.

"Ayos? Ayos lang ba ako?" I sarcastically repeated his question. "Hindi, Guren. Hindi ako ayos. Halos sumabog na ang dibdib ko at ang sakit pa ng pwet ko," aniko. My cheeks and ears are still red. "Grabe ka na."

Napakagat siya sa ibabang labi, nagpipigil ng tawa. "Paumanhin, binibini. Kailanma'y hindi ko na uulitin."

Nadismaya naman ako dahil sa huling pangungusap niya. Hindi niya na uulitin? Kailanman? Hindi ako papayag! Medyo nagulat lang ako, but that doesn't mean na hindi ko nagustuhan!

"Nagbibiro lang ako! Ito naman! Okay lang kahit ulitin mo. Ayos lang ako. Hindi naman talaga sasabog ang dibdib ko. At hindi naman masakit ang pwet ko, wala naman ako no'n, ih. Sabihan mo lang ako sa susunod para hindi ako mabigla," aniko at awkward na ngumiti. "Osya, matulog na tayo," aniko at sumampa na ulit sa higaan. He did the same.

Patagilid akong humiga, nakatalikod sa kaniya. Medyo nahihiya parin ako do'n sa part na nahuli niya akong nakatitig sa kaniya habang natutulog siya. I hope he doesn't see me as a pervert now.

Ilang sandali pa ay dinig ko na ang paghilik niya. He's finally asleep. I let out a breath of relief before turning to look at him. He's peacefully sleeping on his back with his hands on his stomach.

"Good night," bulong ko at natulog na rin.

Kinabukasan, pagmulat ng mga mata ko, wala na si Guren sa tabi ko. Bumalikwas ako ng upo at lumingon-lingon, hinahanap siya. He's nowhere to be seen.

"Guren?" pagtawag ko sa pangalan niya, pero wala akong natanggap na tugon. Pumasok na siguro siya sa trabaho. I hope nakapag-almusal siya bago umalis.

Bumangon na ako at nag-unat-unat. Tapos ay nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, lumilipad ang isip ko sa kung saan. I let out a deep breath. I suddenly miss Annie and Ate Shane. I hope they are not worrying too much about me.

I think nawala na talaga ang sakit ko. Normal na ang pagtulog ko, at hindi na ako laging pagod. I can even pull an all-nighter now. This place... I think it has something to do with this place. Espieglerie is a mysterious kingdom.

Pagkatapos kong magkape, naligo ako at nagbihis. Damit parin ni Guren ang suot ko. They're comfortable. I'm already getting used to wearing them. Anyway, I decided to go downtown today. Maghahanap ako ng pwedeng pagkakitaan, ng trabaho. Hindi naman pwedeng lagi nalang akong dumepende kay Guren. I need to bring something to the table.

Lost in Espieglerie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon