Chapter 19

1.4K 49 7
                                    

"Chichi, halika rito!" excited na pagtawag sa akin ni Marceline with matching hand gestures, kaya naman dali-dali akong lumapit sa kaniya.

"Ano'ng meron?" natatawang tanong ko at tumingin din sa mga tinitignan niya. Mahinang natawa ako nang mapagtanto kung ano ang mga iyon. They're bottled liquor. "Ano, iinom tayo?" Napangiwi ako dahil mukhang malakas ang tama ng alak na 'to. Pang-tatay 'to, eh.

"Oo." Nilingon niya ako at itinaas-baba ang mga kilay.

"Bumili na kayo, mga binibini. Sinasabi ko sa inyo, kapag bumili kayo ng isang bote, bibigyan ko kayo ng isa pang bote, libre!" wika ng nagtitinda at binigyan kami ng isang matamis na ngiti. "Dalawang salaping tanso lamang!"

Mahinang natawa ako. Kunwari pang buy one take one, eh, presyo rin naman ng dalawang bote ang singil niya. Ito talagang si manong!

"Manong, wala na bang bawas sa presyo? Do'n kasi sa isang nagtitinda, dalawang salaping tanso lang, tatlong bote na," aniko at pasimpleng kinindatan si Marceline. Na-gets niya naman kaagad ang ibig kong sabihin.

"Tunay po ang kaniyang sinabi, Mang Juan. Napakamahal ng inyong singil," panggagatong ni Marceline. "Iyong isa ngang nagtitinda sa may dulo ng bayan, isang salaping tanso lamang ay dalawang bote na."

"Aba'y ganoon talaga, mga ineng, sapagkat pinakamasarap ang aking mga itinitindang alak. Ilang taong inimbak ang mga inuming ito bago ipagbili," depensa ni Mang Juan. "Wala kayong matatagpuan na ganito kasarap na inumin, dito lamang sa aking tindahan! Inumin ni Mang Juan!" Itinuro niya pa ang poster sa harap ng tindahan niya, na tila siya ay nasa isang patalastas.

"Gano'n po ba? Baka pwede po naming tikman para mapatunayan na masarap talaga," aniko at inosenteng tinignan siya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Marceline. "Kung masarap nga po talaga, bibili kami."

Napatigil ang tindero, tila pinag-iisipan ang alok ko. Maya-maya pa ay tumango-tango siya at kumuha ng isang bote mula sa mga paninda niya. "Kung gayon ay pagbibigyan ko ang inyong kahilingan. Hahayaan ko kayong tikman ang aking inumin," saad niya at tinanggal na ang takip ng bote. Kumuha siya ng dalawang maliliit na baso at iniabot iyon sa amin ni Marceline.

"Salamat po," nakangiting aniko habang nilalagyan niya ng alak ang baso ako. Nang malanghap ko ang amoy ng inumin ay halos masuka ako. Bakit gano'n? Amoy panis. Ang asim. It's not my first time tasting alcohol, but this one just hits different. It's too strong. Kaya ko ba 'to?

Nilingon ko si Marceline. It seems like she's enjoying it. Talagang nakangiting sinisinghot-singhot niya pa ang amoy ng inumin sa baso niya. Natatawang napailing-iling ako.

"Napakasarap nga ho ng amoy, Mang Juan," aniya sa tindero, kaya napangiwi ako. Seriously?

"Inyo nang tikman ang inumin, mga ineng, at nang inyong malaman." He has a proud smile on his face.

Bahagyang tumagilid ako at pinisil ang ilong bago inumin ang alak. Napaubo ako nang gumuhit ang inumin sa lalamunan ko. Ang hapdi, bwisit. Ang tapang! Parang umaapoy ang lalamunan ko ngayon.

"Ang sarap nga ho, Mang Juan! Isa pa nga ho!" masayang wika ni Marceline, kaya naman kunot-noong napalingon ako sa kaniya. She's joyfully holding her glass up. "Huwag po kayong mag-alala, aking ipagkakalat kung gaano kasarap ang inyong tinda! Panigurado, maraming bibili kapag ako ang nagsabi!"

Kahit medyo nag-aalangan ay ginawa parin ng tindero ang hiling ni Marceline. Naglagay pa siya ng inumin sa baso niya. 

Ibababa ko na sana ang baso ko nang bigla iyong hablutin ni Marceline. Tapos ay iniabot niya ang baso niyang may laman sa akin. "Ito pa ho," wika niya at isinahod naman 'yung baso kong walang laman. My jaw dropped to the floor as I watched my glass get filled with that nasty liquor once again.

Lost in Espieglerie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon