Her cousin
Yunice's POV
"Chloe, did you finished your research?"
"Yes, ma'am. Based sa aking sources, Marx Clinton has 3 exes, their names are Monica S-" pinatigil ko sya sa pagsasalita.
"I don't care what their names are, Chloe. What I want to know are their characteristics or attitude, how they met and the cause of their break ups"
"Geez, excited much? Okay, let's start with his first ex. They were in a relationship in their 1st year of highschool, pero nagbreak din after 6 months dahil masyado pa silang bata at immature. Next, his second ex. Naging sila nung grade 10, they were in a relationship for about 2 years, and the cause of their break up is because the girl needs to study abroad at hindi kaya ni girl na makipag ldr. Sa 3rd ex naman, niligawan ni Marx for almost 2 years, I don't know kung naging sila kasi ang lowkey lang talaga. Uunahan na kita, kaya ko nasabing ex nya dahil may kumakalat na rumors, but it has not been confirmed. Bigla nalang natahimik ang madla sa rumors and after 3 months, napunta na sya dito and he is single but not sure if he is ready to mingle" mahabang explanation nya.
"And hep hep! Bago mo ibuka yang bibig mo, hintayin mo muna akong matapos okay??" mataray nitong bawal saakin.
"And ang similarities ng mga ugali at characteristics nila ay ito: They are simple but pretty, kind and approachable, and lastly, they can cook. Mga bagay na opposite sayo, but you're still pretty kaya pasok ka naman siguro?"
"Shut up!" inis kong sabi sa kanya.
Those are his type of girl? Ugh! Papaano ko gagawin ang mga iyon kung pangit ang 1st meeting namin??
"Yunice, kalma. Okay? Kaya mo ito" I tried to cheep myself up. Narinig ko namang tumatawa itong kaharap ko kaya sinamaan ko ng tingin.
"Hey, anong pinag uusapan nyo?" tanong ni Klea na kakadating lang dahil kumuha ng orders namin. Nandito kami ngayon sa Starbucks.
"We're discussing something" I took a sip at my coffee.
"Yes, dinidiscuss namin pano lalandiin si Marx" muntik ko nang maibuga ang iniinom ko kay Chloe. I cough so hard after that. Parang nakaramdam ako ng kamatayan ng mga sandaling iyon.
"Watch your words, Chloe" I glared at her.
"So, itutuloy nyo pala" tanong ni Klea saaming dalawa.
"Wala namang mawawala kung hindi susubukan" I smirked. Wala pa akong plano pero pagkauwi ko ay may maiisip rin ako.
"Wait, hindi ba si Marx yon? He's with your cousin" napalingon ako sa sinabi ni Klea.
"What is Drei doing here?!" inis kong tanong. Magkakilala sila ni Marx? Bakit wala itong nakukwento na may kaibigan syang ganyan ka-hot? May pasabi sabi pa syang ako ang favorite cousin nya tapos magtatago sya ng ganyan saakin?
"Humanda ka sakin bukas, Andrei Zervante" bulong ko habang tinitignan ito ng masama.
"Ang Andrei ko" nakangiting banggit ni Chloe sa pinsan ko na parang nag iisip ng mga nakakakilig na scenario sa isip.
"Huy Chloe magtigil ka nga jan!" bawal ni Klea sa kakambal.
"Ano ka ba, Klea. Minsan ko na nga lang makita yung bebe ko tapos ang kj mo pa jan" umirap si Chloe.
"Shhh! Tumigil nga kayo. Marinig pa tayo dito" irita kong bawal sa dalawa. Di naman kasi malayo ang agwat namin sa kanila at kung mag-iingay pa sila ay sa malamang makikita na kami dito.
'Okay, okay. Pero kailan pa umuwi ng Pilipinas ang bebe ko?" tanong ni Chloe.
"Last week, I guess?" I answered.
"Last week? And you didn't even bother to tell me?!" tinampal ko ang bunganga nya sa kaingayan nya. Ang kulit talaga.
I sighed heavily. "I already told you, Chloe. Hindi si Drei ang magpapasaya sayo. He's a cassanova at masasaktan ka lang sa kanya"
"I know, Yunice. But I can't help it. Soon, mararanasan mo rin itong nararanasan ko. Yung alam mong bawal pero hindi mo parin mapigilan" hindi ko ito pinansin at nanatili lang sa pagmasid sa dalawang lalaki.
They were talking about something then Drei started to laugh. I suddenly froze nung nakita kong napangiti si Marx. Sa ilang araw kong nakikita itong lalaking ito, ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti. Fuck! he looks dashing.
"Yunice, huy! Naglalaway ka" nabalik ako sa katinuan nang yugyugin ako ni Chloe. Sinamaan ko ito ng tingin nang mapansing wala namang laway ang tumulo saakin.
"Ewan ko sainyo. Uuwi na ako at nahahaggard ako sa pagmumukha nyo" paalam ko sa dalawa habang inaayos na ang mga gamit ko.
"May lumalapit kay Marx na babae" sambit ni Chloe kaya napalingon ako. Halos mapunit ang mukha ko nang makitang wala naman itong kasama kung hindi ang aking pinsan lang.
Sinamaan ko ng tingin si Chloe sa pagsisinungaling nya. Tumatawa lang ang baliw habang pailing iling lang ang kakambal nito.
"Ingat ka, Yunice. Baka mafall ka" nakangising paalala sakin ni Klea. Nginisian ko din ito pabalik.
"Never" proud kong sabi. I've never been inlove in my whole life, not even once.
Tumawag ako ng taxi para makauwi na. Hindi ko na hinintay sila Chloe dahil may magsusundo sa kanila. Hindi na rin ako makapaghintay na makauwi dahil pagod na ako. Pero mas pagod pala pag uwi ko.
I saw yaya Lina sa dining namin at naghahanda ng makakain.
"Ya" tawag ko dito sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
Naghain ito ng dalawang plato.
"Wala na naman si mommy?" tanong ko dito.
"Alam mo naman ang mommy mo, Yunice, napakabisi. Hindi na nga ata natutulog at kumakain sa tamang oras iyon"
"Bakit kasi hindi muna sya tumigil sa pagtatrabaho. It's her fault, ya. Kung magkasakit man sya ay kasalanan niya iyon. Hindi ko naman hiniling na magpakapagod sya sa trabaho nya. Bakit hindi nalang sya humingi ng pera don sa magaling kong tatay? Sure naman ako hindi makakatiis yung lalaking iyon."
"Yunice! Hindi magandang pinagsasalitaan mo ng ganyan ang nanay mo, ha? Ilang beses ko na sinabi saiyo na hindi ganoon ang nanay mo. Mabuting tao si Haizel, sana naman maintindihan mo, Yunice"
"Ya, ano pa bang explanation o magandang excuse ang pwedeng gamitin para lang mapagtanggol mo ang mommy ko? Isa siyang kabet, period. Wala ng comma or kasunod iyon. Nangloko sila ng tao, nanakit. And I will never tolerate that kind of thing! It's disgusting, ya. So please wag mo akong pilitin sa bagay na mahirap sikmurain"
Tumayo ako at dumeretso na sa kwarto ko. Balak ko sanang sumabay ng hapunan kay yaya kahit na busog ako kaso nawalan ako ng gana. Nanatili lang akong nakakulong sa kwarto ko at nagmumukmok sa loob ng kumot. Ganito ang ginagawa ko kapag malungkot o natatakot ako.
Yes, I am a brat. But I'm not strong to handle this kind of situation. Mapakahirap lumaki ng may pagkamuhi sa iyong ina.
Nang matapos na ako sa pagdadrama ay naligo na ako. Masyado na akong malagkita sa init, pawis, at dumi. Matapos kong maligo ay sinimulan ko na ang pagpaplano.
"Simple but pretty, mhhh" I am pretty, but simple?
Sinubukan kong magsearch sa google para malaman ang ibig sabihin non
What is an example of a simple girl?
A girl who doesn't try too hard.
But I did not try too hard? Okay maybe just a little bit. So, kailangan ko ring manamit ng simple. Shirt and jeans? Ang baduy naman!
Hindi ko na maintindihan ang itsura ko habang iniisip ang mga outfit na gagamitin ko para doon. Parang gusto ko nalang gumive up. But I'm not that kind of person! I can do it. Simula palang ito. At sigurado akong hindi makakawala si Marx sa kamandag ko. Hintayin ang natin kung sino ang unang magmamakaawa saatin.
BINABASA MO ANG
Operation on Marx Clinton [ON GOING]
أدب المراهقينOperation on How to Seduce: Series 1 Yunice Fahardo is an entitled brat. She loves attention at nasaktan ang ego nito nang hindi nito makuha ang atensyon ng anak ng may-ari ng eskwelahang pinapasukan nya. She was treated like a princess before he a...