Chapter 1

62 6 1
                                    

Exhausted

Yunice POV

"Mukhang bad mood ka ata?" tanong ni Chloe.

"Obvious ba?" sarkastiko kong tanong.

"What happened?" kalmadong tanong ni Klea.

"So diba kanina may pumuntang lalaki sa akin? He confessed. Pagkatapos non syempre nireject ko--"

"As always" singit ni Chloe.

"Shut up Chloe"

"Then? Tuloy mo na" at tinuloy ko na ang pagkwento. Habang nagkukwento ako ay kilig na kilig naman si Chloe lalo na ng idescribe ko kung ano ang itsura nung lalaki.

"So, anong pangalan?" umirap ako sa tanong ni Chloe.

"Pwede ba? Wag muna lalaki ang iniisip, okay? Ang problema dito ay kung papaano ko aayusin itong gusot na ito. Should I kill him?"

"What?! Are you out of your mind?!" iritang reaksyon ni Klea.

"Eh anong gagawin ko?"

"Why don't you seduce him!"

"Ano nanamang kahibangan iyan Chloe?"

"No! It's a better idea. You can't please him, right because he doesn't like you?" napatigil ako sa sinabi nya.

"Na for once may isang tao na hindi tinablan sa alindog mo? 'Yong taong una kang naattract, iba ang tingin sayo. Ang tingin sayo ay isang monst--" kumuha ako ng tinapay at sinalpak iyon sa bibig nya. Nakakaimbyerna itong babaeng to.

"Aray ko naman!" reklamo nya.

"Nakakairita kasi yang bunganga mo, wala bang tape sainyo, ha?"

"You are changing the topic. Bakit ,Yunice? Are you scared?" tinaasan ko ito ng isang kilay.

"Scared of what?" I asked.

"Scared that you will fail to seduce him or worst, fall in love with him" halos mabilaukan ako sa tawa ng marinig iyon. That's hilarious!

"That will never gonna happen. Alam mo, my dear Chloe, once I seduce a guy, he can never resist it." Tinignan ako ng dalawa na parang hindi naniniwala.

Biglang naglakas ang mga bulung bulungan sa cafeteria. Anong meron?

"Omg! Si Marx" rinig kong tili ni Chloe na nakatingin sa entrance ng cafeteria. Nanlaki ang mga mata ko nang lumingon ako doon. That guy!

"'Yan!" sambit ko na nakakuha ng atensyon ng kambal, si Chloe at Klea.

"Anong 'yan?" takang tanong ni Klea.

"'Yan ang lalaking tinutukoy ko sa inyo" tugon ko. Nakita ko ang pagkagulat ng dalawa, in lalo na si Chloe.

"Hala! Si Marx Clinton ang nakabangayan mo?"

"Sino ba yan at parang kilalang kilala mo?"

"Hindi mo ba alam? Ang anak ng may ari ng school na ito ay si Marx. I heard he will be our student council president this year" tumaas ang isa kong kilay sa narinig. May ibabatbat pala ang lalaking ito kaya ganoon nalang magsalita. Ibig sabihin, marami rin itong koneksyon sa mga tao at 'pag nagkataon ay malalagot ako.

"So, anong plano mo? Susundin mo ba yung suggestion ni Chloe?" tanong ni Klea.

"Of course not! Di ko sasayangin ang oras at panahon ko sa lalaking 'yan"

Kinabukasan, hindi ako ang nakakuha ng atensyon ng lahat kung hindi ang lalaking nasa harap ko ngayon. Nakasuot na sya ngayon ng uniform na ikinabagay naman sa kanya. Lalo syang gumwapo, pero wala akong pake.

Operation on Marx Clinton [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon