Paano Ba Ito?

17.5K 151 147
                                    

ISLA CASTIGLIONE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISLA CASTIGLIONE

Population: 577

💖💖💖

MICAL

"Kuya, pumayag ka na, ayaw ko na talagang mag-aral. 'Di ba sabi ni Lord, ang mga babae ay dapat nasa bahay ay nagsa-submit sa asawa."

"Seventeen ka pa lang Mical. Anong asawa ang pinagsasabi mo?"

"'Yong point ko. Bakit pa ako mag-aaral kung paglilingkuran ko rin lang naman ang asawa ko."

"Bakit may plano ka bang mag-asawa ng baldado?"

"Nakakainis ka!"

"Eh, ikaw pala. Anong alaga ba ang iniisip mo?"

"Sa bahay! Ipagluluto ko siya."

"Marunong ka bang magluto?"

"Hindi."

"Hindi pala, eh! Anong paglilingkod ang ibibigay mo."

"Gagawa kami ng maraming anak!"

"Goodness! Mical! Pakausap nga kay nanay!"

"Ayaw ko nga! Mamaya kung ano-ano ang sabihin mo kay nanay."

"Sasabihin ko kutusan ka!"

Ngumuso ako. Kahit alam kong hindi niya nakikita.

"Mical, ano ang plano mo sa buhay?"

"Gusto kong pumunta sa Manila, kina Ma'am Mavi. Sabi ni Gela, maganda daw doon. Malaki ang suweldo, parang nag-o-opisina na."

"Kung hindi ka taga Isla Castiglione, I'm sure tama 'yang sinabi ni Gela. Pero dahil taga diyan ka at sa kanila ka magtatrabaho balang araw, triple niyan ang starting pay mo. Look at me. Kung sa iba ako nagtatrabaho, I would be getting a lot less."

"IT ka na kasi."

"That's right. Dahil nag-aral ako. Sa lahat ng may scholarship at walang kahit singkong duling na gagastusin, ikaw pa talaga ang tinatamad mag-aral." Gigil na gigil na si kuya. Baka atakehin ito sa puso kahit bata pa.

"Bakit si Gela?"

"Si Gela ay lumaki sa orphanage ng mga Castiglione at sakitin kaya hindi siya nakakatapos ng pag-aaral kahit taon taon ay nag-i-enroll siya. That's not your case!"

"Kuya, huwag ka naman magalit sa akin, mabait naman akong kapatid at anak. Gusto ko lang ma-experience 'yong work ni Gela. Tamad na tamad akong mag-aral ngayon."

"Lagi kang tamad na tamad mag-aral, Mical, walang bago diyan."

"Honor student ako, ha!"

"Exactly, hindi ka nag-aaral pero honor student ka. You are a scholar of ERU. Hinihintay ka na lang doon. All expense paid. Tapos gusto mo maging kasambahay?"

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon