💖💖💖
XIAN
Sinabayan ko ang baba ni Mical ng kotse. Nasa kabilang side ako at sinundan lang siya ng tingin. Like always.
Parang balewala lang sa kanya ang nangyari kanina. Kahit sinabi niyang natakot siya nang slight. Parang hindi naman. Nakuha niya pa akong tanungin ng tungkol kay Olga. Makulit pa rin. Parang noong dati.
I didn't know what prompted her to speak to me today. She wasn't this way for a good year, three months, and sixteen days. Should I say the time?
I watched as she walked to Macoy.
Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko. Pero no'ng tumingin si Macoy sa akin ay tinanguan ako at parang umiwas nang lapitan ni Mical.
"Macoy, narinig mo na ba 'yong kuwento tungkol sa binging palaka?"
Nangamot ng ulo si Macoy. "Hindi, eh. Ano ba 'yon?" Lumingon ulit ito sa akin.
Napatingin din tuloy si Mical. "Ikaw sir? Ito 'yong palakang hinalikan ni Princess Tiana. Kilala n'yo ba 'yon?"
Of course, I didn't answer.
Hinarap niya si Macoy. "Ikaw Macoy?"
"Hindi, eh."
"Galingan mo naman, hindi kita ilalakad kay Gela."
Tumaas ang kilay ko.
"Sir," tawag niya ulit sa akin. Pumihit pa siya. "Kawawa naman kung 'yon ang gagamitin natin. Totoong tao 'yon, eh."
"It's a fairy tale," I said.
"Ay, alam n'yo 'yon? The Prince Frog!"
"Try The Frog Prince."
She chuckled. The first time I heard in a long time.
It makes me happy inside. Kaya nga hindi ako makaalis dito sa kinatatayuan ko. I should be gone.
She started, and like earlier, I crazily listened. "So, pinagdala ng science teacher ng frog ang estudyante sa biology class. Sila lang dalawa kasi hindi nito naipasa 'yong hypothesis nila recently."
"Bakit, dahil nabasag ng estudyante 'yong mga cylinder at tubes?" I asked.
"Sir naman, Chemistry 'yon, biology ito eh."
I rolled my eyes. "Nagbasag ka talaga ng tubes at cylinder?"
"Hindi lang 'yon, napatunayan ko na ang gravity ay hindi laging pababa."
Nakita kong nakanganga si Macoy. Wala kang alam kaya huwag kang magpa cute diyan! "Sige," I told her. "'Yong gravity ko kasi paminsan minsan tumataas din, eh."
She gasped. "Seriously, sir?"
"Ituloy mo ang kuwento. Kailangan ko nang umalis." Baka pagpaliwanagin pa ako nito.
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED An innocent girl fell in love with a jaded billionaire. THE BILLIONAIRE'S MAID (Maid Series 4) (The Castiglione Empire 13)